CHAPTER 5: FAIL
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Naalimpungatan na lang ako nang maramdaman kong gumalaw ang kama.
"Bryan?"
He switched on the lampshade. Bumungad sa paningin ko ang mukha ni Rev. Bigla akong napabangon.
"Disappointed?" he smirked.
"Rev.. Why-?" bigla akong napahinto nang maalala kong kanina ay nag-iiyak na lang ako sa kotse nito. Hindi ko rin mapigilan kahit gustuhin ko. Hindi ko alam kung bakit, gusto kong masaid ang luha ko.
Inalo ako ni Rev kanina kahit hindi nya naiintindihan kung anong nangyayari sa akin. I can clearly remember that he just hugged me because I was crying uncontrollably. And then my eyes started to feel heavy and I was slowly pulled into slumber.
"You're in my place." Paliwanag ni Rev.
"This is not your room."
"It's been five years since you last saw my room, how would you know."
"I was just there last week."
Tiningnan nya ako ng salubong ang mga kilay.
"Ah.. ehehe.. Dinalaw ko kasi si Tita, she gave me a tour of the house to let me see the renovations and all." Napakamot ako sa batok. Hindi na nga pala ako welcome sa room nito, unlike before.
Hindi na nagsalita si Rev. Tumayo siya at binuksan ang ilaw.
Banyaga ang silid na bumungad sa akin.
"This is my pad. Madalang na akong umuwi sa bahay, I stay here most of the time."
"Pero bakit? Ang lapit-lapit lang ng bahay nyo. Kawawa naman si Tita dun, I'm sure she always misses you."
"She keeps on blabbering about things I don't want to talk about."
"Like falling inlove?"
"Like none of your business, really."
Tumahimik na lang ako dahil baka mainis na naman si Rev sa akin. Saka na lang ako gaganti sa mga pambabara nya pag okay na kami.
"Fix yourself, you have to leave now. It's already 7pm."
I pouted. "Ayoko pang umuwi."
"I'm tired. I want to sleep early."
"But it's raining outside." As if on cue, bigla pang dumagundong ang kulog.
Bumuntong hininga ito.
"Okay, then let's eat dinner."
Pumunta ito sa dining area. Studio type lang ang pad ni Rev, everything he needs, all in one place. How convenient.
Sumunod na ako sa kanya, kumakalam na rin ang sikmura ko.
"Andami mong biniling pagkain, alam mong dito ako matutulog noh?" di ko napigilang tudyuhin sya.
"Sinong may sabi sayong dito ka matutulog??"
"Ako."
"You're not welcome here.""Just tonight, please.."
Hindi sya sumagot, sa halip ay kumain na lang. Ginaya ko na rin sya.
In fairness, paborito ko lahat ang nakahain. Rev might not be aware of it, but his instinct must have automatically prompted him to order my favorites.
Rev glared at me when he noticed me smiling.
"Stop making assumptions, you idiot!"
Binelatan ko sya. "Hindi mo naman talaga ako papauwiin eh. Look at the food, you provided for both of us."

BINABASA MO ANG
The Accidental Love Wrecker (COMPLETE)
Storie d'amorePag na-inlove ka sa bestfriend mo at feeling mo walang pag-asang maging kayo, anong gagawin mo? Pag nalasing ka at nag-confess sa kanya sa harap ng girlfriend nya at nag-break sila dahil sayo, paano mo matatanggap na ikaw na ang most hateful creatur...