Chapter 1

174 7 2
                                    


Yumi's POV:

Nagising ako ng napakaaga dahil narinig ko na nakikipagsigawan si mama sa labas ng bahay.

Agad akong bumangon at tumungo sa labas "Ma,Aling Juling, Wag na po kayong mag away." Mahinang tono ko.

Nagtinginan sila sa isa't isa at nagtaas ng kanang kilay si Aling Juling.

"Wag ka ngang pakielamera! Tsaka pagsabihan mo rin tong nanay mo na magbayad siya sa mga utang niya sa upa niyo rito! Ilang buwan na ang nakalipas wala pa rin! Kung hindi niyo iyon babayaran, tiyak na wala na kayong bahay!" Sigaw ni Aling Juling sabay alis.

"Tara na anak sa loob." Sabi agad ni mama. "Kumain na tayo."

Kumain na kami at nagulat ako dahil nag iimpake si mama.

"Ma,ano pong----
Lilipat na tayo?" Tanong ko.

"Oo. Ibang bayan
Baon na tayo sa utang. Paalisin na tayo dito bukas."

"Ma!!!!!"

******************

"Ang creepy dito,walang bahay." Daing ni Kuya Gian.

"Kaya nga eh." Sabi ko. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok.

"Tiisin niyo nalang. May alam akong bahay na malilipatan natin."sagot ni mama.

Ngumiti lang ako.

Nakailang metro na kami ng biglang nagtaasan ang balahibo ko sa buong katawan ko.
Eh paano ba naman kasi eh
May nakita akong babae sa puno. Natatanaw ko siya. Nakatalikod.

"Sino siya?" Bulong ko.

Nagulat ako nang biglang umikot yung ulo niya pero hindi yung katawan! Yung ulo lang niya!

"SHIT!" Napamura ako.

"Anong problema Mimi?" Tanong ni Kuya Gian.

Napalingon ako sa puno pero wala na yung babae.

"Nakita ko rin yun."

Napalingon ako kay kuya. "Nakita mo rin?" Tanong ko.

"Oo pero hindi ko maaninag yung mukha niya. Nakaharap siya."

"Ano??!"

"Bakit?"

"Nakita ko siya na nakatalikod! Tapos yung ulo niya umikot ng paharap!" Sigaw ko.

"Ewan ko sayo Mimi!" Sigaw ni kuya Gian.

"Ano ba kayo! Hindi totoo ang multo!" Sigaw ni mama.

Mas lalo pa akong nagimbal nang papunta kami sa isang maliit na bahay at dun sa pintong iyon, Nakita ko ulit yung babae.

Nakangiti siya.

Mapula ang mga mata.

"Aaaaahhhhhh!!!"

Pitong Araw Sa Madilim Na Bayan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon