Chapter 32 : So Meaning...

417 20 18
                                    

ERIKA

Ang dami kong gustong itanong. Why? Kailan pa? Kailan pa naging sila? I thought he hates her. Well maybe she changed. Oo nga, tama. Mas gumanda nga siya, eh. We don't know, baka naging mabait na siya or baka mabait talaga siya noon pa. Aish! Ano ba 'to. Palagi nalang tungkol sa mga ganyan 'yung nasa isip ko. Ugh.

3 days na 'yun, but still hindi pa rin maalis sa isip ko. Ano ba'ng nangyayari sa'kin? Bakit ba ako nagkakaganito?

"Erika? Are you still listening?" Lance asked in a sudden.

"H-huh? Pakiulit nga."

He gave me the 'bored' face.

"Sorry na. Masakit 'yung ulo ko, eh." Palusot ko naman.

"I asked you just awhile ago, sabi mo wala namang masakit sa'yo. What's wrong? Don't you like to bond with me? Just tell me, hindi naman ako magagalit."

"Eh, hindi naman sa ganun. May iniisip lang kasi ako. Uhm. About dun sa... Aksidenteng nakita ko kanina nung papunta ako dito. 'Yun!" Palusot.com.ph

"Stupid. Magkasama kaya tayo papunta dito and wala naman akong nakitang naaksidente. You're not a good liar, dude."

Ang stupid ko talaga. Magkasama nga pala kami simula pa kanina. Stupid me.

"O, change topic. Ano'ng gusto mong frap?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Kahit ano."

"Wala naman yatang drinks na 'kahit ano' pero sige, tubig lang 'yung sa'yo."

Whuttt?

"Just kidding."

While waiting, I decided to listen music in my iPod and unfortunately, HERE WITHOUT YOU pa 'yung kanta. Minamalas nga naman, o.

Naalala ko na naman 'yung nakita ko three days ago.

At dahil nainis ako sa sarili ko, I decided not to listen to music nalang. Oh, I'm being conyo. Lol. Ay wait, naiinis nga pala ako. Aish! Akala ko pagbalik ko dito sa Pinas, okay na, pero bakit parang --

"O, manang, 'yan na 'yung order mo." Biglang sabi ni Lance.

"Salamat, manong."

"Ang gwapo ko naman yata para maging 'manong' mo lang."

"Ang hangin naman yata para sabihin mong gwapo ka. De joke lang. Gwapo ka naman talaga, mas gwapo nga lang 'yung cashier," sabi ko kahit hindi ko nakita 'yung mukha ng cashier.

"Pfft. Bakla 'yun, eh." Sabi niya habang tumatawa. Makapang-lait naman 'to.

"Grabe ka naman. Bakla agad?"

"It's true. Hindi ba bakla 'yung tawag sa mga lalaking nagwi-wink sa'kin? Tingnan mo, o."

Pagtingin ko, 'yung cashier, tumititig kay Lance. Halata naman palang bakla siya kasi kahit ako, talbog sa eyelashes niya. Grabe teh. Jusko lord. Push!

Narinig ko namang may tumawag sa kanya na 'Romeo'.

"So, the person who's inlove with you is Romeo." Pangtutukso ko sa kanya.

"The eff! Inlove? What the hell."

"Hmm. Romance. 'Yun! Hashtag Team Romance Forever." Pang-aasar ko pa sa kanya.

"Romance? What the hell is that?"

"Romance, Romeo plus Lance. Diba? Perfect combination?"

"Shut up."

"Romance."

"Shut uppp."

"Romance."

"Ugh. Bahala ka na nga diyan." Nag-pout naman siya. Ang cute talaga neto. Parang tuta. Joke. Parang teddy bear *Q*

Bestfriend 2 : Forever ( Darren Espanto Fanfic )Where stories live. Discover now