Prologue

223 5 0
                                    

"Ate! halika! may tao dito sa likod-bahay!..duguan po!" sigaw ng bunso kong kapatid na si Reyna. Papungas-pungas naman akong lumapit dito. Kaming dalawa lang ni Reyna ang naiwan dito sa kubo dahil nangangalakal ang tatlo ko pang kapatid na sina Felipi, Leandro at Victorio. Linggo kasi ang araw na ito at kapag linggo ay naiiwan kami ni Reyna sa bahay dahil rest day ko naman sa pinapasukan kong malaking groserihan sa kanto at wala namang pasok sa paaralan ang mga kapatid ko.

Halos mawalan ako ng malay nang makita ang duguang lalaki na namimilipit sa sakit.

"Diyos ko!" naiusal ko. Naiiyak naman ang sampung taon na si Reyna marahil natatakot sa nakita.

"Ate!..tulungan natin ang lalaki. Natatakot po ako Ate." wika ng kapatid ko. Maging ako ay natatakot rin naman. Agad kong pinulsuhan ang lalaki at tumitibok pa ang puso nito. Buhay pa ito.

"Reyna, tulungan mo ako. Dalhin natin siya sa kwarto at ng magamot natin siya at pagkatapos ay tawagin mo ang Ate Rayne, Ate Athena at Kuya Arthur mo para matulungan nila tayo." Ang tinutukoy ko ay ang mga bestfriends at mga kababata ko na kapitbahay namin.

Agad namang tumalima si Reyna at saka pinipilit namin na maipasok sa maliit na silid namin sa bahay ang lalaki. Hindi ko alam..natatakot naman ako at ayokong madamay sa kung ano mang gulong kinasasangkutan ng estrangherong lalaking ito pero mas nangingibabaw sa akin na tulungan ito.

Pagkatapos naming maihiga ang lalaki sa kama na yari sa kawayan ay agad namang umalis ang kapatid ko para tawagin ang mga kaibigan ko.

Mabilis akong kumuha ng batya na may maligamgam na tubig at saka bimpo. Nanginginig man ay hinubad ko ang damit ng lalaki. Nanlaki pa ang mga mata ko nang masilayan ang matipuno at mabalahibo nitong dibdib. Bigla ang pagkabog ng puso ko ng mga sandaling iyon.

Dahan-dahan kong pinunasan ang sugat niya. Nagulat pa ako nang bigla itong umungol. Napatitig ako sa mukha nito.

Napakagwapo ng taong ito at sa tantiya ko ay nasa mga late thirties pa ito. Maputi pala ito at saka mukhang mayaman.

"Diyos ko! sino yan Phaedra?!" nagulat pa ako nang nagsidatingan ang mga kababata ko na sina Arthur, Athena at Rayne. Gulat na gulat din sila sa nakita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ayaw kong pagalitan nila ako kapag nalaman nilang hindi ko kilala ang lalaki. Ayaw na ayaw kasi ng mga kaibigan ko na masangkot kami sa anumang gulo dahil ayaw na naming dagdagan ang mga pasanin namin sa buhay.

Napabuntong-hininga ako.

"Nobyo ko.." naisambit ko. Nakatingin ako sa lalaki na wala pa ring malay.

"A-ano?!"

"Paano?!"

Napakagat-labi ako bago ko sila binalingan. Nakatitig lang din sa akin ang kapatid kong si Reyna na halatang naguguluhan rin sa mga pinagsasabi ko.

"Ano..hindi ko alam kung bakit siya nabaril. I'm sorry hindi ko sinabi sa inyo na may nobyo na ako. Itinago ko kasi malayo naman kasi siya sa akin. Ah basta! wag na kayong magtanong, tulungan niyo na lang ako na magamot siya para magiging okay siya." pagsisinungaling ko. Para ko na ring mga kapatid ang mga kaibigan ko. Saksi sila sa mga paghihirap ko sa buhay. Kung paano ako naghihirap para lang mabuhay ang apat kong kapatid pagkatapos kong mawalan ng mga magulang na masasandalan.

Alam kong masama na nagsinungaling ako pero ayaw lang nilang madagdagan ang mga pasakit ko sa buhay.

Sa totoo lang ay hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit ko tinutulungan ang lalaking nasa harapan ko. Hindi ko siya kilala pero ang puso ko ay gumagaan sa kanya.

Simula nang araw na iyon ay naging bahagi na ng buhay naming magkakapatid si Gabriel. Iyon raw kasi ang pangalan niya.

Nobyo pa rin ang pakilala ko sa kanya sa mga taga- San Nicolas at wala man lang siyang naging pagtutol nun. Hindi ko lang makuha kung ano ang saloobin ni Gabriel. Parang may malalim siyang pinagdaanan. Hindi kasi ito gaanong nagkukwento tungkol sa sarili niya.

Mapipigilan ko ba ang sarili ko na hindi tuluyang mahulog sa estrangherong lalaking dumating sa buhay ko?

Pero may pangarap ako..kailangan kong tuparin ang mga pangarap ko para sa mga kapatid ko. Handa kong gawin lahat matupad lang iyon.

Life is like a roller coaster or like a wheel. Minsan nasa ilalim at minsan nasa ibabaw. Hindi mo mapipigilan ang pag-ikot ng mundo.

Baka yung taong iniwan mo noon ay makakatagpo mong muli sa ibang pagkakataon.

Shadows of yesterdays will chase after you.....

This is a love story of Phaedra who chases her dreams and Theo who chases his forever.

Will they meet at the end?

Shadows of Yesterday Series 3: PhaedraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon