Hello readers! *kaway kaway* Natuwa naman ako sa feedbacks nyo sa last chapter :) Mabenta si Jay sa inyo, in fairness :))
Chapter 6 dedicated kay Mars. Hello TheWattyBoss =)
Enjoy reading guise ♥
----
Jay's POV
2 weeks na. 2 weeks na ang nakakalipas mula nung nagconfess ako sa kanya. At 2 weeks na rin nya kong nilalayuan. Tuwing lalapit ako sa kanya para kausapin, gumagawa sya ng excuse para lang makaiwas sa akin. Pati sa mga texts, isang tanong isang sagot lang sya. Buti na lang andito si Mael sa tabi ko. Siya yung takbuhan ko, sa kanya ako nakakhingi ng mga payo. Sana lang hindi nya ko iwan sa ere. Wag sana syang mapapagod sa akin.
Kilala nyo na ba ako? Well, I guess not. Jay Christopher Delos Reyes. Soon to be 19 y/o. Industrial Engineering student. Boy bestfriend ni Carmi.
Nasa garden ako ng univ. ngaun, pinapanuod ko syang mag laro ng badminton. ang ganda nya talaga. Tambayan namin tong tatlo dati eh. Kaso nagun it's either ako lang or kami ni Mael.
"Baka naman matunaw si Carmi nyan pards." Umupo sya sa tabi ko sabay abot ng lipton Red tea.
"Uy. Thank you. Kanina ka pa?"
"Hindi naman. Mahal mo talaga si Carmi no?"
"Oo naman." Napangiti ako sa tanong nya.
"Bilang bestfriend? o Kapatid?"
"Kailangan pa bang sagutin yan?" Saglit ko syang tinignan para sagutin ng isa pang tanong ang tanong nya. Binalik ko din ang tingin ko sa open court. Nakita ko syang tumatawa. Lalo syang gumaganda kapag tumatawa. Yung mata nya nangliliit. Ang cute :)
"Sabi ko nga hindi na eh. Actions mo pa lang, alam na. Jay, don't you think tama si Carmi? Why don't you open your eyes and your heart to someone else? Malay mo nga naman, yung hinahanap mo nasa paligid mo lang?"
Natahimik ako sa tanong ni Mael. Hindi naman kasi ganun kadali yun. Yung tipong kakabusted pa lang sayo hahanap ka na agad ng bago. Madali siguro sa iba. Naalala ko yung huling sinabi nya bago nya ko iwan dun sa resto.
"Jay, once again. Open your eyes. Oh, And your heart as well. Malay mo yung babaeng hinahanap mo na akala mo ako, yung babaeng kayang pantayan yung pagmamahal mo and the woman who deserves your love is just right there, right beside you. Wag mong ikulong yung sarili mo sa feelings mo para sa akin."
"Pards? Hellooo? Earth to pards?"
"Ah-- Ha? Anu nga ulit yung sinasabi mo kanina?"
"Ay nako. Ewan ko sayo! Aalis na nga lang ako. Psh. Wala naman pala akong kausap. Hay nako."
Tumayo sya at akmang aalis kaya hinawakan ko yung kamay nya para pigilan sya.
"Nilalayuan na nga ako nung isa, iiwan mo pa ako? Wag naman pards. Di ko kaya."
MAEL'S POV
Nagulat ako nung hinawakan nya yung kamay ko. yung normal heartbeat ko, parang.. parang biglang bumilis. Wag naman Mael. Wag mong hayaang tuluyang mahulog ka sa kanya. Alam mong ikaw lang din ang masasaktan.
Sa totoo lang, medyo ilang ako kay Carmi ngaun. Nagseselos ako? Oo. Wala nman sigurong masama dun diba? Ikaw ba, yung taong mahal mo manghingi ng advice sayo kung saan, paano at kung ano ang sasabahin sa liligawan nya, di ka ba magseselos nun? Masakit kaya, try nyo -.-
BINABASA MO ANG
The Pretend Girlfriend (EDITING)
Fiksi RemajaShe's just an ordinary girl. She's pretty, nice and talented. And just like the other girls, she do have crushes and she knows how to fall in love. He's a heartthrob. He's handsome, kind and athletic. All the girls drools over him specially when pla...