[2] Explanation.

24 0 0
                                    

Andrew's POV

"Daddy? Asan ka ba?!" Napatigil kami sa pagkain at napatingin kung saan nanggagaling ung boses na un. Teka.. Rhys? Si Rhys nga! How can I forget her face. Ganun parin ang itsura niya. Maganda pa rin. Ang ganda niya talaga.

"Oh, honey!"

"Dad! I told you stop calling me honey! And I'm not even a honey! I'm a human!"

"Whatever you say Rhys." Napatayo ako. Di ko alam kung bakit. Napatingin naman siya sakin. Nanlaki 'yung mata niya.

"Waaaaaaah! Andreeeew! Waaaaaaaaaah!" Tumalon siya papunta sakin tas hinug ako. Nagulat ako sa ginawa niya.

"I miss you too.."

"A-andrew.. Di na ako makahinga.."

"Ay sorry.."

"Mukha ngang namiss mo ako. Ang higpit ng yakap mo eh! Hahahahaha."

"Hahahaha, namiss naman talaga kita. Tara kain?" Napatingin siya sa lamesa. Tinignan niya lahat ng nakaupo. Sumimangot siya bigla.

"Ayoko, nakakawala ng gana ung mga mukha nila." Sabi niya habang nakatingin kela Cara.

"Rhys!"

"Nakakawala naman talaga ng gana eh, tara Rhys? Labas muna tayo dito." Sabi ni Mom

"Honey.." Suway ni Dad kay mom.

"What?! Nakakawala naman talaga ng gana e. Tsaka diet ako. Kain lang kayo." Sabay tingin kay Rhys. "Darling, let's go?"

"Sama ako."

"Sige, Drew." Sabay lumabas kami papuntang garden nila. Ang ganda parin ng garden nila kahit matagal silang wala. Syempre pinamaintain nila un sa mga maid. Hahahaha. Umupo kami sa may bench.

"Rhys." Sabi ni Mom.

"Po?"

"Ano nangyare kay Rhea?" Napatahimik kami.

"Mom, hindi mo na dapat pakielama--"

"No, it's okay." Tumingin siya sa malayo.

"Pleast tell me. I really care about her.." Sabi ni Mom.

"Okay.." Tapos huminga siya ng malalim. "Nung 15 years old ako pumunta kaming mall ni Mom para bumili ng regalo para kay Dad. Bumili kami ng Mango cake tapos isang book na gusto niya. Siguro mga 2 hours kaming naghahanap ng mga yun. Tapos pagka uwi namin, sinindihan namin ung cake tapos pumunta sa kwarto nila ni Mom.. T-tapos.." Umiiyak na pala siya. Lumapit ako sakanya at hinimas ung likod niya.

"Tapos.. nakita namin siya ni Mom na may kasamang babae dun sa kwarto nila.. G-grabe.. Antagal na nung a-affair na un. Isang taon palang ako nagsimula na ung affair na un.. Ang sakit sakit.. Niloko niya kami ni mom.. K-kaya ayun.. Nakipaghiwalay si mom sakanya. Pero alam niyo kung dinadahilan niya kapag may nagtatanong kung ba't sila naghiwalay? Si Mom ang may kabit. Grabe, mas nainis ako kay Dad nung nalaman ko un. Grabe talaga.. Wala siyang puso.. Wala.." Mas lumakas pa ung iyak niya.

"Hush, Rhys." Sabi ko nalang. Yung ulo niya nakapatong sa balikat ko, iyak parin siya ng iyak. Nakakalungkot palang makita na umiiyak mahal mo. Hindi lang nakakalungkot. Masakit rin.

"That Lorenzo! Ugh! I'm so disappointed at him right now." Tapos tumingin si mom kay Rhys. "Tahan na, we're here naman eh. We will always be there for you, no matter what." Sabi ni mom habang nakangiti. Napatingin naman si Rhys sakanya sabay niyakap.

"Thank you po Tita. Thank you.."

"You're always welcome dear." Tapos tumingin rin sa akin si Rhys.

"Thank you for comforting me, Drew." Sabay halik sa pisngi ko. Whoa, nagulat ako sa ginawa niya. WAAAAH! NAKANAKANANG. Hinalikan niya ako! Whoooo! Hahahaha. Nagstay lang kami dun sa garden hanggang sa maging okay na ang feeling niya.

-

A/N: Short update. Wala, explanation lang kung ba't may galit si Rhys kay Lorenzo, Carolina at Cara. :)

Her temporary boyfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon