PANAGINIP
Halos hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan ng masilayan ko ang maaliwalas niyang mukha na halos matakpan na ng kanyang hanggang balikat na buhok..Sobrang ganda niya.. Hindi ko maalis ang aking paningin sa kanya. Lalo na ng sumilay ang isang mumunting pagngiti sa kanyang labi...
Lumingon siya sa kinaroroonan ko..
Napasinghap ako!
Sobrang bilis ng tibok ng aking puso ... Na para bang kinakapusan na ako ng hininga..
Hanggang sa....
Nagising ako.
Hindi ito ang unang beses na napanaginipan ko ang babaeng iyon. Na kung tutuusin ay hindi ko pa nakita sa tanang buhay ko..
Hindi ko alam kung likha lang ba siya ng aking imahinasyon..
O talagang nakita ko na siya...dati...
Pero impossible...
Isang babae na ganoon kaganda?
Impossibleng makalimutan ko iyon.. Lalo na sa kakaibang pakiramdam na naibibigay niya saakin...
Ako si Lhance...
At halos Gabi Gabi ko ng napapaniginipan ang isang napakagandang dayo sa aking mga panaginip..
Sa hindi maipaliwanag na dahilan. Masaya ako sa tuwing napapaniginipan ko ang misteryosang babae sa aking pagtulog..
Pero ang nakapagtataka lang... Ay sa tuwing titingin siya sa akin ay nagigising ako..
Gamit ang isang papel at halos mangalahati ng lapis ay iginuhit ko ang larawan ng babaeng iyon. Hindi na bago sa akin ang pag guhit sapagkat ito ang nagiging takbuhan ko sa magulong mundong aking ginagalawan.
"Lea! Wag ka dyan! Alam mo namang...." Pahinang sabi ng babae sa kanyang kaibigan na dapat ay uupo sa kaharap kong upuan.
Napatingin ako sa gawi nila at bakas ang takot at pagkapahiya sa kabilang mga mukha.
"Ahh s-sorry! Pasensya n-na" kabadong saad ng babae bago sila nagmadaling umalis sa aking harapan.
Napailing nalang ako. Halos magiisang buwan na matapos akong makalabas sa pagamutan. At hindi ko maitatanggi na sa panahong iyon ay nagbago ang Turing sakin ng mga tao. Lalo na sa aking mga kaibigan at kapit bahay.
Hindi ko naman mawari kong ano ang problema nila saakin?
"Lhance! Saan kana naman galing?! Diba sabi ko sayo ay dito ka muna sa bahay! Baka hindi mo naalalang kakagaling mo la-" singhal ni Ate pagkarating ko ng bahay ng agad siyang awatin ni Mama.
"Josei tama nayan... Pagod ang kapatid mo" ani ni mama habang inaakay ang naghaharumintado kong kapatid. "Lhance kumaen kanaba? Naghanda ako ng paborito mo...sinigang" masayang saad ni Mama. Pero ganoon bakas parin sa kanyang mukha ang pagod. Kita sa malalim niyang mga mata. Napabuntong hininga ako.
"Sige po. Bihis lang ako"
Pumanhik na ako sa taas at nagbihis. Abala ako sa pagaayos ng aking sarili ng maramdaman ko ang pagbukas ng pintuan. Tinungo ko ang aking paningin roon at nakita ko si Mama.
"Pagpasensyahan mo na ang Ate mo.... Pagod lang yun sa trabaho kaya ganoon... Intindihin mo nalang anak.." Malumanay at puno ng sinceridad na saad ni Mama.
Isang mapait na ngiti ang ginawad ko sa aking ina. Ang babaeng narito sa aking harapan ang naging sandalan ko nung mga panahong sobrang gulo ng aking isipan. Isang ngiti niya palang kumakalma na ako. Hindi ko lubos maisip kung bakit ko nagawa ang mga bagay na nakasa-