CHAPTER16 - aka.G.

116 1 2
                                    

CHAPTER16 - aka.G.





" you change a lot.. your looks now are different from your looks before but still.. whether you change or not.. my feeling for you will never change "
-aka.G-





ahhhhh!!!! nakakainis na tong lalaking to hah! nawiwindang na ako kung sino ba talaga sya. gusto ko na syang makilala at sana naman magpakita na sya ng maisupalpal ko sakanya tong red card nya! winiwindang nya ang mundo ko ehh. masyado syang pa VIP! >___<.





" ang sweet naman nya "

" yuck!! corny. yun yung tamang term bessy "

" ok.. ang corny nya pero ang sweet nya. hahaha "

" tssss "





itinapon ko na ulit yung red card na yun.. pang tatlong red card na yun at kelan kaya nya balak na tigilan ang pagdidikit nun sa locker ko. nakakainis! pinapapanget nya kasi yung locker ko ehh..





" bessy maiwan muuna kita hah.. puntahan ko lang yun "





tiningnan ko naman yung tinuro ni bessy.. ahhhh si jao pala.. well goodluck nalang bessy. magkaugali kasi kami nung jao na yun ehh hahahaa.





pupunta sana ako sa rooftop ng makasalubong ko sya.. pero this time kasama na nya si shane.





" ohhh "

" ano naman yan?? "

" hindi para sayo to kaya wag kang magtanong.. ahmmm blue para sayo.. ibinabalik ko lang "

" ahh.. s-salamat "

" your welcome... babes "





hahha. nakakatawa naman yung reaksyon ni shane. hinawakan ko lang naman sa braso si blue akala mo isa syang bata na inagawan ng candy kulang na lang umiyak sya at magwala.. ang saya talagang maglaro ^0^ pero mas masaya sana kung nakikipaglaro rin sila ^___^.





habang naglalakad ako bigla nalang may lumapit sa harap ko at may idinikit na kung ano sa noo ko. what was that?? napakabilis ng pangyayari. hindi ko man lang nakita kong sino yung nagdikit sa noo ko.>___<.





" do you want to see me?? lets meet here after your class "
-aka.G-





aka.G?? sya kaya ang nagdikit nito sa noo ko?? asaaaar!! bakit hindi ko nakita????





lets meet here after your class?? dont tell me pati schedule ko alam nya?? awww. nakakatakot naman. tama ba na makipagkita ako sakanya mamaya? what if.. masama pala syang tao tapos isako ako bigla?? ayoko!!!





***





pupunta??





hindi.





pupunta??





hindi..





pupunta??





hindi..





pupunta..





waaaah!! ayokong pumunta pero sabi ng sign pumunta ako.. huhuhuhu sige na nga.. pupunta ako!





ugali ko na kasing gawin to. ang kumuha ng bulaklak at isa isang tanggalin ang petals.. at kung alin ang mapili ko yun dapat ang gagawin ko kahit na labag man yun sa loob ko TT__TT.





huminga ako ng malalim saka naglakad papunta dun sa may garden kung saan ako nakatayo kanina. kainis bakit kasi dumaan pa ako dun ehhh TT__TT. sana naman mabuting tao to.. kahit naman sawang sawa na ako sa buhay kong to ehh gusto ko pa rin namang mabuhay.. gusto ko pang maging fashion designer!!





pagdating ko dun sa meeting place namen nakita ko na agad sya. sigurado ako na sya yun kasi sya lang naman at ako ang tao ngayon dito. si bessy kasi pagkadismiss na pagkadismiss namen umalis na agad.. badtrip na naman kasi ehhh..





ayaaaa.. kinakabahan ako.. ganito din yung kaba na naramdaman ko nung una kong nakita yung red card na yun.. lord sana naman walang mangyaring masama..





" aka.G?? "





dahan dahan syang lumingon saken.. at ok.. ano to lokohan???





" long time no see panget ^__^ "

" ikaw?? ikaw si aka.G?? "

" tama!! namiss mo ba ako? panget??? "

" tsss. anong ginagawa mo dito? pano ka nakapasok dito hah??? alam mo bang bawal ang outsider dito kaya umalis ka na "

" ousider??? "





unit unit syang lumapit saken tapos may inilabas syang bagay dun sa bulsa ng uniform nya.. teka.. id yun ahhh!!! id nang school na to!





" dito ako nagaaral kaya hindi ako outsider.. "

" kelan pa?? "

" mula nung nagpasukan.. hahahaha.. wala ka pa ring pinagbago. panget kapa rin hahaha "





tumalikod na ako sakanya. kainis! akala ko naman kung sino na. sya lang pala! si angelo.. or gello na kababata ko na kaaway ko noon.. panget pala hah.. asaaaaar!!! nakakaini---





" ano ba! bitiwan mo nga ako!! "

" bakit aalis ka na?? hindi mo ba ako namiss?? "

" daaah! bakit naman kita mamimiss?? alis nga! "

" ayoko! payakap muna ^__^ "

" a-ano?? teka--bitawan mo ako! a-ano bang ginagawa mo?? "





tama ba namang yakapin ako?? ang kapal ng mukha!! nadumihan tuloy ako >__<.





" ayaaan.. pede ka ng umali-- aii teka.. para sayo. "

" ano yan?? "

" edi yung red card na binigay ko sayo na itinatapon mo naman.. dont worry lahat ng nakasulat jan. hindi totoo.. inaasar lang kita hahahah "

" tssss. ikaw!!! wag na wag ka ng magpapakita ulit saken kahit kelan!! "

" ayoko nga! mula ngayon.. susulpot ako sa harap mo kung kelan ko gusto.. at kapag aalis ka naman susundan kita hanggang sa mapagod ka.. "

" ano bang sinasabi mo?? "

" wala naman.. namiss lang kita.. panget. "





hindi ko alam kung matutuwa ako o ano! pero ang alam ko.. umuusok na naman ang ilong ko sa inis.. pang apat na to.. pang apat na lalaki na pinoproblema ko.. asaaaar! sino pa kaya o ilan pa kaya ang dadating at poproblemahin ko?? ano ba yan.. bakit ba kasi ang ganda ko?? >.<

( picture po ni gello ayun nasa side ^_^ )





sya nga pala.. hindi ko na kasabay paguwi yung ampon nina mommy bakit?? kasi binilhan sya ng kotse ni daddy?? oh diba! sya na .. sya na ang sipsip! haaayst. mataas daw kasi yung prelim grades nya kaya he deserved daw na magkaroon ng gift. ako?? mababa ang grades ko kasi naman ang dami kong iniisip pero kahit naman mataas yung makuha kong grades sigurado ako na wala akong regalo na matatanggap kay daddy.. kahit nga.. "good job" wala ehhh.. =____=. unfair ng life ohhh!





" ihahatid na kita panget ^_^ "

" ayoko nga! "

" bakit naman?? gumagabi na ohhh. delikado na sa daan.. ang panget mo pa naman.. "

" pede ba! tigilan mo nga ako jan sa kakapanget mo. tsss.. "

" ok.. ayaw mo talaga?? "

" aya--- ano ba!!! ibaba mo nga ako!!! isa-- "

" dalawa.. tatlo.. arte mo naman. ikaw na nga ang ihahatid jan ehh "





wala na akong choice.. binuhat kasi ako ni gello tapos isinakay at nilagyan ng seatbelt sa kotse nya.. tumawag nalang din ako kay kuya bart para sabihin na wag na akong sunduin.. epal kasi ng lalaking to ehhh.. laking epal!





pagkadating namen sa tapat ng bahay namen tinaggal ko na agad yung seatbelt at lumabas na sa kotse nya sabay sara ng pinto ng bahay.. anong akala nya magpapasalamat ako sakanya?? no way!!!





" ohh honey san ka galing.. hindi ka na naman daw nagpasundo kay bart "

" ahh.. k-kasama ko po si bessy ehh "

" ahh halika.. naghanda ako ng meryenda. alam ko gutom ka na "

" thanks mom.. "





habang kumakain nagkukwentuhan lang kami ni mommy. niloloko pa nga nya na ako na kapag daw may nanligaw saken sunggaban ko daw agad. yun daw yung turo sakanya  ni lola.. hahaha sabi pa nga daw ni mommy sa sarili nya nun na " pag sinunggaban ko baka mapirat dahil sa sobrang taba ko " mataba kasi si mommy dati ehhh tapos-- hala! basahin nyo na nga lang yung THE VENGEFUL HEART hahaha.





" mommy gusto ko din ng kotse "

" honey.. hindi pa pede. delikado pa para sayo "

" ehh bakit yung ampon nyo nakakuha lang ng mataas na grade may kotse na.. ang unfair naman.. >3< "

" hayaan mo.. kakausapin ko ang daddy mo "

" talaga po?? thankyou mommy! ^0^ "

" teka.. dadalhin ko lang to sa kwarto ni renzo. busy kasi sa paggagawa ng report nya ehh "





report???? hmmmmm... may naisip na naman ako. hahahaha ang talino ko talaga! ^0^





" mommy ako nalang "

" sigurado ka?? dadalhin mo to sakanya?? "

" ayaw mo ba mommy?? "

" hindi.. gusto ko.. sabi ko na nga ba ehh. magkakasundo din kayo "

" ha-ha-ha.. talaga po??? "





kinuha ko na yung tray na may lamang juice at cake.. busy pala sa report hah..





pagdating ko sa tapat ng room nya hindi na ako kumatok.. pagpasok ko wala sya tapos makalat dun sa table nya.. pagpatong ko nung tray bigla ko nalang--





" anong nangyari???? "

" naku! sinasadya ko ata.. pasensya na hah "

" hah?? sinadya mong basain yung report ko?? "

" oo bakit?? masama? ano? nagagalit ka hah?? "

" h-hindi.. sige uulitin ko na lang.. "

" mabuti naman. next time kasi wag pa VIP hah.. tsss.. "





hahaha. namiss ko to. ang asarin sya.. aanga anga namang kasi nung baso ehh. hahahah. nakakaawa talaga sya kapag inaasar ko. alam mo yun kahit na gusto nyang magalit hindi nya magawa kasi natatakot sya..





