Sa Iyong Ngiti (Part 2)

72 0 0
                                    

Sa labas ng school…

Nagulat si Bea sa nalaman niya at maging si Jason ay nagulat din. “Honey! How’s your day?” bati ni Jessa kay Jason sabay halik dito sa pisngi. “By the way this is Bea, bestfriend ko siya nung high school. and Bea this is Jason. My loving boyfriend.” dagdag pa ni Jessa. “Ah I know him. Classmate ko siya.” sagot naman ni Bea na medyo nangingilid na ang luha pero pilit niya itong pinipigil tumulo. “Wow! Really. I’m happy to hear that. You know what Bea, I’m so happy kasi okay na kami ni Jason. After ko umalis papuntang Canada we broke up. Pero pagbalik ko last month the love just went back. Iba talaga pag mahal mo ang isang tao. Tama nga sila no? First love never dies.” kwento ni Jessa na sobrang saya ng malaman niyang magkakilala si Jason at Bea. Tahimik lang at hindi mapakali si Jason na hanggang sa sandaling iyon ay gulat parin sa pangyayari. “Ah, Jessa and Jason nice meeting you ulit. Pero I need to go na. May mga tatapusin pa kasi akong paper works eh.” paalam ni Bea sa dalawa. “Ah ganun ba? are you sure? Ayaw mo bang mag merienda muna? My treat!” yaya ni Jessa. “Ahhhm. Maybe next time Jessa. I’m so sorry.” tanggi ni Bea sabay para ng sasakyan. Nagtaka naman si Jessa sa reaksyon ni Bea pero hindi na niya pinansin yun at si Jason na lang ang inasikaso.

Sa jeep…

Sa sobrang sakit ng naramdaman ni Bea ay hindi na nito napigilan ang pag iyak. Kahit alam niyang madaming tao ay hindi na nito naitago ang sakit na naramdaman niya. Kahit ang pag abot niya ng bayad ay may iyak paring kasama. Ilang saglit lang ay bumaba na rin ito ng jeep.

Sa restaurant..

“Hon, are you okay? Bat parang ang lungkot mo?” tanong ni Jessa kay Jason. “Ah. wala to! Pagod lang siguro ako sa class kanina. Madami kasing pinagawa samin.” sagot naman ni Jason na halata paring natutulala. “Okay. Ano? Let’s go home na?” yaya ni Jessa kay Jason.

Sa bahay ni Bea..

Derecho agad si Bea sa kwarto niya. Hindi parin maalis kay Bea ang lungkot, sakit, at pagtatanong dahil sa nangyari ng biglang tumunog ang cellphone niya. Tumatawag si Benj sa kanya ngunit ayaw nitong sagutin. Nakailang tawag at text narin si Benj ngunit ayaw sumagot ni Bea. Kinagabihan ay dumating si Benj sa bahay ni Bea. Kumatok ito sa pinto at pinagbuksan naman siya ng Mama ni Bea. “Oh Benj! Napadaan ka ata?” bati ng Mama ni Bea.  “Ahm. Tita, nanjan po ba si Bea. Tinatawagan at tinitext ko po kasi siya kaso hindi po niya sinasagot eh.” sagot ni Benj. “Ah ganun ba. Halika pasok ka muna. Nasa kwarto niya si Bea. Kanina pa nga nagkukulong dun eh. Ayaw ding kumain. Baka pag ikaw ang kumatok bubuksan niya yung pinto.” sabi ng Mama ni Bea. “Ah cge po. pwede ko po ba siyang puntahan ngayon?” tanong ni Benj sa Mama ni Bea. “Oh cge. Akyat ka nalang dun. Tapos ibaba mo siya pag okay na siya para makakain naman.” pagpayag ng Mama ni bea. Agad namang umakyat si Benj at halatang nag aalala kay Bea. “Pagong! si Benj to. Okay ka lang ba diyan? Pwede ba akong pumasok?” tanong ni Benj habang kumakatok sa pinto ng kwarto ni Bea. Ngunit wala paring sagot si Bea kaya kumatok ulit si Benj. “Bea., Please open the door. Okay ka lang ba? I want to talk to you.” paulit na tanong ni Benj. Ilang saglit lang ay  binuksan na ni Bea ang pinto. Pagkakita ni Bea kay Benj ay niyakap niya eto at sabay iyak. Nagulat naman si Benj ngunit hinayaan na lang ito ni Benj sabay sabing “What’s wrong Bea? Anong nangyari.” Bumitaw na sa pagkakayakap si Bea kay Benj at umupo na ito sa higaan niya. Sumunod naman si Benj at halatang nag aalala sa kaibigan niya. “Bea, anong nangyari?” tanong muli ni Benj. “Si Jason kasi.. Si Jason..” sagot ni Bea habang hindi pa rin tumitigil sa pag iyak si Bea, “Si Jason? Anong ginawa sayo ng mokong nay un? Tell me Bea.” nag aalalang tanong ni Benj. Kwenento ni Bea ang nangyari at naawa si Benj sa pinagdadaanan ni Bea. Wala itong nagawa kundi yakapin si Bea at patahanin sa pag iyak. “Benj, sorry ha. Nakita mo pa yung kadramahan ko.” sabi ni Bea kay Benj.  “Okay lang yan. Minsan lang ako makakita ng umiiyak na pagong. Nakaka-entertain din pala.” Pabirong sagot ni Benj. “Alam mo kung anong dapat nating gawin ngayon?” dagdag na tanong ni Benj. “Ano?” matamlay na sagot ni Bea. “Ipa-ambush natin si Jason at yung girlfriend niya. (sabay tawa) ay.. hindi biro lang. Bumaba na tayo kasi kanina mo pa ako tinatyansingan dito sa kwarto mo. (Sabay tanggal ni Bea ng kamay pagkakayakap kay Benj.) Nagpadeliver ako ng pizza. Kain na tayo. Tara!” yaya naman ni Benj. At bumaba na nga ang dalawa para kumain. Sinubukang patawanin ng patawanin ni Benj si Bea. Tumatawa naman si Bea ngunit paminsan minsa’y natutulala parin ito dahil naaalala parin niya si Jason. Hanggang sa nagpaalam na si Benj pauwi. Inihatid ni Bea si Benj sa labas ng bahay nila at nagpasalamat. “Benj, Thank you.” Ang huling salitang nabanggit ni Bea kay Benj bago sumakay si Benj ng kotse niya. At ngiti lang ang sinagot ni Benj kay Bea.

Sa Iyong NgitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon