Yumi's POVPagkagat ng dilim. Pumunta ako sa kwarto ko at nagtalukbong.
"Hindi! Akin tong bahay na ito! Walang titira rito!" May narinig akong sumigaw na babae.
Inalis ko yung kumot sa mukha ko at sumilip.
May babae. Nakatalikod..
"Ma?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot.
"Ma!"
Biglang nawala yung babae at nagbagsakan ang mga gamit na nakalagay doon.
"Hindi! Akin tong bahay na ito!! Walang titira rito!"
Nagtalukbong ulit ako.
"HAHAHAHA!"
******
"Mimi!"
"Mimi!"
"Yumilynne!"
Napadilat ako. Si kuya Gian
"Yumi! Anong nangyayare sayo!" Tanong niya.
"A-anong nangyare?" Tanong ko.
"Nagsisisigaw ka kagabi! Nagtatatakbo ka! Kinakausap kita, ayaw mong sumagot. Ano ba!" Sigaw ni kuya Gian.
"Kuya! Maaga akong natulog kagabi at wala akong natatandaan na nagsisisigaw ako at tumatakbo!!" Sigaw ko..
"Sino yun?" Tanong ko kay kuya nang may nakita akong babaeng nakatalikod sa may doorway.
"Ma?" Sabay na tanong namin sa nakatalikod na babae sa doorway.
Hindi siya sumagot.
Napaluha ako. "Kuya..." sabi ko sabay yakap kay kuya.
Ayoko na rito! May multo rito!
Biglang bumukas yung radyo at may nagsalitang babae.
"Hahahaha! Alam niyo kung bakit ako narito? Dahil inaagaw niyo ang pamamahay ko! Akin lang to! Hahahahaha!"
Natahimik kami ni kuya.
Biglang humagulgol yung babae.
"Kayo ang may kasalanan dahil pinatay niyo ang kaisa-isa kong anak!!!.....
Si Yumi!....."
Nagulat ako.
Napaatras..
At napaiyak..
"Kuya.." unti unting umaatras si kuya.
"Kuya ako parin to! Si Yumi! Ibang Yumi ang tinutukoy niya!" Sigaw ko.
Napatingin kami sa doorway.
Nakangiti yung babae.
Ang pinagtataka ko lang..
Bakit..
Ang pangalan ko????
D-diba...
Buhay pa ako?
Buhay pa ako!!!!!!!!!!
****************