#SBMP06

14 4 0
                                    

CHAPTER 6

Summer Montemar

Sa tagal ko na dito sa University na to , ngayn lang ako nainis dahil nasa dulo ang institute namin. Paano ba naman kasi , pakiramdam ko ilang tons ang bigat ng mga paa ko! Mostly ang talukap ng mga mata ko!

Hayyyy. *yawn* Kaantok naman oh! Wala akong gustong gawin ngayn kundi ang matulog! Pero sa ngayn, kailangan ko munang pumunta sa room , doon nalang ako matutulog. :D

Grabe! Ang sakit sakit din ng ulo ko! Ayoko ng uminom ulit! Promise! Dapat talaga nakinig ako kay Tripp kagabi eh! Edi sana hindi ko ito dinadanas ngayn! Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit! Ito yata yung tinatawag nilang hangover! Luh! Isang shot glass lang ng tequila hangover agad? K fine! Now I prove how low my alcohol tolerance is!

Nalate ako ng gising dahil sa pagpuyat saakin ng lecheng hangover na to! Ilang beses akong gumising ng madaling araw dahil pakiramdam ko ang init , para akong nasa desert! Naligo naman ako bago matulog. Nakatodo na din ang aircon magdamag! Tapos parang uhaw na uhaw pa ako. :3

Buti nalang ginising ako ni Mommy kanina kundi there's a big possibility na absent ako sa first subject ko pero syempre kalakip nun ang sermon nya. Pupuyat puyat daw ako eh hindi naman pala kaya. At dahil don , hindi ko naitext si Sai na daanan ako saamin para isabay sa pagpasok. Si Mommy naman kasi! Makapagmadali! Eh late din naman lagi yung Prof namin! Hays!

Originally , maaga ang normal class ni Shim but luckily 10am ang pasok nya today , may program daw sila. Kaya ayun , sakanya ako sumabay. On the way ang university namin sakanila.

"Oy Summer!" Napatigil ako sa pagdama ng paglalakad ng biglang may tumulak sakin. Tinignan ko ng masama ang babaeng nasa katabi ko , makatulak naman to! Buti nalang active reflexes ko kahit na tulog na tulog pa ang diwa ko.
"Sarey! Napalakas." And she made a peace sign. Nagpacute pa nga!
Inirapan ko lang sya tapos naglakad na ulit.
"Anyare sayo?"Tanong nya habang sumasabay saakin sa paglalakad.

I just look at her lazily.

"Muka kang walking zombie!" Tapos tumawa sya. Kaibigan ko ba talaga tong babaeng to?

"Puyat lang." Matipid kong sagot. Wala ako sa mood makipagasaran sayo friend. Inaantok akong tunay!

"Obviously stated." She laughs again. Muka ba akong clown? I thought zombie? :3 Damn! Kaganda ko namang zombie neng!
"Anyway , ingat paglalakad ah? Baka madapa ka." She remind me and smiles. Ang sweet din naman pala nito oh. Pinapaalalahan akong-aray!

Automatic na naibalik ko kay Rai ang tingin ko. I can't believe this. Ganon ba sila kaclose ni Lord para magdilang anghel sya ha? Wala pang tatlong hakbang na nakakalayo ako sakanya natisod na ako! Buti nalang at nakapagbalance ako. Kundi baka kalips to lips ko na ang sahig ngayn!
"I just told you Besty." She said like so concern. "Bye!" and wave at me at pumasok sa katapat na room na hinintuan nya. Bago nya maisara ang pinto , narinig ko ang pagtawa nya. Ugh! Now I prove na kaibigan ko talaga sya. Tumawa sya imbis na tulungan ako eh. :3

Because of her presene , napagtanto ko na nasa building na ako ng institute nila , it just mean na isang building nalang ang kailangan kong tawirin para marating ang institute namin. Isang mahabang building! =_=

Agad akong dumerecho sa elevator ng building namin , dun ako pumila sa konti lang ang nagaabang. Sakto namang pababa na ang elevator. Pumwesto ako sa gilid sa dulo , para walang istorbo at hindi masanggi ng mga lalabas at papasok. Ugh! Iba talaga ang tama ng ulo ko. Makapunta nga ng clinic mamaya after ng first class. :3 Grabe bakit pakiramdam ko sa duyan ako nakasakay. Hinihila ako lalo ng antok. -___-

"Miss?" Napamulat ako ng maramdaman ko ang marahang pagkalabit saakin. Pagtingin ko si Kuyang operator ng elevator.
"San po ba kayo pupunta?" Tanong nya.

stole by MR. PERFECTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon