Epilogue

107 11 1
                                    

Ang buhay natin ay sadyang maikli lamang. Kaya dapat i treasure natin every little moments na inispend natin kasama ang mga taong mahalaga satin.

Who would have thought that after all the hindrances that Ishan and I had surpassed, we still both end in the most important place in the world. Saan pa ba?! Edi sa bahay ni God. Sa simbahan.

Dito kami magsusumpaan ng pagmamahal namin sa isa't isa. Super sarap sa feeling na ikakasal ako sa taong mahal ko. Akala ko talaga yung relationship namin ni ishan ay hanggang pagiging Fubu nalang. Pero hindi. Kasi parehas kami nahulog. At siguro yun na din yung way ni God para magkakilala kami ng taong papakasalan ko ngayon.

''Ready ka na lisha?" Tanong sakin ni mommy habang andito kami sa loob ng bridal car. Papunta na kami ng simbahan.

''Opo mommy, super excited na po ako!" Sabay yakap ko kay mommy.

''Nako naman yung baby ko magpapakasal na.'' Naiiyak na sabi ni mommy.

''Mommy naman eh. Naka make up ako oh. Mamaya ka na umiyak please? Naiiyak din ako eh.'' Wala pa ko sa simbahan naiiyak na ko agad. What more pag andun na ko at makita ko sila ate.

''Haha. Anak natutuwa lang ako dahil matured ka na talaga mag isip.''

''Mommy naman!"

Sabay kaming tumawa. Haysstt.. Kahit naman mga business minded ang parents ko di pa rin sila nagkulang sa pag gabay saming mag kakapatid. Napalaki kami ng maayos at matitino.

Pagbaba namin ng kotse inalalayan naman ako ni mommy pati ng mga ate ko sa gown ko. Pati na rin yung mga brides maid.

''Waaahhh... Ikakasal na yung bunso natin ate!" Sigaw ni ate monica.

''Loka loka! Makasigaw lang wagas?! Inggit ka lang jan eh. Sagutin mo na kasi yang manliligaw mo.'' Si ate kyla na busy na nag aayos sa gown ko.

''Hmp. Ayoko nga.''

''Tsk. Yummy ka ba? Di ako magtataka kung bakit ikaw nalang ang di pa kinakasal sating tatlo!"

''Mommy oh!" Sigaw ni ate monica kaya naman nagtawanan kaming lahat na nakarinig.

This is it! Nagsimula na maglakad yung mga nasa unahan ko.
''Ready na ba ang baby namin?"

Lumingon ako kay dad na nasa right side ko while si mom na nasa left side ko. Ki niss ko si dad and mom sa cheeks.

''Opo dad. Thank you po sa lahat daddy and mommy ha? Sorry din kung naging salbahe man akong bunso. Haha.''

Tumawa ako kahit ang totoo nyan naiiyak na ko.

''Wala yun anak. Basta wag mo din bibigyan ng sakit ng ulo yang asawa mo ha?!"

''Dad!" Tumawa kaming tatlo.

Nagsimula na din kumanta yung singer. He's not that popular okay? Pero kilala sya when it comes to youtube. Madami kasi syang cover na kanta.

When we turn out the lights

The two of us alone together

Something's just not right

But girl you know that I will never ever let another's touch

Come between the two of us

'Cause no one else would never take your place...

As we walked the aisle, sweet memories of Ishan and I came flashed on my mind.. Eto na papakasalan ko na yung lalaking natagpuan ko sa bar. Yung lalaking nakakuha ng first sacred stuff ko. Yung lalaking halos naging bestfriend ko for the past year.

Wag Kang Matakot Mahulog: Tanga! Nandito lang akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon