Chapter 2

22 0 0
                                    

[Author's Note]

hello readers! sana nagustuhan niyo yung una kong chapter. 

comment at vote din pag may time :)

hayaan niyo readers, ibibigay ko talaga ang best ko dito sa story na 'to

p.s. si nicholas oh, nasa right side xD

************************************************************************************************************

[Amelia POV]

Habang nagmamaneho ako papasok sa school, hindi ko mapigilan malala ang unang pagkikita naming ni Nicholas…

**FLASH BACK**

4 years ago…

Kalalapag palang ng eroplanong sinakyan ko galing states.

Sa states kasi ako nakapagtapos ng college. Business Course ang kinuha ko sa Stanford University. Gusto ko kasi mahasa ng husto yung interest ko sa business.

Since na only child ako, I have to pursue my parents’ dream for me, na maging CEO ng Collin’s Group of Company.

Syempre hindi ganoon kadali ibigay sa akin yung pusisyon na yon. I need to work hard for it. I don’t want my employees na magisip ng hindi maganda sa akin. Na porket anak ako ng daddy ko, kelangan ko ng angkinin ang lahat ng hindi pinaghihirapan.

“Amelia!” napatingin ako bigla sa tumawag sa akin

“Mommy! Daddy!” agad akong tumakbo palapit sa kanila at niyakap ng mahigpit

“we missed you so much baby” sabi ni mommy. Teary eyed na si mommy, masyado siyang emotional ever since.

“I missed you too”

“so how’s your trip?” tanong sa akin ni daddy

“kinda tiring, but it’s ok, nakita ko na ulet kayo ni mommy eh.”paglalambing kong sagot ka daddy

“that’s my girl. Come on, let’s go home, nagpahanda ang mommy mo sa bahay” sabi ni daddy

“oh, talagang excited kayo sa paguwi ko ah.”natatawa kong sabi sa kanila.

I really missed these two important people in my life.

“of course baby. So let’s go?” sabi ni mommy

“sure! Miss ko na din si yaya lucing eh pati yung house natin” nakangiti kong sagot

Madami kaming napagkwentuhan habang bumibiyahe kami pauwi sa bahay namin.

Nang makauwi kami, nakita ko agad si yaya lucing tumatakbo palapit sa akin

“Yaya Lucing!” agad ko syang niyakap ng mahigpit

“Amelia! Ang ganda ganda mo na. kamusta ka naman doon sa amerika?” si yaya talaga, hanggang ngayon bolera pa rin

“nambobola ka naman yaya eh. At ok lang ako dun, yun nga lang sobrang namiss ko talaga kayo dito”

“eto talagang batang to oo, hindi ka parin nagbabago. Tara na sa loob, at pinagluto kita ng paborito mong pagkain.” Nakangiting sabi ni yaya.

“yes, yaya”

I’m very lucky to have a family like this. I’m proud na hindi ako pinalaki ng parents ko na spoiled katulad ng ibang anak mayaman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi Na MagbabagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon