II. Mahal...

236 6 1
                                    

"Pumunta na ng siyudad si Aurora, Phaedra. Iniwan na niya ako." malungkot na wika ni Arthur sa akin. Gabi na at saka nasa labas kami ng bahay nag-uusap. Tulog na ang mga kapatid ko at si Gabriel ay nasa kwarto na namin.

"Bakit raw siya pumunta ng siyudad?" tanong ko. Lalong lumungkot ang mukha nito.

"Sumama siya dun sa mayamang si Adonis. Phaedra hindi niya ako mahal. Ipinagpalit niya ako sa Adonis na yun." may pait sa boses na wika nito. Bigla kong naaalala ang pinag-usapan namin ni Aurora noong nakaraang linggo. Ginawa niya pala talaga yun?

"Arthur, mahal ka ni Aurora.."

"Hindi Ping..dahil kung mahal niya ako ay hindi niya ako ipagpapalit dun sa mayamang iyon. Di hamak na mas gwapo ako sa impaktong Adonis na yun at saka masipag at lubos akong magmahal kaysa sa kanya!" paghihinagpis nito. Napabuntong hininga ako at saka tinapik siya sa balikat. Si Adonis iyong dayuhang mayaman na may negosyo rito sa San Nicolas. Sa pagkakaalam ko ay nanliligaw ito kay Aurora at hindi naman nagpatumpik-tumpik pa ang babae at sinagot ito lalo pa't alam niyang mayaman ito. Hindi ko alam na sasama pala siya sa lalaking iyon.

"Tinupad lang niya ang pangarap niya pero ang sabi niya ay mahal ka niya pero sadyang mas pinili niyang magpakalayo para tuparin ang pangarap niya para sa pamilya niya. Arthur, hayaan mo, kung kayo talaga ang para sa isa't-isa ay babalik at babalik din siya sayo at kung hindi naman ay wag mong pahirapan ang sarili mo. Wag ka ng umasa." Wika ko dito.

"Mahal? anong klase ang pagmamahal niya sa akin Ping?..Mahal niya ako pero kaya niya akong ipagpalit sa lalaking iyon! dahil ano? dahil mayaman yun at kayang ibigay ng lalaking iyon ang lahat ng gusto niya?!..Talagang pinatunayan niya lang sa akin na mukha siyang pera!" puno ng pait na wika nito. Napalunok ako.

"Arthur..hindi sapat ang pagmamahal lang. Kailangang isipin mo rin ang iyong kinabukasan at iyon lang ang ginagawa ni Aurora. May mga bagay na mahirap ipaliwanag. Ayaw lang ni Aurora na maranasan ng mga magiging anak niya ang kahirapang naranasan natin. Tama naman si Aurora diba? Hindi ko siya hinuhusgahan Arthur dahil ganun rin ako kung mag-isip." wika ko. Napatitig ito sa akin at saka napatiim.

"Bakit Ping? Kaya mong iwan ang kinakasama mong si Gabriel para lang sa pangarap mo?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Oo Art..Kaya kong iwan lahat matupad lang yung pangarap ko na makapangasawa ng matandang mayaman na madaling mamatay para maiahon ko sa hirap ang mga kapatid ko at matupad ang mga pangarap ko para sa kanila. Masama na kung masama Art pero naging praktikal lang ako katulad ni Aurora at kung hindi mo iyon matatanggap, hindi kita pinipilit." wika ko. Napaawang ang bibig niya. Hindi siya makapaniwala na ganun ang maririnig niya mula sa akin. Wala naman akong itatago sa mga kaibigan ko. Mas mabuti na rin yung alam nila kung ano ang gusto ko. Si Arthur na lang kasi ang mapagsasabihan ko ng saloobin ngayon dahil tatlong linggo ng hindi umuuwi si Rayne at si Aurora naman ay pumunta na ng siyudad. Si Athena naman ay mukhang busy naman sa love life niya.

"Ganun ba talaga kayong nga babae Ping?..Magpapaasa kayo sa mga lalaki tapos ay iiwan rin pala. Bakit Ping? sawa ka na rin ba sa buhay natin dito sa San Nicolas at naisip mo yan kahit na alam mong may masasaktan kang tao?" hindi makapaniwalang wika niya. Tumayo ako at saka pinamaywangan siya.

"Oo Art! sawa na ako sa buhay natin dito! Sawang-sawa na ako na panoorin ang mga kapatid ko na sumasakit ang sikmura dahil walang makakain. Sawang-sawa na ako na sa tuwing isa sa kanila ang magkakasakit ay nahihirapan ako kung saan ako kukuha ng pera para pampagamot sa kanila!..Sawang-sawa na ako sa kaiisip kung saan na naman ako kukuha ng pera para baunin at pangtustos nila sa pag-aaral!..sawang-sawa na ako sa kaiisip kung saan ako kukuha ng pera para mabayaran lahat ng utang ko. Mas maaatim ko pa Art na gamitin ang sarili ko para hindi na mahirapan ang mga kapatid ko!..Ikaw ba Art, nakukuntento ka na lang ba na ganito ang pamumuhay natin habang buhay? Paano ang pamilya mo at ang susunod pang henerasyon ng pamilya mo? Maghihirap din sila tulad natin." wika ko. Hindi ko napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Kinse anyos palang ako nang mamatay ang Mama ko sa tuberculosis dahil na rin sa paghihirap ni Mama sa paglalabandera at matulungan lang si Papa para itaguyod kaming limang magkakapatid. Nang mamatay si Mama ay sumunod naman si Papa isang taon pagkatapos mamatay ni Mama dahil sa lubhang kalungkutan dahil sa pagkawala ng aking ina. Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at saka lupa. Naiwan sa akin ang mga kapatid ko at kailangan ko silang itaguyod mag-isa. Oo meron kaming mga relatives at nung una ay tinutulungan nila kami pero nang lumaon ay nagsawa rin sila at inaaway kami. Naawa naman si Tiya Helena sa amin kaya kinupkup niya kami pero nang magsumbong ako sa kanya na muntik na akong magahasa ng lasenggero at sabog niyang asawa ay pinalayas niya kami kaya tumayo ako sa sarili kong mga paa ng hindi humihingi ng anumang tulong mula sa mga kamag-anak ko. Nagtatrabaho ako. Doble kayud ang ginawa ko. Nangangalakal kami ng mga kapatid ko tuwing linggo at namasukan ako bilang katulong sa guro ko dati. Nung magretiro ang guro ko dati ay napilitan akong umalis at namasukan bilang sales lady sa isang groserehan sa kanto. Sa awa ng Diyos ay nakakapag-aral naman ang mga kapatid ko kahit na baon na baon na ako sa utang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shadows of Yesterday Series 3: PhaedraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon