Prologue

19 3 0
                                    

Kailan mo ba masasabing okay na ang lahat? Pag ba nakangiti ka na araw-araw? Pag ba hindi mo na kailangan pa ng unan para saluhin ang mga takas na luha galing sa 'yong mga mata? Pag ba hindi ka na natutulala kakaisip sa mga bagay na nasayang? Pag ba hindi ka na nahihirapang tanggalin siya sa buhay mo? Pag ba huminto ka na sa kakaasa? Pag ba nakahanap ka na ng iba? Pag ba sa iba na umiikot ang mundo mo at hindi na sa kanya?

Napaisip ako.

Kailan nga ba naging okay ang lahat?

Kasi... Simula nung nawala siya...

Hindi naman naging okay ang lahat eh.

Kasi patuloy pa rin akong umaasa na babalik siya. Sa piling ko. Sa puso ko. Sa buhay ko. Hindi ko pa rin kasi mabitawan yung katiting na pag-asang natitira dito sa puso ko na isang araw, babalik siya, at magiging okay na ulit ang lahat. Magmula kasi nung umalis siya sa buhay ko, andami nang nagbago. Unti-unting naging matabang yung mundo ko. Ang hirap pala pag wala siya. Akala ko kasi noon kaya ko...

Hindi pala.

Akala ko pag binitawan ko siya magiging okay na yung takbo ng mga pangyayari. Ang alam ko kasi yun yung makabubuti para sa amin noon. Nakabuti nga dahil mas naging focus kami sa kanya-kanyang buhay namin. Pero iba pa rin kasi talaga pag kasama siya. Sa bawat segundo. Sa bawat tawa ko tsaka ngiti. Sa bawat pangyayari sa buhay ko.

Pero paano kung bumalik siya?

Paano kung makita ko ulit siya?

Saan? Sa LRT? Sa pedestrian lane? Sa isang rambulan sa may kanto? Sa may coffee shop malapit sa inyo? Saan?

Mangyari naman kaya 'yon?

Malay mo.

Siguro.

SIGUROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon