*** Chapter 3 ***
Sa kalagitanaan ng mga nagkakagulong tao dahil sa mga nilalang na sa hinagap ay pwedeng magkatotoo ngayon sa kanilang mundo. Mga masasangsang na amo'y, tingnan mo pa lang ito bukod sa hindi mo maipaliwanag ba takot ay halos maduduwal ka na sa kanilang mga itsura.
Mga patay na bumangon mula sa ilalim ng lupa, halata ito sa kanilang itsura, dahil mga nakasuot pa ito ng mga pamburol na damit, naaagnas na ang ibang parte ng katawan, ang iba nama'y basta na lang yata itinapon sa kung saan matapos patayin. Heto sila ngayon, umaatake, target ay lapain ang mga taong buhay, pero saan ba sila nanggaling? Paano sila naging totoo? End of the world na ba? Yan ang nasa isip ng prinsipal sa skwelahang pinapasukan ng magkakaibigang sina Porsha, Michelle, Zeilan, Abbisala o sa palayaw na Abbi, Roselle, at Cutysai.
Natulala na lang ito sa halip na matakot dahil na rin sa katandaan ay handa na syang mamatay din, ang prinsipal na ito ay si Mrs. Nerisa Santillan.
Si Mrs. Santillan ay ulila na sa kanyang pamilya. Nabiktima ang mga ito ng massacre ang kanyang apat na anak na puro mga babae, pinasok ang bahay nila ng masasamang loob. Pinagnakawan sila at hindi pa nakontento ginahasa pa ang mga anak nyang babae sa mismong harapan nilang mag-asawa.
Hindi nakayanan pagmasdan ng kanyang asawa ang ginagawang pambababoy ng mga kalalakihan sa kanilang mga anak. Pinilit tinanggal nito ang pagkakagapos sa mga kamay nya at sinugod ang lalaking kasalukuyang ginahasa ang isa sa mga anak nilang babae, pinagsusuntok nya ito ng ubod ng lakas sa likuran nito na agad ikinabagsak, ngunit agad itong nakita ng kasamahan nyang mga lalaki at pinapaputukan ng baril na tumama sa ulo kaya agad itong namatay."Huwag " sigaw ni Mrs. Santillan pero huli na, bumagsak na sa sahig ang walang buhay na nyang asawa na si Eugene.
"Mga hayop kayo, wala kayong puso, ano bang kasalanan namin sa inyo? Bakit nyo kami ginaganito?" ang nag-uumiyak na sabi ni Mrs. Santillan.
Tumawa lang mga ito, dala ng mga bangag sa droga, ay walang nararamdaman ito na pagkahabag sa kanila. Habang ang ibang mga kasamahan nito ay sige ang panggagahasa sa mga anak nyang babae. Walang magawa ang mga ito halos lahat ay nanghihina dahil pinagsisimukrahan ang mga ito bago pagsamantalahan.
Hindi iyon nakayanan ng kanilang ina, pakiramdam nya ay halos pinapatay na unti-unti ang kanyang katauhan dahil sa pambababoy na ginagawa ng mga ito sa mga anak nya.
"Mga kapitbahay tulungan nyo kami! Mga kapitbahay tulungan nyo kami! " ang sigaw ni Mrs. Santillan. Ikinagalit yon ng pinakalider ng grupo kaya kinuha nito ang nakasukbit nyang baril sa kanyang beywang.
"Masyado kang maingay na matanda ka ito ang nararapat sayo.
Baang........Mula sa ala-alang iyon ay napaluha si Mrs. Santillan. "Bakit nabuhay pa ko? Sana namatay na rin ako kasama ng mag-aama ko. Hindi yong ganito paulit-ulit na bumabalik sa akin ang bangungot ng nakaraan, sampung taon na ang nakalilipas.
Kaya kahit reterado na sya ay mas pinili pa rin nya ang wag magresign sa school na kanyang pinagtratrabuhan upang kahit paano ay makalimutan nya ang masalimuot na nangyari sa kanyang pamilya.
"Mam Santillan, ano pong gagawin natin, bakit may mga zombies sa labas? " takot na takot na sabi ni Mrs. Ofema, nangangatog ito sa sobrang takot.
Nanatili lamang nakatulala ang prinsipal.
"Andyan na sila mam, anong gagawin natin? Ano ba kasing nangyayari bakit nagkaroon ng mga ganyang nilalang dito sa daigdig natin? Ayoko ko pang mamatay at makain lang ng mga zombies na yan. " aniya ni Mrs.
Ofema.Kaya kahit takot na takot pinilit nyang magpakatapang, walang mangyayari kung paiiralin lamang nila sa mga sandaling iyon. Lahat sila ng mga studyante nya ay mamatay ng walang kalaban-laban.
Booogsh......... bukas ng pintuan ng bus na sinasakyan nila, dagdag pa ang mga nagbasagang salamin na kagagawan ng mga zombies dahil sa pag untog-untog ng kanilang mga ulo sa bintanang salamin ng bus.
Aahh......... sigawan ng mga studyanteng sinisimulang atakihin at paglalapain ng mga zombies na nakapasok.
"Mam Ofema kumuha ka ng matigas na bagay, ipukpok nyo po sa mga zombies, durugin nyo yong mga ulo nila , iyon ang magiging panlaban natin sa kanila " sigaw iyon ng studyante nyang si Michelle.
Nabuhayan ng loob ang kanilang guro dahil may matapang sya na studyanteng katulad ni Michelle. Nakita rin nya ang lima nitong mga kaibigan na nilalabanan ang mga zombies na umatake sa kanila, at ang target ng mga ito para mapuksa ang mga zombies ay sa ulo pinatatamaan.
Nakakita si Mrs. Ofema ng isang tubo sa tabi ng driver, at kinuha nya iyon, nakita nyang wala na itong buhay dahil wakwak na ang puso nito, putol ang kanang kamay, nakita pa ng guro na kain-kain ito ng isang zombies.
"Aahh..... " napasigaw si Mrs. Ofema sa nakakadiring pangyayaring iyon.
Nabulabog naman ang zombie sa kanyang pagkain sa putol na kamay at napatingin ito sa kanya, binitawam nito ang hawak na putol na kamay ay pasugod itong patungo sa kanya.
Mabuti na lang at kahit kunti ay may alam sya sa marcial arts. Napaghandaan agad ng guro ang gagawing paglusob sa kanya agad nya itong tinadyakan ng ubod lakas tumalsik ito, pero agad ding bumangon, kaya hindi na nya hinintay pang salakayin sya nito, hawak ang tubo na bakal ay ipinalo nya sa ulo ng zombie, halos madurog ang ulo nito sa kakapalo.
Pero ang iba ay patuloy na nakapambibiktima ng walang kalaban-laban sa kanyang mga studyante.
"Okay class, wag tayong matakot, i mean wag tayong magpadala sa takot, dahil pwede naman natin sila malabanan, maging alerto lang tayo sa ating paligid. " wika ni Mrs. Ofema.
"Lahat tayo ay alam kung ano ang kahinaan ng mga zombies na yan, gaya ng mga nababasa at napapanood natin na zombie, kaya natin sila talunin. Sa ulo natin sila, patatamaan."
Habang ang anim na magbabarkada ay patuloy ang pakikipagtunggali sa mga zombies, bawat isa sa kanila ay ayaw mamatay sa nakakadiring sitwasyon na mga zombies lang ang papatay sa kanila.
Pati si Porsha na matatakutin ay natuto na ring lumaban dahil sa hikayat ni Michelle na mapapadali lang ang buhay nila kung patuloy nilang paiiralin ang takot sa kanilang puso.
Samantala ang pamilya ni Gyrum ay nakapagtago sa loob ng isang bangko. Halos maraming mga tao ang duon ay pumasok, ang iba nama'y naghanap ng mapagtataguang lugar.
"Honey, what happened? Bakit may mga zombies saan sila nanggaling, bakit nagkaroon ng ganyang nilalang sa daigdig natin, hindi ba't isa lang naman silang fiction, hindi pwede magkatotoo? " saad ni Genelyn sa asawa.
"I don't know honey, kahit ako naguguluhan, ang importante nakapagtago tayo agad. "
"Mommy, Daddy! Anong nangyayari, bakit may mga monster sa labas, hindi naman sila totoo diba, sa mga horror movies ko lang sila nakikita. Natatakot po ako, baka kainin din nila tayo " ang sabi ng anak nila Gyrum na si Analyne.
"Wag kang matakot anak, andito kami ng Mommy mo, hindi kami papayag na makain ka nila " pang-aalo ni Gyrum sa anak.
Sa labas ng bangkong iyon, buhat sa salamin ay kita nila kung paano pagkakainin ng mga zombies ang mga taong nahuhuli nila, nanlalaban ang iba, pero walang silbi ang mga ginagawa nila dahil manhid na ang mga katawan nito ay kahit anong tadyak at pagsusuntok ang gawin ng mga tao ay walang nangyayari lalo na ng magsuguran pa ang mga zombies at pinagtutulungan-tulungan na silang pagkakainin.
Samantala sa isang sementeryo ay may isang nilalang na bumangon mula sa hukay at sya ang dahilan ng nakakahindik na pangyayari ang pagkabuhay ng mga patay at maghasik ng lagim sa ibabaw ng lupa.
"Sige mga kampon, sakupin nyo ang buong daigdig, magpakabusog kayo sa mga buhay na tao na nabibiktima nyo at ang iba'y gawin ninyong mga kasapi natin. At darating ang araw na tayo ang maghahari sa buong mundo. Wahahaha.....