The Notebook (One shot)
Naglalakad ako papuntang bahay ng kaibigan kong si Rona.
Ako nga pala si Reena.
Since malapit lang naman sila sa bahay namin.
Na kay Rona kasi yung diary ko, ipinapabasa ko sa kanya ang lahat ng mga secrets ko pati narin ang tungkol kay Adrian.
Naisipan ko na ring maglakad.
Nakatira kasi kami sa iisang village kaya safe naman siguro kung maglalakad ako.
Onti lang rin yung tao sa labas.
Mabibilang ko nga sila sa daliri ko eh.
May tatlong yaya kasama ang mga alaga nila, may isang aso, may dalawang mag-asawa at isang matandang babae na papatawid.
*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP
Hala, si lola.
Tumakbo ako at lumapit kay lola.
"Hala, lola muntikan na po kayong masagasaan. Ayos lang po ba kayo?"
"Oo ineng......ayos lamang.....ako......" - sabi ni lola habang hinahapo.
"Gusto niyo po ba ng tubig? Punta po muna kayo sa bahay namin." -pagaalok ko.
"Hindi ineng, ayos lang. Eto iha oh."
"Ay lola wag na ho, ano po ba yan." -pagtatanong ko. Inabot niya kasi saakin ang isang itim na notebook. Death note lang ang peg?
"Iha, makinig ka, mahiwaga iyang notebook na iyan at maaari mong----------------" -naputol ang sinabi ng matanda dahil nagsalita si Rona.
"Reena ganda!!!!!!!!!!!!" - sigaw niya.
Ay nako loka talaga itong babaeng ito.
Pagharap ko kay lola.
Wala na siya.
Hala saan yun nagpunta.
Pagkakita ko sa kamay ko. Hawak ko ang itim na notebook na kanyang ibinigay.
Lumapit sa'kin si Rona.
"Uy, ano ba yang notebook na yan bes!" -sabi niya habang tinitingnan yung notebook."
"Nako wala ito, may nag----------------" -sabi ko naman at itinago ko yung notebook sa likod ko. "Tara na!" pagyayaya ko naman.
*Sa bahay nina Rona
"Bes! May ikekwento ako sa'yo. Alam mo bang aamin na sa'kin si Adrian tapos-------" sabi ko ng biglang nabulunan siya sa kinakain niya. "Uy bes, ayos ka lang ba?"
"Ahh ayos lang ako wag kang mag-alala. Oh tapos? Anong sabi ni Adrian?" - sabi naman niya, parang kinakabahan siya. Pero siguro dahil nabulunan lang siya.
"Tapos ayun sabi niya may aaminin daw siya sa'kin and pupunta siya mamaya. Alam mo bang hindi ako nakatulog dahil sa sinabi niya. Excited na ako mamaya." - sabi ko habang kinikilig.
"Ahhhhhhhh..... MAMAYA?!" - gulat yung expression ni Rona.
"Hindi, sa isang taon!" - sarcastic kong sabi.
"Oo na bes! So pupunta siya sa bahay niyo mamaya at may aaminin siya?" - di ko maipaliwanag yung expression ni Rona.
"Oo nga bes, paulit ulit? Sumama ka mamaya ah! Para ikaw yung maging saksi ng pag-ibig namin panghabunghay." -kinikilig kong sabi.
BINABASA MO ANG
Fright Night
Mystery / ThrillerAng istoryang ito ay ginawa sa di maipaliwanag na kadahilanan. Trip ko lang na isulat ito at ipabasa sa inyo. Hahaha. xx