Chapter 5

37 4 1
                                    

Chapter 5

Kristine's POV

Palabas na lang kami ng gym ng biglang hawakan na naman ni Nathan ang kamay ko kaya humarap agad ako sa kanya..

Pero pagharap ko ei natumba sya sakin.. kaya nayakap ko sya..

Anuvayen ? ang init-init ng mukha ko .. hala ! baka nagbblush na ako.. buti na lang walang malay 'tong si Nathan..

WALANG MALAY ! iisssshhhh !! ang slow ko naman.. anong gagawin ko ?..

napatingin tuloy ako sa mukha ni Nathan ... yakap ko pa rin kasi sya... alam nyo ba guys yung natuod sa sobrang shock ?... ganun yung nangyayari sakin ngayon..

Ginawa ko nilagay ko na lang ang braso nya sa balikat ko para maalalayan sya.. ang hirap naman ne'to.. wala kasi syang malay kaya hindi rin sya nakakalakad.. so ako din yung nagpapalakad sa kanya..

Buti na lang naambunan ako ng konting swerte.. malapit lang kasi sa gym ang clinic at ito pa buti na lang kariring nung bell kaya class hours so walang pagala-gala sa daan.. mahirap na maisyu pa ako..

After 3 decades..

Salamat naman.. nakarating din ako sa clinic.. pero para akong naliligo sa sobrang dami kong pawis..

Pagkapasok ko naman sa clinic agad akong inalalayan ni Ms. Luna sya yung nurse dito sa clinic.. mabait yan at single pa.. hahaha ! adik kelangan ko nga palang intindihin itong mokong na 'to..

"Oh ! Kristine .. anong nangyari kay Nathan ?.."

"Nah....hi...matay... nahhh... lang... po... sya ... bigla..."

Grave ! naghahabol na talaga ako ng hininga.. basang-basa na din ang blouse ko.. MALAS !..

:(

"mukhang hingal na hingal ka.. sige , kumuha ka muna ng extra t-shirt jan sa cabinet basa na kasi yang blouse mo.."

" salamat po.."

Pumasok na ako sa c.r. at naghilamos na din ako ng mukha ko.. inayos ko na rin ang buhok ko.. kanina kasi nakalugay kay pinony tail ko na lang.. pagkatapos lumabas na ako..

Tinuro naman sakin ni Ms. Luna kung nasang bed si Nathan dito kasi sa clinic ay may 5 beds at may mga kurtinang nakapagitan sa bawat beds.. privacy echos daw..

Pumunta naman ako sa bed ni Nathan.. kaso

"Kristine , nasabi ko na din sa kay Principal na eexcuse kayo sa klase nya.."

" salamat po ulit pero ano pung sabi ni principal ?"

" sasabihin na lang daw nya sa teacher nyo.."

"salamat po.. puntahan ko llang po yung mokong.. : )"

"hahaha ! swerte mo nga ei nabingwit mo si Nathan.."

"hahaha ! geh po.."

Nabingwit? ano si Nathan isda.. pero Malabo atang mangyari yung sinabi

ni Ms. Luna.. IMPOSIBLE..

Dineretso ko na ang pagpunta sa bed ni Nathan.. umupo ako dun sa isang upuan kalapit ni Nathan..

Sa sobrang pagod ko ata kaya nakatulog na din ako dun.

------------------->

A/N:

Nararamdaman n'yo na ba na may SOMETHING?

Ako kasi damang dama ko na. NapakaIn-denial Queen kasi ne'tong si  Kristine. Painosente effect pa. So pano ba 'yan, lalo nang naging kaabang-abang ang mga kasunod na mangyayari.

Kaya Read lang po tayo ng READ. LIKE and Comment na din po sana. :) 

Stoned HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon