Andrew's POV
"TREVOR! DALIAN MO! SI ANDREW TAPOS NA! MAMAYA-MAYA ANDYAN NA 'YUNG SUSUNDO SATIN! NAKO! BAKA MALATE TAYO SA PARTY!" Sigaw ni mom kay Kuya. Well, kahit na hindi na ako magkuya e. Kambal naman kami.
"Ang ingay mo ma! Teka lang!" Sagot naman niya. Inis naman to e, kanina pa kami nasa labas eto namang si Trevor antagal. Ayos pa siguro ng ayos ng buhok. Ts. Di ko tuloy makita agad si Rhys. Miss ko na 'yung babaeng yun. Yung babaeng mahal ko.
*Flashback*
"Uy, bakit ikaw lang dito?"
"Kausap kasi nila mom sila Tito William. Ikaw? Ano ginagawa mo dito?"
"Wala, wala kasi akong kasama ee.." Sabay kamot sa batok.
"Aww.. Edi ako! Ako nalang kasama mo. Hihihi."
"Sige. What's your name?"
"Rhys Ferrell. Eh ikaw?"
"Andrew Williams!" Sabi ko ng nakangiti.
"Wow, ang cute naman ng pangalan mo!"
"Mas cute kaya ung sayo! Rysh, rysh."
"Ryhs, hindi rysh. Hahahaha!"
"Eh! Mas gusto ko Rysh. Para mas cute!"
"Sige. Hahaha."
"Tara laro tayo?"
"Sige. Ano lalaruin naten?"
"Ewan ko.. Taya! Habulin mo ako Rhys! Hahahahahaha!"
"Waaaaaaah! Andaya moooo!"
"Hahahahahahaha!"
*End of flashback*
Ang bait bait niya talaga. Lagi kaming naglalaro pagka nandito sila sa bahay namin. Unti unti ko syang nagustuhan kahit bata palang ako. Alam niyo kung bakit? Kasi lagi niya akong pinapasaya noon. Kasi wala si Trev nun. Nasa manila. Kaya pagbalik dito sosyalen e. Alaga kasi ni Lolo. At favorite ni Lolo si Trev. Kaya ayun binibigay lahat ng gusto. Kaya naging spoiled yan e. Tsk. Hayaan na nga natin yan, si Rhys pinaguusapan dito e. Hahahhaa.
"Oh ba't nakatunganga pa si Andrew? Akala ko ba nagmamadali tayo?" Bigla akong natauhan nung nagsalita si Trevor.
"Anak, tulala ka nanaman. Sino ba kasi iniisip mo? Halika na nga. Nandyan na ung sasakyan e." Sabi ni mama sa akin.
"Pagka ako mabagal sinisigawan, tas pagka si Andrew okay lang. Ts.."
"Hoy ano nanamang binubulong bulong mo dyan Trev? Ha? Pumasok ka na dun sa kotse! Dalian!" Tapos tumingin si Mom sa akin. "Ikaw rin. Pasok ka na." Sabay ngiti sakin.
"Tch. Favoritism.." Bulong ni Trev, Hay nako! Laging nagsisimula ng gulo to e. Ayoko na nga makipag away e. Syempre, goodboy eh! Tsaka ayoko namang makita ako ni Rhys na may pasa sa mukha. Da't pogi ako. Well, kahit anong anggulo naman pogi ako e. Hahahaha.
Sumakay na kami sa kotse. Medyo malapit lang naman ung party. Sa bahay lang naman nila Tito Lorenz, papa ni Rhys, gaganapin ung party eh. After 123456789 seconds andun na kami sa harap. Huminto ung kotse tapos lumabas na kami. Ako, bilang gentleman, binuksan ko ung pintuan sa harap. Kung nasaan si Mom.
"Thank you anak."
"Ts, sipsip." Hay nako talaga un si Trevor. Nakakabadtrip na un ah. Parang bata. Tsk! Andrew, kalma. Dapat di haggard pagka nakita ni Rhys.

BINABASA MO ANG
Her temporary boyfriend.
RomanceSi Andrew ay ang boyfriend ni Ryhs. Hindi nagtitiwala ang tatay ni Andrew kay Rhys dahil ang iniisip niya na si Rhys ay isang babaeng walang ginawang mabuti. Kaya pinagpalit niya si Andrew at Trevor, Twins naman sila. Oobserbahan ni Trevor ang ugali...