Love at first sight ❤

9 0 0
                                    

Ikaw ba, naniniwala ka ba sa sinasabing "Love at First sight"?! 

HAHAHA. Pwes, ako hindi! Bitter! =))) Jk. Sa totoo lang wala naman talagang nal'love at first sight eh. Siguro na'attract ka lang tapos ayun, hanggang sa ini'stalk mo na siya, add sa facebook, follow sa twitter, check ng new photos niya sa Instagram. Nako! Bukong'buko ka na! =)) tsk. Hahaha, pero lahat naman siguro pag na'attract sa pogi/maganda talagang magku-kusa hanapin sa facebook ehh. ;) AYLETSE. MOVING ON. =)))

STORYTELLING NA. 

May isang babae pangalan niya ay "Kate", taga-Zambales siya. Samantalang itong si boy, taga-Maynila. Ang name ni boy ay "John". Si girl, maganda at simple lang. Simple manamit, mag-ayos at di siya ganun ka-yaman pero matalino. May kaya lang. Si boy naman, KABALIKTARAN. Yung tipong ang swag manamit, pogi all the time, habulin ng chicks, mayaman, kilalang-kilala sa campus pero MABAIT at MAY PUSO sa kapwa. Si girl ay pinapunta ng Maynila para mapag-aral ng tatay niya ng maayos. Parehas lang si Kate at si John ng level sa pagpasok, 4th year HS. Dumating ang first day of school. Sa Hallway tumatakbo si Kate papunta sa assigned niyang classroom. Hinahanap niya ang room 14 na nasa second floor at pangalawang pinto sa kanan. Si John ay dumating at tumambay sa may pinto kausap ang kanyang mga kaibigan. Sa kaka'madali ni Kate ay nabangga niya si John. Nagsorry ito at sabay pumasok ng classroom. Na'akit si John sa ganda ni Kate at ito'y natulala na lamang. Pumasok na ang kanilang guro at lahat sila'y nagsi-upo sa kanilang mga silya at tyaka nagpakilala. Nang marinig ni John ang tinig ni Kate siya ay napa'ngiti at sabay sinulat ang buong pangalan ni Kate sa isang papel pagkatapos nito magpakilala. Natapos ang araw. Mismong pagka-uwi ni John ay sabay nag'log-in siya sa kanyang account sa facebook sabay search ng pangalan ni Kate at ng ito ay kanyang makita, pinindot agad ni John ang "Add as a Friend" button at ito'y kinansel agad. Nahiya siya. Pag ka-uwi naman ni Kate, ganun din ang kanyang ginawa. Kinabukasan, nagpakilala si John kay Kate ng maayos at naging magkaibigan sila. Sa huli, di rin napigilan nanligaw etong si John kay Kate ito'y sinagot naman niya at sila ay nagpatuloy maging masaya sa kanilang buhay. 

Ikaw? Na'love at first sight ka na rin ba? Kung OO. Ansaya noh? Well. Hindi rin. Yung iba kasi na nalo'love at first sight, yung mahal nila may mahal ng iba or nagmamahal ng iba. So sad to say. Gusto ko lang na HAPPY ENDING to. Chos. Pero maganda kung parehas kayong love at first sight, MUTUAL diba? =)))) 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon