Chapter 3~ Cartolina.

6 1 0
                                    

"Ano bang mas prefer mo? Black or Red?" Tanong sakin ni Anne.

Mag s-sweet 16 na kasi siya ewan ko ba sa babaeng to 16 palang naman kaylangan pa bongga it's a foam party actually, theme yung tinatanong niya. Like wtf sinong mag t-theme ng Red or Black sa foam party? Hindi ba dapat colorful, favorite color niya ata.

"Seriously Anne? Red and Black foam party?"

Napainom nalang ako sa coke na iniinom ko. Nandito kami ngayon sa Mcdo nag crave kasi ako sa fries good thing gusto ng sundae ni Anne so we decided to eat here sa mcdo.

"Eh kasi..." Hindi ko na siya pinatapos.

"It would be fun if iba ibang kulay ng lights plus loud music kasi ganon naman talaga and some drinks but wag naman mga hard drinks include juices and some shits." Oh edi ako na may birthday sige.

Napaisip naman siya at tumungo tungo.

"That's a good idea!" Sabi niya habang pumapalakpak pa.

"See? Imagine mag red and black na theme ka sa foam party hindi ba mukhang emo or something yun? Parang ang boring."

"You're so right! Gumagana brain mo ngayon ah big achievement!"

Typical Anne.

Kung tinatanong niyo kung ano na nangyari dun sa Cartolina na ninakaw sa kamay ko ng lalakeng yun na, okay aaminin ko pogi siya ang pogi niya talaga, pero no hindi panget siya. So ayun nga hindi ko na nakuha at wala na rin daw silang stock na ganon na kulay, leche siya ako naman kasi talaga nauna dun!

***STANFORD UNIVERSITY***

"Goodmorning Margaux!" Bati ni Anne mukhang maganda gising nitong babaeng to ah.

Hindi kami sabay pumasok kasi nalate siya ng gising batugan din kasi to paminsan, Joke.

"Blooming ka ata dear bestfriend?" Tanong ko sakanya with matching taas ng isang kilay.

"Huh? Ako? Blooming? Oo nga eh." Pigilan niyo ko masasapak ko to.

Ayan na lumalabas na ang totoong Anne.

"Ewan ko sayo, so ano na plano mo for your foam party this saturday?" Wala sa sariling tanong ko just to open up a new topic ang boring.

Sinabi niya nga sakin yung mga plans niya and naiimagine ko na din this will be a great party!

***S.U CAFETERIA***

"Kuya!" Tawag ko kay kuya na padaan sa table namin ni Anne.

Tumingin naman siya kay anne at ngumisi then mabilis na tumingin sakin.

"What now sis?" Iretableng tanong ni kuya.

"May itatanong ako."

"Ano?"

"May kilala ka bang may black na Jacket tapos parang laging suot yung hood sa public then my earphones na naka sukbit sa tenga nakadikit na ata yun dun sa tenga niya!?"

Tama kayo ng iniisip yung walang hiyang lalake ang dinedescribe ko kay kuya yung kumuha ng Cartolina na hawak ko.

"Easy louise black na jacket earphones?" Napaisip naman si kuya... "Ahh! Si Sky! Also known as Cloud. Kaklase ko bakit?" So kaklase niya pala yung gugong na yun?

"Nevermind makakaalis kana."

"Wow so ganon nalang yun? Walang kapalit?" Kapalit?

"Suntok you want? Mag hanap ka ng babae mo mag sariling sikap ka pogi ka diba? Alis na kuya go chupiii!" Yan naman talaga gustong kapalit ni kuya everytime i ask something sanayan lang yan.

And someone opens the Cafeteria door, iniluwa nun yung...yung lalaking kumuha ng Cartolina ko!

May kasama siyang isang lalaki i think it's Kuya Harold kaibigan din ni kuya.

Nakita ko namang nag bubulong bulungan at kinikilig ang ibang mga babae sa cafe ang akala ko tapos na kay kuya meron pa pala.

Nakita ko namang parang may hinahanap siya... And when he finally saw... Me? Ako ba? Papunta siya sa direksyon namin eh. Hawak niya din yung Cartolina!

"Hay grabe ang pogi niya teh! Mukhang papunta pa ata siya dito!" Kinikilig na sambit ng katabi kong si Anne.

Tama nga siya kasi huminto ito sa harapan ko ngayon ko lang nakita ng maayos yung mukha niya and to be honest may itsura siya. No hindi to pwede! Erase Margaux nooo!

"Are you the idiot girl i saw yesterday?" Tanong niya at sino daw tanga? Ako!? Aba!

BINABAWI KO NA YUNG SINABI KO SAKANYA KANINA!

"Excuse me? Sinong idiot? Ako?" Tinuro ko pa yung sarili ko punyeteritas banderitas di lang ako makapaniwala ako pa yung tanga huh?

"Stupid." Sagot niya na umiiling iling pa.

Nakakadalawa nato ah!

"Ano bang kaylangan mo Mr.Sungit?" Tanong ko sakanya, lahat naman ng tao sa cafeteria nakatingin na samin pati mga nanlilisik na mata ng mga babae na nakatingin...sakin.

punyemas yema pastillas talaga tong lalaking to malalagay pa ata ako sa gulo!

Wala naman akong narinig na sagot mula sakanya.

Naka drugs ba to?

"Kung wala kang sasabihin Mr.Cloud Garcia pwede ka ng umalis kasi nakakawala ka ng gana."

Inilapag niya sa harap ko yung Cartolina na kinuha niya sakin kahapon.

Napatingin naman ang mata ko dun at tumingin sakanya ng may pagtataka sa mata, oo masama padin loob ko sakanya dahil bigla nalang niyang inagaw sakin yung Cartolina sobrang kaylangan pa naman namin yun pero nagulat ako ng umalis na siya sa harap ko at iniwan yung Cartolina. Palihim ako napangiti.

Kasi naisip ko pang gumanti sakanya may kabaitang taglay din pala siyang naitatago sa katawan niya nakonsensya rin pala.

Pero kung nakakamatay lang ang masamang tingin kanina pa ko nakahandusay dito dahil sa mga nanlilisik na tingin sakin ng mga babae.

"Ano yun ah?" Tanong ni Anne ng medyo naka recover nako sa nangyari.

Hindi ko pa pala naikekwento sakanya, though nag taka din siya kahapon kung bakit biglang uminit ulo ko wala pa kasi akong gana mag kwento kahapon, so ayun nga kinuwento ko sakanya, maski si Anne na bwiset din kung siya daw yun nasapak niya na ang amazona talaga ng babaeng to.

Nasa gitna kami ng pag uusap ni Anne ng may sumaboy ng orange juice sa ulo ko.

What the hell!?

Last ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon