I Thought...
Genre: High school/ Romance
Author: Lockness Sera (Khian_Ramirez@yahoo.com)
EPISODE 1
Location: Shealine High School
I am Leon. 15 years old. Third-year high school student. It was the first day of school since my story started. Hindi ko mahanap yung name ko sa mga list na nakadikit sa bawat room so, I decided to find my classmates nalang. Block section naman kami. Medyo natagalan ako sa paghanap sa mga classmates ko and at last, nakakita ako ng isa. Si Ashley. She is a girl with short yellow hair, maputi at maganda. Obvious namang maraming nagkakagusto sa kanya dahil sa standing niya. Minsan na akong nainlove sa kanya but, narealize ko wala akong pagasa sa kanya kaya tinigilan ko nalang. Nawala na pagkagusto ko sa kanya but, dumadating minsan yung time na namimiss ko siya. Aaminin ko, nagkagusto ako sa kanya dahil lang sa physical look niya. Nakakafall kasi. Nilapitan ko siya…..
“Hey Ashley!” sabi ko.
“Oh, Leon! Nasaan yung iba pa nating classmates?” tanong ni Ashley.
“Hindi ko alam! Hinahanap ko nga rin sila. Buti nakita kita.” Sagot ko sa kanya.
“Ah, tara! Hanapin natin! Sana hindi pa sila nakakauwi.” Sabi sa akin ni Ashley.
“Amm.. Sige.” Sagot ko.
Hinanap namin yung mga classmates namin pero, hindi namin nakita. Maya-maya nag decide nalang kami na hanapin nalang sa bawat room yung mga name namin sa list. Ang hirap maghanap kasi, ang laki ng school at maraming enrollees. Tinawag ako ni Ashley…..
“Leon!”
“Bakit?” tanong ko.
“Nakita ko na!” sagot niya.
“Talaga? Saan?” tanong ko at pumunta ako sa kanya. Tinignan ko yung list. “Oo nga! Ang galing ah!”
“Syempre! Ako pa!” sabi niya.
“Hay… Dapat pala tinry kong maghanap sa higher section’s room. Alam ko naman kasing kulang ako.” Sabi ko.
“Tss… wag mo nga maliitin sarili mo! Mahirap makaabot ng pangarap kapag ganyan ang tingin mo sa sarili mo. Just do your best! Magtiwala ka sa sarili mo! Hindi yung ganyan ka!” Sabi niya sakin.
Hindi na ako nakapag salita. But, naappreciate ko yung advice niya.
“Sa tingin mo, next year kaya magkaclassmate padin tayo?” tanong ni Ashley sakin.
“Ewan… Sana…” Sagot ko.
Ngumiti si Ashley. “Tara Leon, sabay na tayo umuwi. Saan ba yung bahay mo?”
“Ha? Sabay?” tanong ko.
“Oo, ayaw mo?” sagot niya sakin ng patanong.
“Amm.. gusto.” Sagot ko.
“Gusto naman pala eh! Tara na!” Yaya niya sakin.
“Sige.” Sagot ko.
“Teka.. di mo pa nasasagot tanong ko!” sabi niya sakin.
“Anong tanong?” tanong ko.
“Kung saan bahay mo. Ulyanin! Haha…” sagot niya.
“Ah.. sorry! Haha.. Doon sa Crescent City.” Sabi ko.
“Ah, ang layo pero, atleast same tayo ng direction ng pag sasakyan ng jeep.” Sabi niya.
“Oo nga. Hehe….” Sabi ko.
