SOPHIA's POV
It can be if it's not you.
I can be without you.
It's okay if I'm hurt for a day and a year like this.
It's fine even if my heart hurts.
Yes, because I'm just in-love with you.
My bruised heart is screaming to me to find you.
Where are you? Can't you hear my voice?
"Ayan, tapos na rin sa wakas ung poem."
Buti naman at natapos na ko sa ginagawa na tong script para sa group activity namin bukas. Grabe, nakakadugo talaga sa utak ang English pero okay lang master ko na yan eh. Hahaha YABANG.
Tumayo na ko para ipa-check kay Ms. Javier kung okay na tong ginawa ko.
"Ma'am, tapos na po ako."
"Patingin." sabi ni ma'am with matching pagtataray pa.
Inabot ko naman sa kanya at agad niyang binasa.
"OK, maganda. Pwede ka nang mag-lunch Ms. Dizon."
"Talaga Ma'am? Mauuna ako sa mga classmates ko?" sabi ko.
"Bingi ka ba? Narinig mo naman diba! Sabi ko mag-lunch ka na!" sabi ni Ma'am na habang pasigaw, nagtinginan tuloy ung mga classmates ko.
"Sabi ko nga po." ayun na lang nasabi ko habang ngumingiti.
"Hoy Ms. Dizon hindi porket pinanuna na kita mag-lunch eh favorite student na kita. Alam mong sa English subject ka lang nag-eexcel pero sa ibang subjects BAG---."
"Bagsak. Alam ko naman po yun Ma'am. Hayaan niyo po mag-aaral po ako ng mabuti promise." ayun na lang yung nasabi ko and lumabas na ko ng classroom para pumuntang canteen.
By the way, hindi pa pala ako nag-papakilala sa inyo. Well I'm Sophia Channel Dizon. 15 years old. Mabait and masayahin. Third year student. Di kagandahan pero I must say na may itsura naman ako. I have braces all over my teeth and I'm also wearing eyeglasses. Near sighted kasi ako eh. Best word to described me? NERD! Akala niyo pag nerd matalino na? No, no, no. Jan kayo nagkakamali. Like what you've heard kanina, sa english lang ako nag-eexcel. Ewan ko ba kung bakit sa ibang subjects eh hirap na hirap ako.
Well let's changed the topic na lang. Dito nga pala ako nag-aaral sa Lorenzo University. Halos lahat ng nag-aaral dito ay mayayaman, gwapo, maganda, maraming pera, may kotse, may personal yaya at kung anu-ano pa.Paano ba naman kasi, PRIVATE school toh kaya automatic nang ganun yung mga studyante dito. Well, except na lang sakin.
Hindi naman kami mayaman at mas lalong hindi rin naman kami mahirap. May kaya lang kung baga. May maliit na karinderia lang kami sa labas ng bahay na pinapatakbo nila Mama't Papa. Paano ako nakapasok dito? Hindi ako nag-enroll dito. Kaya lang ako nakapasok dito ay dahil sa ninong ko ang Principal dito. Wala akong binabayaran na tuition fee or anything, except na lang kung may expenses na kailangang bayaran tulad ng test papers, project, PTA and etc. Pero I don't take advantage naman din kay ninong kaya bilang kapalit ng pag-aaral ko dito is kailangan kong maging Teacher's Assistant dito sa school. Pumayag naman ako syempre. May karapatan pa ba akong umangal.
Super duper dami ng gwapo dito. Kaya nga lang, kung anong kinaganda ng mukha nila ay ayun din namang kinasama ng ugali nila.
Well except for one thing, Si Dreamboy ko. Ibahin niyo si Luke Duncan Pineda. Ang Mr. Dreamboy ng buhay ko. Grabe, super gwapo niya. Maputi, pantay ang mga ngipin, kissable lips and meron din siyang prominent broad cheeckbones. Developed ang eyebrows and chiseled ang jawlines. Grabe, super masculine talaga.
BINABASA MO ANG
It Must Be...
Teen FictionMatagal ng may crush si Sophia kay Luke. Simula pa lang nung first year sila. Pero natotorpe naman si Sophia na aminin iyo kay Luke, kasi natatakot siya na baka layuan lang siya nito. Maamin kaya ni Sophia kay Luke ang nararamdaman niya or she will...