Part 19

93 11 0
                                    


It's been 6 months when our relationship became stable.

Si kaycee? Ayun umuwing nganga sa US. Tsk. Ano kala nya kay ishan. Freebie? Na kaya ko lang ibigay ng basta basta sakanya? Err.. NO! Mamatay man sya! Hoho -___-

Pero nag kaayos naman kami ni kaycee at sila ni ishan before she left because she's nothing compared to me. Bwahaha. Kidding aside, pinatawad ko na sya kahit labag sa loob ko. Pati si ishan pinatawad na sya.

Psh. Ang plastic ko talaga ng mga panahong yun haha. Alam ko namang pinipilit lang din naman nya makipag usap samin nun eh para wala syang konsensya pag alis nya.

Si warren? Ayun nagtapat sakin  na mahal pala nya ko. Akalain mo yun? Ang ganda ko kasi eh. Haha. Pero sabi nya wala naman syang hinihinging kapalit in return. Gusto lang daw nya mag confess para naman daw gumaan pakiramdam nya. See?! How gorgeous am I?! Ayytt putek. Lakas talaga makahawa ng kayabangan ni ishan. Psh.

Si warren pala after nya magconfess 2 months ago ay umalis na din ng bansa, since according to him, I am a fast learner and I could run the business properly na! Ang saya diba?! Haha.

Ito naman si ishan pinakilala na ko sa parents nya. I have to admit na gustong gusto talaga ko ng family nya. Yung family nya? Hayst. Cool na cool din gaya ni ishan haha.

Ganun din naman sila mom and dad kay ishan ng ipakilala ko sya. Gustong gusto ni papa kasi kasing kisig nya daw si ishan nung kapanahunan namin kaya daw na inlove si mama sakanya. Si mom naman todo deny ampupu halatang kinilig haha. Magkakilala na ang both families. Seryosohan na ito. Haha. Sana lang talaga diba at ako ang pakasalan ni ishan.

''Baby? You're spaced out. Mind to share?"

Lapag nya ng mga pagkaing niluto nya. Date daw kami eh. Sabagay monthsary din namin eh. Kaso sa bahay lang nila. Oo bahay nila ng family nya. Andito kami ngayon sa garden nila na may pool. Candle light dinner. With petals of roses floating on pool.

''Wala napaisip lang ako sa mga nangyari satin. We've been  through a lot.'' I smiled.

''Indeed. But for now let's have our dinner?"

Um-oo naman ako. As we eat ganang gana ako kasi bukod sa sya ang nag handa ang sarap pa!

Eventually sinerve na yung gawa nyang cheese cake oreo!

''Finally! Inaabangan ko to eh. Favorite ko.''

''Dahan dahan naman lisha. Para kang PG.''

Hinampas ko sa braso. Letse tlaga to!

''Hahaha!"  Tumawa lang sya. Tsk. Tawa lang basta ko uubusin ko to!

Wait bat parang may matigas. Parang ang napatigas ata pag ka bake ni ishan sa cheese cake oreo na to.

''I-shan! Aacckkk!! M-may n-nalunok akong matigas!''

''Damn lisha bat mo nilunok?!"

Di sya mapakali kumuha sya ng tubig pero nilapag nya ulit yun.

''Aystt! Tara dadalhin kita sa ospital!"

Binuhat nya ko ng bridal style at itinakbo. Kinuha ko yung singsing sa bibig ko na muntikan ko na talaga malunok! Ang epic naman kasi magpropose gusto ata akong mamatay eh!

Habang busy nya kong itinatakbo isinuot ko yung singsing sa ring finger ko..

''Ishan? I do.''

Napatingin naman sya sakin ng alalang ala at nagtataka.

''Huh?!''

Inilapag na nya ko sa loob ng sasakyan nya..

''Sabi ko I do!!!"

Wag Kang Matakot Mahulog: Tanga! Nandito lang akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon