I. Estrangherong Damdamin

186 3 0
                                    

"Ate, anong kakainin natin? wala pala tayong pagkain. Eh yung boypren mo hindi pa umuwi simula nang umalis kanina." wika ni Felipi. Kararating ko lang galing sa tinatrabahuan kong groserehan sa kanto. Napakamot ako ng ulo nang makita sina Leandro, Victorio at Reyna na nakapangalumbaba sa hapag habang kaharap ang mga pinggan na walang laman. Halatang gutom na gutom na gutom na ang mga kapatid ko.

Pambihirang buhay! napagalitan pa ako ng amo ko dahil gusto kong mag-cash advance kaso wala na raw akong natitirang sahod dahil halos araw-araw na raw akong nagsi-CA. Baon na raw ako sa utang. Nasaan na ba kasi si Gabriel?! isa pa yung hinayupak na yun! dagdag palamunin ko pa.

"Ate gutom na kami. Wala tayong pagkain." Wika ni Leandro.

"Masakit na ang tiyan ko Ate." wika naman ni Reyna.

Napalabi ako.

"Victorio tumayo ka diyan. Mangutang ka muna ng dalawang kilong bigas at dalawang sardinas doon kay Aling Magda para may makain tayo." wika ko sa kapatid ko. Ngumiwi si Victorio.

"Nah! Ate ano ka ba, kahapon nga lang ako pinagalitan ng matandang yun dahil hindi pa raw natin nababayaran yung utang natin. Ke-haba-haba na raw ng listahan natin. Bayaran muna raw natin saka tayo uutang muli." wika nito. Napapitik ako sa aking noo. Lintik na buhay to oh!. Naiiyak na si Reyna marahil sa gutom.

Sumasakit na naman ang ulo ko kung saan ako kukuha ng makakain naming magkakapatid. Hindi pwedeng ganito na lang kami palagi. Kailangang may gagawin na ako. Dapat ko ng simulan ang pangarap ko na maghanap ng matandang mayaman na madaling mamatay para tapos ang problema namin. Oo! ambisyosa talaga ako at ganun ako mag-isip. Wala na akong pakialam kung masama ang intensiyon ko basta maiahon ko ang mga kapatid ko sa hirap na buhay na to.

Napaangat ang tingin ko nang bumukas ng pinto.

"Andito na ako!" wika ni Gabriel na may dalang tatlong supot ng kung ano. Tumakbo si Reyna at saka niyakap ito.

"Kuya Gabriel buti naman at nandito ka na..Kuya, gutom na gutom na ako kaso walang pagkain. Hindi naman kasi nagdala ng pagkain si Ate Phaedra eh." sumbong ng kapatid ko. Tumingin naman sa akin si Gabriel at sa tuwing ginagawa niya iyon ay para akong nilalamon ng mga titig niya. Tatlong buwan na siyang nanirahan dito sa bahay at hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam tungkol sa pagkatao niya at mukha wala yatang plano ang bruho na umalis sa bahay ko. Napalapit naman ang loob ng mga kapatid ko sa kanya lalong lalo na si Reyna.

"Hay Gabriel, wag mo akong tignan ng ganyan. Pinagalitan ako ng amo ko dahil puno na raw ako ng utang sa tindahan. Hayaan niyo, kapag natupad na yung pangarap ko ay babayaran ko lahat ng utang ko dito sa San Nicolas." wika ko.

"Wag ka ng mag-alala Reyna my little queen, may dala akong pagkain. Ihanda niyo na ang hapag at ng makapaghapunan na tayo." wika pa nito. Napatitig ako dito. Saan siya kumuha ng pagkain? sa pagkakaalam ko ay wala namang trabaho si Gabriel..Saan naman niya kinuha ang mga pagkain?

Mabilis na naghanda ang mga kapatid ko at saka inihanda ang dalang pagkain na dala ni Gabriel.

"Gabriel, halika nga dito." Bulong ko dito at saka hinila siya sa kwarto naming dalawa. Oo! nasa iisang kwarto kaming dalawa natutulog kasi nga magnobyo kami sa mata ng mga kapatid ko at mga tao dito sa San Nicolas.

"What?" sambit niya. Napakunot noo ako nang magsalita ito ng 'what' at sa paraan ng pagsalita nito ay medyo slang pa at tunog pangmayaman.

Nilagay ko ang bag ko sa kama na yari sa kawayan at saka hinarap ito.

"Anong what ang pinagsasabi mo?!..Hoy Gabriel, saan mo nakuha ang mga pagkain na yun? Ninakaw mo yun, ano?..Saan ka kumuha ng perang pambili nun eh wala ka namang trabaho?..Sa lahat ng ayaw ko Gabriel ay yung magnakaw ka!.Kahit hindi kita kaano-ano ay may malasakit naman ako sayo dahil andito ka sa puder ko." inis na wika ko. Ngumisi ito kaya ganun na lang ang pagsinghap ko. Ang ganda kasi ng ngipin niya..pangmayaman.

Shadows of Yesterday Series 3: PhaedraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon