…Sa iyong ngiti… ako’y nahuhumaling… (tunog sa cellphone ni Bea)
Nagulat si Bea at Bryan sa tunog ng cellphone ni Bea. Biglang inalis ni Bea ang kamay niya sa tenga ni Bryan. “Ahhh..Hello! Benj… ah yes.. katatapos lang… kamusta ka?” ang sagot ni Bea sa phone habang naglalakad ito papunta sa sasakyan ni Bryan. Napangiti si Bryan at sumunod na rin sa paglalakad.. “Okay bye. Bukas na lang ako pupunta diyan okay?”..paalam ni Bea kay Benj na kausap sa phone.. ngunit parang pinigilan muna ni Benj si Bea na ibaba ang phone.. kasalukuyang nasa loob na ng kotse sila Bea at Bryan.. “Ano? Kanta? Bukas na lang..” sabi ni Bea kay Benj na kausap sa phone. “No…I want now.. para makatulog ako..please.. Beatrice..” pilit naman ni Benj.. “hu? Ahmmm…” alangan na sagot ni Bea habang unti-unti siyang napapatingin kay Bryan.. “Okay.. I’ll sing.. Minamasdan kita, ng hindi mo alam, Pinapangarap ko’y ikaw ay akin… (napatingin at napapatitig si Bryan kay Bea sa ganda ng boses nito. Unti-unting naaalala ni Bryan ang mga sandaling napapatitig siya kay Bea.. sa rally, sa resto at sa concert) Sa iyong ngiti, ako’y nahuhumaling… at sa tuwing ikaw ay gagalaw, ang mundo ko’y tumitigil… Para lang sayo, ang awit ng aking puso… Sana’y mapansin mo rin ang lihim kong…pagtingin… sa iyong ngiti…” ng matapos si Bea ay napaalis bigla ng titig si Bryan sa kanya.. at nakatulog naman na si Benj.. “Bryan, sorry ha.. si Benj kasi eh..” paumanhin ni Bea kay Bryan.. “Okay lang… ang ganda nga ng boses mo eh.. Close talaga kayo ni Benj noh?” nakangiting tanong niya kay Bea.. “Oo..Bata pa lang ako magkakilala na kami… Tutor kasi ni Benj si Mama nung grade school. Minsan sinasama niya ako kila Benj para sabay kaming makapag aral at maturuan ni Mama. Hanggang sa naging close na nga kami..” kwento naman ni Bea “Ang hirap nga daw turuan ni Benj sabi ni mama. Puro kasi laro nasa isip.” Pabirong dagdag ni Bea. “Ang cool naman nun.. Napakablessed naman ni Benj na may kaibigan siyang tulad mo..” sagot naman ni Bryan “Ako kasi si Allen na lang lagi ang kasama ko. Ang sakit sa ulo” pabirong dagdag din ni Bryan. “Parehas pala tayong sakit sa ulo ang mga kaibigan.” Sagot naman ni Bea. “Hahahaha.. Atleast now, I’ve known you.. Can I be your friend?” tanong ni Bryan. Nagulat si Bea sa tanong ni Bryan.. “Hu? Seryoso ka? Gusto mo bang madagdagan ng sakit ng ulo?” nakangiting tanong ni Bea. “Kung tulad mo ang magiging sakit ng ulo. Okay lang.. I can manage.” sagot naman ni Bryan.. “Ah ganun? Okay friend.. Tara na.. Uwi na tayo..” natutuwang sagot ni Bea. Ngumiti naman si Bryan at pinaandar na ang kotse.
Sa tapat ng bahay nila Bea…
“Thank You Bryan…Oh I mean friend sa paghatid..at sa time na sinamahan mo ako. Sobrang nag enjoy ako.” Pasasalamat ni Bea. “No.. It’s nothing… Nag enjoy din ako…friend..” nakangiting sagot naman ni Bryan.. “Okay.. Thank you ulit.. Ingat ka sa pag uwi…….friend….hahaha..teka.. nakakailang pala yung ganung tawagan.. can I call you Bryan na lang ulit?” ang sabi ni Bea.. “Anything you want my friend Bea.. Bye! Ingat..” paalam naman ni Bryan at umandar na ang kotse..ngunit bigla itong huminto at bumusina. Bumama ng kotse si Bryan at binalikana si Bea sa gate ng bahay nito.. “Bea…Bea…” pagtawag ni Bryan.. “Yes.. may naiwan ba ako?” tanong ni Bea.. “No.. I forgot something.. What’s your number?” tanong ni Bryan.. “ahhhh.. phone number? Okay i-save ko..” tugon ni Bea habang inaabot ang phone ni Bryan.. “Okay..thanks! Bye ulit..” pasasalamat ni Bryan.
Tuluyan nan gang umalis si Bryan at pumasok naman na si Bea sa bahay nila..
Sa loob ng kwarto ni Bea…
“Torn between happiness and sadness” ito ang mga salitang tinatype ni Bea sa laptop niya para i-post sa Facebook. Kahit na naging masaya siya sa pag punta niya sa concert ay ramdam pa rin niya ang sakit ng ginawa sa kanya ni Jason. Nang ma-ipost na nga niya ito ay bigla na lang siyang natulala sabay sabing, “Hayyy Bea… Maging okay ka na… Tama na ang drama.. Tama na ang pag iisip sa nangyari… Smile Bea… Smile..” at napabuntong hininga na lang siya.. Tinignan naman ni Bea ang facebook account niya.. “Smile Bea… God wants you to be happy. He loves you so much.” Ang comment ni Ma’am Lyn sa status ni Bea. Si ma’am Lyn ang manager ni Bea sa trabaho niya. Pagkabasa nun ni Bea ay biglang parang kumabog ang dibdib niya. Biglang parang gusto niyang umiyak at gusto niyang sumigaw. At bigla na lang ngang tumulo ang luha ni Bea sabay sabing, “Lord, ayoko ng maging malungkot. Ibalik mo na po ang dating Bea na masaya.” Pagkasibi nun ni Bea ay tila gumaan ang pakiramdam niya. Kahit patuloy paring umaagos ang luha niya ay alam niyang mas okay na siya ngayun… Nakatulog na din ng mahimbing si Bea.
Kinabukasan sa dorm ni Allen at Bryan…
“Dude! Kamusta ang concert?” ang tanong ni Allen. “Okay lang. Masaya” inaantok na sagot ni Bryan pero nakangiti. “Mukha ngang masaya…ang ganda ng mga kuha mo kay Bea. Bakit siya ba ang nagconcert? Ha Bryan!” Pang-aasar na tanong ni Allen na hawak ang camera ni Bryan.. Bigla namang bumangon si Bryan sa pagkakahiga at kinuha ang camera kay Allen.. “Pambihira ka Allen! Stop doing this.” Napipikon na sagot ni Bryan.. Natawa si Allen sabay kanta ng “I think your in love… I think your in love…ahahahaha.. sa wakas dude!” “Stop it! Teka, bat nga pala an gaga mong nagising? 6am palang ah” tanong ni Bryan. “Ah, oo nga pala. Tumawag si Mommy. Nandito daw sila sa Manila. Magbreakfast daw tayo with them.. Ano, tara?” sumang ayon naman si Bryan at nag ayos nan g sarili.
Sa work ni Bea..
“Good morning Mang Ronald!” bati ni Bea. “Good morning Bea! Ang ganda ng gising mo no? Maaliwalas ka ng tignan ngayon.” Bati naman ni Mang Ronald. Ngumiti lang si Bea sabay pasok na sa loob. “Ma’am Lyn! Good morning po! Salamat po sa comment niyo kagabi. Talagang nakatulong po yun.” Pasasalamat ni Bea kay Ma’am Lyn. “Naku wala yun. Thank God at okay ka na.” sagot naman ni Ma’am Lyn. Ngumiti si Bea… “Sige po Ma’am. Magpapalit na po ako ng uniform.”
Natapos ang trabaho ni Bea at agad naman siyang nag-ayos para pumasok sa eskwela. “Ma’am! Alis na po ako..Rica, bukas na lang ulit.” Paalam naman ni Bea. Pumara na siya ng jeep.
Sa eskwelahan..
Pababa na si Bea ng biglang… “Bea! Bea!” pasigaw na tawag ni Jessa. Hindi alam ni Bea kung anong gagawin niya.. Lilingon ba sya, Ngingitian ba niya, Kakausapin ba niya o maglalakad na lang siyang hindi tila hindi niya napansin ang pagtawag ni Jessa nang ilang sandali lang ay biglang bumulaga si Jessa sa harap niya.. “Jessa!” gulat na bati ni Bea. “Wala ka pang class diba? Pwede mob a akong samahan? I’m waiting for Jason kasi. Please.. Kahit dun lang tayo oh.” pagyaya ni Jessa sabay turo sa isang kainan. “ah…kaso kailangan kong magreview Jessa. Malapit na kasi ang exam, pupunta sana ako sa library.” Pagtanggi naman ni Bea. “Bea….please…kahit ngayon lang.. gusto din kita makausap..sige na.. please..” pilit at lambing naman ni Jessa na halatang wala paring alam sa sitwasyon nilang tatlo ni Jason. Gusto man tumanggi ni Bea ngunit naaawa din naman siya kay Jessa. “Okay…sige pero hindi ako magtatagal ha..may class na rin kasi ako mamaya..” pagpayag naman ni Bea.
Sa kainan…
Pag upo nila Bea ay biglang dumating si Jason.. “Hon… we’re here..” bati ni Jessa kay Jason. Napatahimik lalo si Bea at tila hindi nanaman alam ang gagawin. Umupo si Jason sa tabi ng girlfriend niya katapat si Bea. Hindi makatingin ng maayos si Jason kay Bea pero maya’t maya’y tinitignan niya ito. “Ahmm.. parang ang tahimik niyong dalawa Hon. Hindi din ba kayo nag uusap sa class niyo?” tanong ni Jessa. “Ah..hindi naman sa ganun” iwas na sagot ni Jason. “ah oorder na ako..” dagdag pa ni Jason.. “No Hon! Ako na lang oorder.” Pilit naman ni Jessa sabay tayo at alis na para pumunta sa cashier. Naiwan naman si Bea at Jason na naiilang parin sa isat-isa. Hindi alam ni Bea ang gagawin niya. Nakayuko lang siya at bukas-patay siya ng cellphone niya para malibang ang sarili..ng biglang.. “Bea, sorry” ang sabi ni Jason ng sa mahinang boses. Napatingin naman si Bea kay Jason ngunit hindi siya nakasagot. “Okay ka lang ba?” dagdag na tanong pa ni Jason.. Hindi pa rin kumukibo si Bea.. “Bea, okay ka lang.” tanong ulit ni Jason ng medyo lumakas na ang boses nito. “Okay? Paano mo masasabing okay ako.?” Biglang sagot ni Bea. “Bea…sorry.. hindi ko sinasadya.. sorry” sagot naman ni Jason. “Ano? Sorry? Hindi mo sinasadya? At tinatanong mo pa kung okay lang ako? Hindi mo alam Jason. You don’t know what I’m feeling right know and you’ll never know this feeling. Kasi hindi ikaw ang niloko. Hindi ikaw ang sinaktan.” Sagot ni Bea habang tumutulo na ang luha ni Bea. Hindi na niya napigilan ang pag iyak. “Please Jason…let’s stop this.. sa tuwing nakikita kita lalo akong nasasaktan… sa tuwing naririnig ko ang pangalan mo parang sinasaksak ang puso ko.. hindi ko alam pero sa tuwing humihingi ka ng sorry……lalong nadudurog ang puso ko. Your sorry isn’t enough to fix my heart.. Hindi sapat ang sorry mo para maibalik ko ang ngiti ko sa harap mo..” ang huling mga salitang lumabas sa bibig ni Bea… Tumayo ito at biglang lumabas nan g kainan.. napansin ito ni Jessa at nagulat sa nangyari.
Napaluha din si Jason sa mga sinabi ni Bea ngunit hindi niya alam kung anong gagawin niya. Hahabulin ba niya si Bea, aamin ba siya kay Jessa? Alamin natin lahat sa susunod na kabanata..