Nagkatext kami. Kahit na naiinis ako sakanya, isinantabi ko muna yun para lang makausap ko sya ng maayos.
"Hanggang bestfriend lang talaga" text ni Brian sakin nung tinanong ko sya kung anong nararamdaman nya sa bestfriend ko. Sabi ng isa ay okay lang basta ba pansinin na sya dahil mas mahirap kapag iniiwasan ka.
Nagkabati sila. Pero hindi yung gaya ng dati. Hanggang sa tumuntong na kami sa ikaapat na baitang sa highschool, medyo bumaligtad ang mundo.
Simula ng magkabati sila, nagtuloy-tuloy ang kamustahan namin Bri. Mabait din naman ang loko. Loko-loko pala talaga kaya siguro na-fall ang isa. Speaking of isa, yung bestfriend ko, ayun nalimutan na ang nararamdaman nya. Dahil nakilala nya ang kuya nyang mapagmahal. Kuya-kuyahan.
Noong bakasyon, nagsimula narin akong maadik sa text dahil sakanya. Oras-oras sa kakapindot ng phone. Hindi kasi sya boring katext. Sa mga panahon ding yun, nag-open sya sakin. At naintindihan ko na ang lahat, ang side nya.
BINABASA MO ANG
Okay Lang Ako...
Teen FictionPain build-up in me. All promises turn to lies. All friendship lead to fail. Ang sakit potek!