CHAPTER8 - bidang kontrabida

95 2 0
                                    

CHAPTER8 - bidang kontrabida

pagpasok na pagpasok ko sa office ni daddy parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan ko kasi nandito din pala si mommy at yun lalaki?? bakit pati sya nandito??

" mommy may problema po ba?? "

" wala naman honey. may gusto lang kaming sabihin sayo "

kami?? akala ko ba si daddy lang?? pero ok na din to atleast alam ko na hindi ako papagalitan ^__^. actually napapansin lang naman ako ni daddy pag may mali akong ginawa. ok na rin yun saken atleast kahit papanu napapansin nya ako.

" ano po bang sasabihin nyo?? "

" i want you to meet renzo-- "

" ohh hi! ^__^ "

nagsmile na rin ako sakanya. formal introduction na kasi kaya kelangan maging nice ako sakanya. nagsmile din naman sya saken then naghandshake kami . matangkad pala sya.

" --ang magiging kapatid mo. "

0___0

k-kapatid?? etong kapreng kulot na to?? magiging ano daw?? KAPATID KO?? NO WAY!!!

bigla kong binitawan yung kamay nya kasi nga habang sinsabi ni daddy yun ehh naghahandshake kami tapos sabay punas mahirap na baka may germs.. >__<.

kung kanina parang nakakita ako ng langit dahil alam ko na hindi ako mapapagalitan ehh ngayon naman parang nakarating ako sa hell dahil sa sobrang pagiinit ng bunbunan ko. >___<

" dad anong sabi nyo?? "

" inampon sya ng lolo at lola mo at dahil hindi na nila kayang magalaga pa ng anak ehh nagdecide kami ng mommy mo na kami na lang ang magaampon sakanya "

" pero daaad ayoko. as in A-YO-KO . alam nyo naman na ayoko ng kapatid diba?? "

for the first time nasagot ko si daddy ng ganito kaya ayaan.. natatakot tuloy ako ngayon T__T.

" honey we know. pero nagdecide na kami and i think its final "

" mommy naman ehhh. ayoko ng kapatid! "

" whether you like it or not. kapatid mo na sya ngayon "

" ehh yun naman pala ehh. anong sense ng usapan na to ehh nakapagdecide na pala kayo at wala na rin pala akong magagawa.. pero whether you like it or not too dad. hinding hindi ko sya matatanggap bilang kapatid. NO WAY-- "

O___O

T____T

alam ko sinasaktan ako ni daddy in a way na hindi nya ako pinapansin or in a way na pinagsasabihan nya ako.. matatanggap ko pa yun ehh pero yung ngayon.. etong ginawa nya saken parang sobra naa! sinampal nya ako .. in front of them at ang sakit T___T.

" ayan na nga ba ang sinasabi ko ehh. kung hindi mo sana inispoiled yang anak mo hindi yan magkakaganyan. "

katabi ko na ngayon si mommy at kinocomfort ako. oo umiiyak na ako kasi ang sakit ehh. ang sakit nung sampal nya at ang sakit ng mga sinabi nya.. T___T.

" no dad...  wag mong sisihin si mommy dahil wala syang kasalanan . at kung meron mang may kasalanan ikaw yun dad!! IKAW YUN! alam mo ba kahit na hirap na hirap na ako ginawa ko pa rin yung best ko para manguna sa lahat. para maging valedictorian dahil akala ko magiging proud ka pro hindi ehh. WALA LANG YUN SAYO. ni once ba tinanung mo ako kung ok lang ako?? kung may kailangan ba ako?? ni once ba niyaya mo akong kumain sa resto naten?? ni once ba sinabi mong "im proud of you" ni once ba binati mo ako  ng happy birthday?? at ni once ba tinawag mo akong anak?? diba hindi naman. napapansin mo nga lang ako pag may nagagawa akong mali diba? DIBA?? minsan nga natatanung ko na lang sa sarili ko na "anak ba talaga nya ako?? daddy ko ba talaga sya?? " kasi kung ituring mo ako parang hindi mo ako anak.. kaya kung nagagalit ka dahil lumaki akong ganito better ask yourself dad "

after ng mahaba kong speech umalis na ako sa office na yun. arghhh!!! ano bang date ngayon?? ang malas naman kasi ng araw na to.

pagdating na pagdating ko sa kwarto ko nilock ko agad ito at nahiga ako sa kama. wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. wala naman akong pinagsisisihan sa ginawa ko ang saya saya pa nga ehh kasi finally nasabi ko rin sakanya. pero ang sakit pa rin ehh T___T.

alam nyo ba kung bakit ganun na lang yung reaksyon ko nung sinabi nila na magiging kapatid ko yun?? kasi AYOKO talaga. bata palang ako kulang na ako sa atensyon ni daddy. iniisip ko nga dahil ba sa babae ako?? pero bakit naman. hindi naman kami chinese na may kung anu-anong pinapaniwalaan.

at ngayon na dumating yung kapreng yun sa buhay namen paano na ako??  edi lalo akong naging echapwera at walang kwenta sa paningin ni daddy?? kung alam nyo lang kung anung mga effort ang ginagawa ko mapansin nya lang ako pero lahat ng effort na yun wala lang kay daddy. ang unfair!!! ang unfair naman ehh! T___T

" honey open the door please?? "

hindi ako umiimik. ayoko muna ng kausap ngayon kahit si mommy pa yan ayoko pa rin. masyado pang fresh saken yung mga nangyari. nung hindi ko na naririnig yung boses ni mommy kinuha ko agad yung phone ko at tinawagan ko si bessy.

[ bessy umiiyak ka ba?? ]

" bessy nagkasagutan kami ni daddy "

[ hah?? bakit?? ]

ayon ikinwento ko lahat lahat sakanya. walang labis at walang kulang as in buong nangyari sinabi ko sakanya. syempre gulat na gulat sya kasi alam rin nya na ayaw ko ng kapatid. kaya lang eto na ehh. may kapatid na ako TT__TT.

mukhang dito na maguumpisa ang pagiging BIDANG KONTRABIDA ko.

[ anong balak mo bessy?? ]

" wala pa sa ngayon. pero isa lang ang gusto ko. ang umalis sya sa pamamahay at sa buhay namen "

[ grabe nakakatakot ka naman bessy. haaayst ano bang meron sayo at lalaki na naman yang problema mo?? ]]

oo nga. lalaki  na naman. una si daddy tapos si blue at ngayon naman yung kapreng renzo na yun. ano bang meron sa ganda ko at nangyayari saken to??

ahhh bastaaa. kung nagawa nyang pumasok sa buhay namen ng ganun ganon na lang pwes pahihirapan ko sya ng dahan dahan. at kung nagawa nyang maging kaawa-awa sa harap nina mommy at daddy pwes gagawin ko naman syang kaawa awa sa iba.. gagawin ko lahat ng yan mapalayas lang sya!

oh haaaa! sabi ko naman senyo ehh. ako si ruby. ang bidang kontrabida ^___^.

- missuhiii.

waaaah.. desperada na ako.. comment comment at comment naman kayo ohhh.. pretty please??? salamat!! ^___^. sana naman nageenjoy kayo sa pagbabasa neto.. solomot ulit ^0^.

THE ONLY STORY I DIDN'T KNOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon