Julian's POV
As usual, siksikan na naman pagpasok ko ng LRT. Rush hour ba naman. Okay. Standing ovation na naman guys.
Mabuti nalang talaga bumaba na yung mamang nasa tabi ko kaya ayun. Nakakuha na rin ako ng pwesto.
Ilang sandali lang, nakaramdam ako ng antok. Puyat kasi kagabi. Engineering ba naman ang kinuha ko. Kaya ayan. Magdusa ako diba. Minsan nga nagsisisi ako kung bakit eto pa yung kinuha ko eh. Pero okay lang naman kasi habang tumatagal nagugustuhan ko na rin naman.
Di ko napansin. Nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako ng naramdaman kong nangangawit na yung left shoulder ko sa kung anong mabigat na bagay na nakapatong dito.
"Oy miss." I shrugged my shoulder para sana magising na 'tong babae sa balikat ko.
"Miss. Gising na." I shrugged my shoulder again sa pagbabaka sakaling gumising na 'to.
Aba't tingnan mo nga naman. Nakikitulog na lang nga sa balikat ko ang hirap pang gisingin. Tss. Sa pangatlong beses na panggigising ko sa kanya, ayun nagising na.
Naka-hood siya at nakatago yung mukha niya sa alon-alon niyang buhok kaya hindi ko makita yung kabuuan ng mukha niya.
Sayang naman. Malay natin 'chix' diba? Tsk.
"Oh! Lahat ng bababa sa may Vito Cruz Station baba na po." Sabi nung announcer sa LRT. Bigla namang napaayos ng upo 'tong katabi ko.
"Shit! Kanina pa dapat ako!" Yun lamang ang sinabi niya bago mabilis na tumakbo palabas ng tren.
Ayos yun ah.
Sandali. Bakit... Parang? Ba't parang familiar yung boses nung babae?
Wait... Is that Alex?
Sus. No way dude. Imposibleng nandito yun eh nasa California siya diba. Tss.
Ayan ka na naman Julian.
Iniisip mo na naman siya.
Tss.
Makababa na nga.
BINABASA MO ANG
SIGURO
Roman pour AdolescentsKailan mo ba masasabing okay na ang lahat? Pag ba nakangiti ka na araw-araw? Pag ba hindi ka na natutulala sa kakaisip ng mga bagay na nasayang? Pag ba nakahanap ka na ng iba? Pag ba sa ibang tao na umiikot ang mundo mo at hindi na sa kanya? Napais...