Sa Iyong Ngiti (Part 1)

141 2 0
                                    

Ang kaganapan sa pinapasukang trabaho ni Bea…

Naglalakad si Bea palabas ng staff room nang tinawag siya ni Lyn ang manager ng fast food chain na pinapasukan niya. “Bea! Halika sandali dito. May tawag ka sa phone” ang sabi ni Lyn. Papatakbo namang lumapit si Bea para sagutin ang tawag. “Hello! Sino to?” ang sagot ni Bea.  “Pagong! Ano na? Nasan ka na? Nandito na kami nila Dad sa Makati. Pupunta ka ba?” sagot naman ni Benj na nasa kabilang linya. Natawang sinabi ni Bea kay Benj na papaalis na siya ng trabaho para pumunta sa Makati. “Simula na ba ang rally?” dagdag pa niya. Dahil Congressman ang Ama ni Benj lagi silang sumasama ni Bea sa kung ano man ang ipinaglalaban ni Congrassman. Ilang sandali lang ay ibinaba na ni Bea ang telepono para umalis.

“Manong Ronald! Pa-check na po ng bag ko. Aalis na ko!” ang bungad ni Bea sa gwardiya ng pinapasukan niyang restaurant. “Saan nanaman date mo at parang nagmamadali ka? Kasama mo nanaman siguro yung anak ni Congressman no?” pabirong tanong ni Mang Ronald. “Ayan ka nanaman manong! Daig mo pa si Boy Abunda sa pang-iintriga. May rally nanaman sa Makati ngayon kaya go nanaman ako!” ang depensa naman ni Bea. Matapos ma-check ang bag ni Bea ay dali-dali itong nagpaalam at naglakad palabas ng restaurant.

Sa MRT….

Tumunog ang cellphone ni Bea. TInignan niya ito at binasa ang text ni Benj. “Pagong ka ba? Napakabagal mong kumilos! :p ” nakalagay sa text ni Benj. Nireplyan naman ito ni bea ng, “Teka, hindi naman ako ihi ah. Bat di mo ako matiis? Haha.” Ngunit hindi ito na-isend ni Bea dahil wala na siyang load hanggang sa makababa na siya ng Ayala Station.

Sa rally…

Hinahanap ni Bea si Benj sa dami ng nakakalat at maiingay na sigawan ng tao. “Nasan na kaya yun? Wala naman akong load para matext siya.” Ang nasa isip ni Bea. Naglakad si Bea papunta sa hindi masyadong matao na lugar at nagbakasakali na nandun si Benj ng biglang may nakita siyang isang lalaki na kumukuha ng litrato ng mga pangyayari. “Parang pamilyar sakin tong lalaking ito. San ko nga ba siya nakita?” tanong niya sa kanyang sarili. Hanggang sa biglang napatingin ang lalaki sa kinatatayuan ni Bea at kumuha ng litrato. “Hala! Bakit kaya ako kinukuhaan nito?” tanong nanaman niya, sabay yuko at kunwari’y may hinahanap sa bag. Maya maya pa’y may nanghawi kay Bea para tumabi. Yun pala ay nasa likod na niya si Congressman Philip ang ama ni Benj at pinalilibutan ito ng madaming tao. “Yun pala ang kinukuhaan nung lalaki ng litrato” sabi ni Bea. “Pagong!” sigaw naman ni Benj na papalapit na kay Bea. “San ka ba nanggaling? Ayan tuloy natapos na yung presscon ni Dad” dagdag pa ni Benj. “Wow ha! Parang ang daling mag commute papunta dito. Try mo kaya minsan” sagot naman ni Bea. “Eh kung nagpasundo ka nalang kasi sakin. Pride mo din kasi eh” sabi ni Benj sabay hila kay Bea papunta sa lugar ng mga taong nagrarally. “Teka lang naman. Pwede bang maglakad ng maayos?” apila ni Bea habang hila siya ni Benj. “Ano ka ba maiiwan tayo nila Dad.” sagot ni Benj na madaling madaling makasunod sa Ama niya. Nang makalapit sila dito’y napansin ni Congressman Philip si Bea. “O Bea! Nandito ka na pala. Ready ka na ba mamaya?” sabi ni Congressman. Kakanta pala si Bea bago magsalita si Congressman. “Medyo po Cong.! Kinakabahan nga lang” sagot naman ni Bea. Hanggang sa umakyat na ng stage si Congressman kasama ang iba pang politiko at nagpunta naman na ng backstage si Bea para maghanda.

Sa backstage…

Naglalaro ng psp si Benj nang marinig niya si Bea na tumutugtog ng gitara at nagpapractice ng kakantahin niya. Napatingin si Benj kay Bea at napatigil ito sa paglalaro niya. “haay.. ang galling talaga niyang kumanta” nasa isip ni Benj habang natutulala na siya. Patuloy naman sa pagpa-practice si Bea ng mapansin niya si Benj. “Benjamin Beltran! Punasan mo yang bibig mo. Tutulo na laway mo eh.” sabay tawa at bato ng tissue kay Benj. “Sira ka talaga! feeling nito. Si Benj to no. Sino ka para maglaway ako?” banat naman ni Benj. “At ngayon para bigyan tayo ng isang awitin. Tawagin naman natin sa stage ang isang napakagandang dilag. Let’s give a big hand to: Bea Valdez!” sabi ng host ng event. “Sino ako? Napakagandang dilag. That’s me Benjamin!” sabay tawang ininis si Benj. at umakyat na ng stage si Bea para kumanta. Natawa naman si Benj at sabi sa sarili “Hindi ka maganda Beatrice. Magandang maganda.”

Sa Iyong NgitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon