Pangalawang kabanata...

0 0 0
                                    

Ang pangit agad ng first impression ko sakanya. Mukha talagang bakla. Ang suplado kasi tignan e.

Ilang araw ang lumipas, nalaman ko na nalaman pala ni Brian yung mga sinabi ko. As usual, nagalit sya agad. Quits na kami. May bad impression na rin sya sakin. Pero sa tingin ko, mas naiinis ako lalo sakanya kasi dahil narin sa nangyari sakanila ng bestfriend ko. Pa-FALL kasi ang loko. Kala mo gwapo, gwapo naman.

Hindi rin nagtagal, umamin si Czy. At ang reaksyon nung isa "Ah ganun ba?". Ang potek! Ganun lang yun. Nakakataas ng dugo kung kayo yung bestfriend ng bestfriend ko. Tapos sumunod nun lumayo na loob nya. Iniiwasan na nya. Bwiset. Mas mabuting sabihin nalang nya na wala syang gusto sa bestfriend ko diba.

Sa huling pagkakataon, ang tanging hiling nalang ni Czy ay sana bumalik sila sa dati ng bestfriend nya. Mahirap naman yun. Yung dating super close kayo, ngayon pag nagkakasalubong kayo, parang wala nang pinagsamahan na ultimoy di dumating ang oras na nagkakilala kayo..

Ang nangyari, binigay nya na ang cellphone number ni Bri.

PS. Buti nalang Tm din sya. Hahaha

Okay Lang Ako...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon