CHAPTER30- welcome.

54 0 0
                                    

CHAPTER30- welcome.

( jhenny's pov )

nagiguilty ako.. hindi ko kasi nasamahan si bessy kahapon ehh feeling ko tuloy galit na yun saken. lately kasi naging busy na ako kasi nga may hinahanap akong tao yun nga lang hindi pa rin namen nakikita ni gello.

si blue naman ayun hindi ko pa rin sya maintindihan. hindi ko alam kung sincere sya kay shane o sincere sya sa pakikipagbalikan saken pero nakapagdecide na ako na hindi ko sya tanggapin. mas gusto ko silang dalawa para sa isa't isa kesa naman samen dalawa. para saken kasi isang kaibigan nalang si blue.

sa bahay naman. ganun pa rin wala pa ring nagbabago. may time nga na nakatambay ako sa garden tapos biglang dumating si daddy na kasama si renzo. sabi ni mommy nagfishing daw sila. wow ha.. sila na ang close. may time din na nagpapiano ako tapos nakita ko si renzo nakatayo sya dun sa may pinto tapos pinagmamasdan nya ako kaya ayun. walk-out ang peg ko. baka mamaya pinapatay na nya ako sa isip nya ehh. 

si kuya shone naman hindi ko sya nakita kahapon. hindi ko alam kung saang lupalop nagpunta. akala ko nga bumalik na sa korea ehh pero hindi pala. sabi kasi ni tita kelly gusto daw gumala ni kuya shone so gumala syang magisa?? buti nakaya nya. ako kasi naboboring ako pag ako lang kaya nga naisip ko si bessy ehh. baka kasi nabaliw na.

si gello ayon kasa-kasama ko pa rin sya kapag pumupunta ako sa batangas. bukod kasi kay bessy sya nalang yung maaasahan ko ngayon. minsan nga naiisip ko na baka napipilitan nalang sya na samahan ako pero sakanya na rin mismo nanggaling na sasamahan nya ako kahit saan ko gusto. ok na nga talaga kami.. ^___^.

at ako naman.. maganda pa rin hahahaha. patay ang umangal! 

" bakit gising ka pa?? "

" ano naman sayo?? "

" suotin mo to baka mamaya magkasakit ka. hindi ka ba nilalamig?? "

" ano bang pakialam mo?? sumisipsip ka ba para magustuhan kita?? "

" hindi ganun yun.. nagaalala lang naman ako. "

" pede ba tigilan mo na nga ako. nakalimutan mo na ba yung sinabi ko na kahit anong gawin mo hindi pa rin kita matatanggap. "

aalis na sana ako kaya lang bakit?? ehh ako naman ang nauna at isa pa bahay ko to kaya sameng dalawa sya dapat yung umalis.

" alam ko naman yun ehh. hindi rin naman ako umaasa na matatanggap mo ako. "

" yun naman pala ehh bakit hindi ka pa magimpake at lumayas?? "

" ayoko.. ayokong umalis. "

" anong sabi mo??? ahh alam ko na. kasi may deal tayo. dont worry malapit ko ng mahanap ang parents mo kaya magimpake ka na.. "

" salamat.. salamat kasi kahit na alam kong ginawa mo yun para mapaalis ako gusto ko pa ring magthankyou. dahil sayo posible na mabuo yung pamilya ko. pero alam mo ba kung papipiliin ako kung kanino ko gusto sumama?? mas pipiliin ko kayo. nabuhay naman ako nung wala sila ehh. at isa pa mas masaya ako kasama kayo kahit na hindi mo ako gusto. dahil sa inyo naranasan kong magkaroon ng buong pamilya. "

hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman dun sa sinabi nya.. parang ngayon lang nagsink in saken lahat ng sinabi ni kuya shone nung isang araw. 

selfish nga ako. at tama si kuya. hindi kasalanan ni renzo ang lahat. hindi nya kasalanan kung bakit ganun si daddy saken dahil sa una palang naman ehh ganun na talaga sya.

THE ONLY STORY I DIDN'T KNOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon