"Erik ang hirap pala talaga. Sana di ko nalang sya naging bestfriend. Sana tinigil ko nalang to"
Hagulgol ni Czy sakin. Pano ba naman kasi, nagbestfriend ng lalaki. Yan tuloy na-FALL ng inaasahan. Yes, inaasahan kasi transferee nga tong si Brian at maraming nagkakagusto. Swerte nalang nitong bestfriend ko dahil naging close sila.
"TSS. TANGA MO KASE". Pagbatok ko sakanya.
Unang-una palang, tingin ko maling-mali na pipili sya ng 'bestfriend' e lalaki pa. Nako. Sa sinasabi nilang...
"Bestfriend lang kami nuh. Di ako magkakagusto sakanya. Panget nun eh"Sus. Panget talaga? Kahit anong pagkukunti pang ibato mo sa 'bestfriend' mo, darating ang panahon na malalaman mo na lang na nahulog kana sakanya kahit ang panget panget nya. Sa panget nga nafo-fall sila? Sa gwapong bestfriend pa kaya? Gaya nga ng iba, "they're bestfriends turn to lovers"
Kaya ako, never akong magiging close sa ibang lalaki. Kung gay naman okay lang :P
"Teka nga czy. Di ko pa nakikita yun ah. Sabi ka ng sabi na pogi, baka naman maputi lang yan" sambit ko. So sinabi nya sa akin na ipapakilala nya bukas pagtapos ng klase.
Hapon na nga at naghihintay na sa labas ng gate ng school si Brian at Czy. Una kong nakita ang bestfriend ko at di nagtagal ay nakita na nya ako at pinalapit sa kanya. Kasunod pala nya ang isang matangkad, maputi, matipuno at hmm may itsura namang lalaki. Ang bestfriend nya. Pagkakita ko rito, isa lang ang nasambit ko......
"MUKHA NAMANG BAKLA E!"
BINABASA MO ANG
Okay Lang Ako...
Teen FictionPain build-up in me. All promises turn to lies. All friendship lead to fail. Ang sakit potek!