"Ba't ako lang ang mag-babantay sa kanya, Babe? At ano ang sabi mo? Anak ko? Anak nating dalawa, Taguro! Baka gusto mo paalala ko kung papaano natin ginawa--"
Natigilan ako nung binato niya ako ng unan sa mukha.
"Aray! Ba't ka nambabato?!"
"Eh, yang bibig mo.. Ayaw papigil, alam mo namang 'me bata dito, Sensui. At Anak mo-" pinandilatan ko siya. "N-Naten.. Anak naten yan.. Kaya tumahimik ka diyan!"
"Tch! Sungit!" tumayo nalang ako, at binuhat si Heart. Kiniliti ko siya sa pamamagitan ng pagbabaon ng mukha at pagkagat-kagat ko sa kanya. "Sino ang matapang? Ha?"
"Ma-ma!"
d-.-b
Narinig kong tumawa si Taguro kaya liningon ko siya at sinamaan ng tingin. "Ano naman ang tinatawa mo diyan, Taguro?"
"Tss. Wala lang.. Tama naman ang anak naten eh.. Ba't hindi ba? Hahahaha"
"Tch!" Inirapan ko si Taguro at nilingon ulit si Heart. "Eh, kung ihagis kita sa labas? Ayusin mo ang sagot mo, Anak." Bulong ko sa kanya at sabay kiss sa cheeks. "Eh, sino naman ang panget? Hehehehe Diba si Mama? Say Ma-ma.." nilakasan ko para marinig ni Taguro.
"Pa-pa"
"Hahahahahaha" malakas na tawa ni Taguro. "Good Job, Heart!"
'Anak ng.. gwapong si Deib'
Napapikit ako at suminghap ng hangin para pigilan ang inis ko sa anak namin, baka kasi maihagis ko talaga siya sa labas.
Naradaman ko na lumapit si Taguro sa akin. "Tama na nga 'yan.. Kung ano-ano ang tinuturo mo sa anak na'ten eh.." kinuha niya si Heart sa'kin. "Oh.." at sabay abot ng bagay na kulay puti.
Kinuha ko naman ito at tinignan kung ano.
dO_Ob
'P-pregnancy test? P-positive?'
"Yes!" at napayakap agad ako kay Taguro.
"Tss. Ang saya mo ah.." malamig na sabi niya.
Umayos naman ako "Syempre naman, Babe.. Dadami ang maganda't gwapong enrile sa mundo Hehehehe"
"Tss.. Nasasabe mo 'yan kase hindi ikaw ang nanganganak.."
"Masakit ba, babe?"
"'Eh kung sapakin kita ngayon, para malaman ko kung gaano ka sakit.. Tss.."
"Ang brutal mo, Taguro.." kinurot ng mahina ang pisnge niya. "Sa'kin na ulit si Heart, baka mapagod ka, eh.. Ipagluluto kita mamaya.. Hehehehehe.." sabay kuha ulit kay heart sa kanya. Naupo naman ako sa sofa at kinalong si Heart.
'Sana Enrile Jr. naman Bwahahaha'
Ngiting-ngiti naman ako sa iniimagine ko.
"Siguro kelangan ko ng manili ng proteksyon para kung manganak man ang mama mo ay hindi na ako mabugbog.." bulong ko kay Heart.
*FLASHBACK*
"Sensuiiiii!!!"
Nagitla ako sa sigaw ni maxpein mula sa kwarto. Kaya dali-dali akong pumunta ro'n. Pagbukas ko ng pintuan, tumambad sa akin si Taguro na nakatayo at hawak ang kaniyang tiyan. Pumutok na ang kaniyang amniotic sac. Kaya siguradong manganganak na siya.
Lumapit ako sa kanya. "Hala! Manganganak kana, Maxpein!" nagpalipat-lipat ako ng pwesto dahil hindi ko alam kung ano ang uunahin. "Uhmmm.. Ano ang gagawin ko?" tapos naalala ko sa mga sineng napapanood ko na binubuhat nila ang kanilang asawa para dalhin ito sa kotse.
'Tama! Bubuhatin ko sya!'
Dali-dali akong lumapit kay Taguro, at nang akmang bubuhatin ko na siya..
PAAAKKKK!
Nakita ko nalang ang sarili ko na nakabulagta sa sahig. Sino ba naman ang hindi bubulagta sa kamao ni Taguro?! ANGSSAAAKKEETTT!
"Ba't mo ginawa 'yun?!" singhal ko sa kanya.
"'Eh nakakabwisit ka, eh.. Aalalayan mo lang ako sa labas, kung ano-ano na ang ginagawa mo.. Kung ayaw mo, ako nalang pupunta ng ospital.. Nasaan ang suse?"
"H-ha? Ikaw ang mag-da-drive?"
Nakita kung namang pumikit at napa-singhap ng napakalalim na hangin si Maxpein. Linapitan niya ako at kwenelyohan.
"Ano?! Magsusuntukan pa ba tayo dito, bago mo ako madala sa king inang ospital na 'yan---Aray!" napahawak siya sa kanyang tiyan.
"Taguro! Halika na, dadalhin na kita sa ospital!" kinuha ko ang susi at dumeretso kami ng ospital.
Kumapit ako sa kamay ni Taguro na kung siya'y nakahiga sa stetcher habang sinusundan ang mabilis na paggalaw ng mga doctor papuntang ER.
"Kaya mo 'yan, babe.. Andito lang kame ng mga puso ko-"
PAAKKKK
Napabitaw ako sa muling pagsuntok ni Taguro sa akin.
"Hindi ka ba titigil diyan sa mga puso mo?! Pagdasal mo lang na babae 'tong anak naten, dahil baka maging bakla lang na katulad mo 'pag lalake" tapos ako'y pinakyuhan ng hard.
*END OF FLASHBACK*
"Woi, Nababaliw ka na ba diyan?"
"H-Ha?"
"Nababaliw kana kako d'yan?"
"Ano?!"
"Nababaliw kana kako d'yan?"
"Ano?!"
"Nababaliw kana kako---?"
"Bakit?!"
"Eh, may pailag-ilag ka pang nalalaman d'yan. Wala namang umaano sa'yo.. Tss.."
"H-Ha? Hinde naman ah.."
"Hinde? Eh asan na si Heart?"
Nilibot ko agad ang paningin ko sa unahan ko, at wala na d'un si Heart. Kaya napatayo kaagad ako para hanapin siya pero kaagad akong pinigilan ni Maxpein.
"Bakit?"
"Nakatulog na siya.."
"Nakatulog?"
"Kakasabi lang si diba?"
"Tch.."
"Puro ka kase, imagine.. Tss.."
Napangiti naman agad ako sa ideyang iniisip ko. "Taguro ko.." malambing sabi ko at niyakap siya mula sa likod.
"Ano?"
Hinalikan ko ang leeg niya. "Ang bango mo, Babe.."
"Tss. Tigilan mo nga 'yan, Sensui.."
"Sige na babe, tulog na naman si Heart, eh.."
"Gusto mo masapak, Sensui---"
*BANGGG
"Ano 'yon?" sabay na sabi namin ni Taguro.
To be continued..
BINABASA MO ANG
He's Into Her [FanFic]
FanfictionIto po ay Fan Fiction lamang. Dala narin ng sobrang pagka-inspired sa istoryang HIH kaya ko nagawa ang fanfic na 'to. Hindi ko entensyon na pangunahan ang ating author na si maxinejiji. Yun lang salamat. d^__^b tss..