Andrew's POV
It's June 7 today, Friday. Niyaya ni Mom magdinner si Rhys dito sa bahay. Si Trev parang nagulat na pupunta si Rhys dito. Napa-what lang siya tas may inisip tas biglang ngumisi. Parang sira ulo lang. Ayaw nga pumayag ni Dad na magdinner siya dito sa hindi ko malamang dahilan. Pero sabi naman ni mom..
'Sakin 'tong bahay! Ako ang masusunod!'
Kaya tahimik nalang si Dad. Ako naman tuwang-tuwa. Sa sobrang tuwa tumulong ako ky Mom na maghanda ng pagkain. Gustong gusto niya kasi ipatikim sa iba ang mga niluluto niya. At syempre, gustong gusto ni Mom si Ryhs kaya naman sobrang espesyal ng mga hinanda nito. May cheesecake pa nga siyang ginawa para kay Rhys. Ang alam ko kase favorite niya yon. Strawberry cheesecake. Nung pumunta kasi kami ng Eastwood nung bata pa kami, merong ice cream stand duon. Mga iba't ibang flavors. Nung nakita niya ung Strawberry Cheesecake na flavor bigla namang nagdrool ito. Natawa nga ako inasar asar ko pa. Sabi niya, favorite niya nga raw ang mga strawberry. Kaya ayun. Sana hanggang ngayon gusto niya parin yun.
[Time check: 7:57]
8 o'clock dadating si Rhys kaya nagbihis ako. Casual attire lang naman. White polo tas pants. Chuck taylor na black. Okay na siguro yun. Nakita ko naman si Trev na naka blue na t-shirt. Tas naka short lang. Simple lang. Sabagay, wala naman siyang po-pormahan. Ako kasi meron eh. Wahahaha, alam niyo na kung sino yun!
*Beep beep*
Ayan na siguro siya. Bumaba na ako ng kwarto. Lalapit na dapat ako sa pinto kaso.. Shit! Ung cake nga pala. Nasa kwarto pa kasi si Mom, nagbibihis pa siguro. Ung mga maid nmn di alam kung pano gamitin un. Kaya pinuntahan ko na ung cake.
Trevor's POV
*Ding dong*
Ano ba yan? Kanina busina, ngayon doorbell. Di parin ba binubuksan ni Drew ung pinto? Haist! Puta naman e! Bumaba na ko para buksan ung pinto. Nakita ko ang isang babaeng sobrang puti. Naka blue siya. Midnight blue na dress. Mas lalong nagpapaputi sakanya. Tapos ang nakabun pa ung buhok niya kaya kitang kita yung balat nya. Napangiti ako sa hindi malamang dahilan. Bigla siyang humarap sakin..
U-ung babaeng sumipa sa ano ko!
"Drew!" Sabay lapit sakin at halik sa pisngi.
"D-drew? Hindi ako si--"
"Hala, ang pogi mo Drew. Mainlab ako sayo nyan." Tapos nagpout siya. Hala, ang cute-- ay este panget! Kadiri! So akala niya ako si Drew huh? Mapagtripan nga >:)
"Lagi naman akong pogi."
"Wow! Humahangin ah!"
"Pasok." Sabay umupo kami sa sofa. Pagkaupo niya napasapo siya sa ulo niya.
"Hala, ansakit ng ulo ko. Wala pa akong tulog.." Bulong niya habang nakapikit. Magamit nga ang aking charms! Wahahahahaha!
"Patingin nga ng ulo mo, baka may lagnat ka." Sabi ko. Odba, kunware goodboy. Kunware andrew eh. Wahahaha. Hinawakan ko ung ulo niya. Wala naman, di naman mainit. Binuksan niya mata niya.
"A-andrew.. Anlapit mo.." Sabi niya. Wooh! Epektib ang charms! Nagstutter daw ba e. Sinadya kong ilapit yung mukha ko. Lumapit ako ng lumapit. Pumikit naman siya. Wahahahahahahaahah! Natatawa ako. Lumapit ako hanggang sa maramdaman niya ang hininga ko. Ang bango ng hininga niya ah! Amoy sweet na candy. Lumapit pa ko hanggang sa..
"Gotcha. Si Andrew nasa kusina." Sabay smirk. Napamulat naman siya. Gusto kong tumawa ng malakas! Ganto ba siya kacheap na babae na magpapahalik siya kahit kanino?

BINABASA MO ANG
Her temporary boyfriend.
RomanceSi Andrew ay ang boyfriend ni Ryhs. Hindi nagtitiwala ang tatay ni Andrew kay Rhys dahil ang iniisip niya na si Rhys ay isang babaeng walang ginawang mabuti. Kaya pinagpalit niya si Andrew at Trevor, Twins naman sila. Oobserbahan ni Trevor ang ugali...