" nga pala.. wag kang masyadong magsaya dahil nakukuha mo lahat.. malay mo.. unti unti kong sirain lahat ng yun.. kaya magingat ka sa mga kinikilos mo.. ciao! "

" teka!! hanggang kelan ka ba... magiging ganito?? "

" hanggang kelan?? kapag umalis ka na sa bahay namen.. kaya hangga't nandito ka wag mo ng asahan na magkakasundo tayo at matatanggap kita bilang kapatid ko dahil hinding hindi yun mangyayari.. "

" talaga bang... ayaw mo ng kapatid?? "

" wow! mabuti naman pala at alam mo yun.. "

" sorry pero.. hindi ako aalis sa bahay na to.. kahit na.. ipahiya mo ako oras oras.. hindi ako.... aalis. "

" sige lang! wag kang umalis. tingnan naten kung hanggang kelan ka tatagal.. "

" bakit ang-- honey anong nangyari?? "

" ahh ano.. "

" mommy natapon ko po kasi yung juice sa report ko ehh.. uulitin ko nalang po "

" ano???? hayst. next time magiingat ka hah.. "

" opo.. mommy.. "





everytime na tinatawag nyang mommy si mommy nagiinit ako. hindi ko gusto ang sinabi nya saken kanina.. lumalaban na ba sya hah?? pwes fine! tingnan naten kung hanggang saan ang kaya nya.. sa tingin ko ngayon palang... maguumpisa ang lahat..





***





" bessy ok ka lang?? "




agang aga kasi nakabusangot ang mukha ni bessy ehhh.. inasar na naman ata ni jao hahaha





" kainis kasi yung jao na yun ehh tama ba namag utusan ako kahapon.. ang kapal hah nakalimutan na ba nya na pagmamay ari ko ang lupang tinatapakan nya?? ang school na pinapasukan nya tapos uutos utusan lang ako?? bessy ayoko naaa T___T "

" hahaha nakakatawa ka.. mas malala pa nga yung problema ko kesa sayo ehh "

" bkit?? "

" si aka.G nakilala ko na sya "

" TALAGA??? ANO GWAPO BA?? IPAKILALA MO NAMAN AK-- "

" tumahimik ka nga! una sa lahat hindi sya gwapo at wag ka ng umasa na makikilala mo sya dahil ayoko na syang maki-- "

" hai panget!^__^ "





speaking of the devil -_____- namaaaan! lupa please lamunin mo na ako kahit ngayon lang.. parang awa mo na T___T.





" s-sino ka?? "

" angelo.. pero gello nalang para cute ^__^ "

" gello. ok. so sino ka?? "

" ako si aka.G ^_^V "

" TALAGA??? IKA SI AKA.G?? WAAAHHHHH!! AKO SI LOVELY.. BESSY NI BESSY HAHAH-- "

" bessy diba sabi ko tumahimik ka! "

" sorry naman. nagulat lang ako ehhh hahahaha "





0______0





what the---





" bitaw!"

" oo na oo na! taray.. meron ka no?? "

" a-ano?? "

" inakbayan lang kung makaarte akala mo hinalikan tsss >3< "

" umalis ka na nga! asar ka ehh.. "

" ayoko! wala pa akong klase ehh kaya dito muna ako "

" ahhh sige alis muna ako hah. tumatawag kasi yung mokong yun ehh "

" bye lovely ^___^ "





pagkaalis na pagkaalis ni bessy bigla nalang ako hinila ni gello.. take note.. sa kamay ko sya nakahawak at hindi dun sa wrist ko na usually  dun hinahawakan ng kung sinuman pag hinihila sila.. errr -_____-. baka mamaya mapagkamalan pa kami na magbf/gf nito ehh.





" san mo ba ako dadalhin hah?? "

" sa rooftop?? "

" rooftop?? saan namang rooftop? "

" edi dun sa rooftop nyo ni lovely ^__^ "

" t-teka pano mo nalaman na-- "

" ehh kasi matagal na kitang sinusundan no "

" stalker ka nga!! "

" gwapo naman ^__^ "

" yuck! asa!!! "





ang alam ko badboy to. pero bakit ngayon parang... bagong kapapanganak lang??





- missushii.

THE ONLY STORY I DIDN'T KNOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon