Hello readers. So, baka kasi malito kayo. Dun kasi sa Chapter 6, di ba nag focus tayo kela Mael at Jay. May nagsabi sakin, para daw nawala na sa eksena si Lance, kaya naman.. Tantaran! LANCE scene tong chapter 7 ;) Oh, mga maka-Nichkhun dyan, wag ng masad ;) Tapos, yung timeline, yung SABADO na sinasabi ni Mark na magsho-shopping spree silang magkakapatid (see chapter 2).
Enjoy reading my loves ♥
----
LANCE's POV
Hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa rin yung suggestion nung mga bugok kong teamates. Di naman ako nasaktan dahil nagbreak kami eh. Alam nyo kung anu yung masakit? Yung balak mo ng makipagbreak, naunahan ka pa. Masakit sa ego yun.
Sabado ngaun kaya free day namin. Kaya chillax lang ako dito sa kwarto. Tanghali na pero nakahilata pa din ako sa kama. Ang sarap kayang matulog sa kama ko. Gusto mo tabi tayo? ;)
(A/N: Hoy! Nichkhun baby! BEHAVE! Wag mong iseduce yung mga readers naten!)
Sorry author ;) So ayun na nga... Habang nandito pa din ako sa kama, nagvibrate yung phone ko.
*1 Message Received*
Pagbukas ko nung message si Roy lang pala. Panigurado kalokohan to.
"Anu captain? Napagisipan mo na ba?"
Magrereply pa lang ako pero nagsunod sunod na yung vibrate ng phone ko. Nyemas! Tinadtad na ko ng mga tarantado (sorry for the word -.-) Alam nyo ba kung anu yung mga message nila sakin? Lahat sila tinatanong kung papayag na ba ko sa suggestion nila. Mga bugok talaga!
Pinagbubura ko yung mga message nila. Oh. Meron din palang message si Coach.
*Coach Dave*
"Meet me at Strabucks MOA 2PM SHARP!"
Coach Dave's golden rule: NEVER TO BE LATE. Anung oras na ba? Maaga pa naman eh. Maya maya na lang ako magaayos.
CARMI's POV
Kanina ko pa kinokontak si Mael pero di nya pa rin sinasagot yung tawag ko. Hala~ Baka nagtatampo sakin yun kasi yung nangyari kagabi.. Pero binusted ko naman na si Jay ah? Aish. Yung lalaking yun talaga, di man lang iniisip na may masasagasaan syang ibang tao sa mga actions nya! Alam nyo kasi si Mael, matagal ng may gusto kay Jay yan.. Simula siguro nung pinagtanggol sya ni Jay kay Paolo. Kung tutuusin nga bagay naman talaga sila. Ewan ko ba dito kay Jay kung bakit ako pa ang balak nyang ligawan.
*tok tok tok* (Tunog yan ng katok sa pinto wag na kayong umapela -.-)
"Bunso? Gising ka na ba? We are waiting for you downstairs. Come on! Let's have lunch na! Hurry up"
Si kuya Mark lang pala. Alam nyo, ang sweet nyan ni kuya. Tuwing sweldo nyan, di nya kami nakaklimutan nila mommy at ate.
"Yes kuya. Sunod na po ako dun sa baba.."
After kong gawin yung daily routines ko, bumaba na din ako para makapaglunch na kami. After kasi nito pupunta kaming MOA nila kuya't ate. Sana makasama si Mael. Namimiss ko na sya eh. :(
"Ay, bunso. Tumawag pala si ninong Mario mo. Pinapasabi nya na hindi daw makakasama sa inyo si Mael kasi masama daw ang pakiramdam."
Masama ang pakiramdam, oh nagtatampo pa din sya? Nakakalungkot naman.. Iniintindi ko na lang sya. Sana lang mawala na yung tampo nya sa akin.
"Ay kuya! Pwede ba kong magsama ng isang friend? Don't worry di sya magpapalibre sayo."
"Sino ate? Yung manliligaw mo?" Pangaasar ko kay ate Christy. Ang sarap asarin nyan. Pikon kais eh. Nakita ko si Kuya Mark nagpipigil na ng tawa nya. Nakakatawa naman kasi talaga mapikon yan si ate.
BINABASA MO ANG
The Pretend Girlfriend (EDITING)
Teen FictionShe's just an ordinary girl. She's pretty, nice and talented. And just like the other girls, she do have crushes and she knows how to fall in love. He's a heartthrob. He's handsome, kind and athletic. All the girls drools over him specially when pla...