[Author's Note]
Hi sa inyo, sana magustuhan niyo po yung my first story ever. Sa totoo lang po, ngayon lang ako nagkalakas ng loob sa pagsusulat. Pagpasensyahan niyo nalang po kung medyo magulo yung flow ng story :)
Comments and Votes are highly appreciated :)
thank you!
p.s, amelia antoinette at the right side! ciao!
************************************************************************************************************
[Amelia POV]
“Smile Amelia, be strong… Kaya mo yan, Fight!” pampalakas ko sa sarili ko.
*tok*tok*tok
“Hmmm… Sino yan” tanong ko sa kumakatok
“Amelia, ready ka na ba? Kelangan mo ng bumaba, may pasok ka pa ngayon” sabi ni Yaya Lucing
“Yes yaya, I’ll just fix my things first.” Sabi ko kay yaya Lucing
Hay, eto nanaman ang isang araw na kelangan kong magpanggap sa harap ng friend ko. Sa araw-araw kong pagarte sa harap niya, papasa na ata ako para maging actress, haha…
Yes, tama kayo ng iniisip mga readers. I’m madly inlove with my friend. He’s not just only a friend of mine, he’s also a close family friend. May stockholder din kasi ang family nila sa isang business namin.
After 10 minutes…
“Good morning daddy, good morning mommy.” Bati ko kay mommy at daddy pagkadating ko sa dining area.
“oh baby, good morning too.” Bati sa akin ni mommy, pero si daddy parang hindi ako napansin.
“dad? Are you ok?” tanong ko kay daddy, pero wala pa ring imik sa akin
“daddy naman eh, pansinin mo naman po ako” naka-pout kong lambing kay daddy.
“May kasalanan ka sa akin, alam mo ba yun Amelia?” sabi ni daddy sa akin.
Huh? Wala naman akong matandaan na may nagawa akong mali kay daddy.
“daddy, I don’t understand?” hanggang ngayon napapasip pa rin ako kung ano nga naging kasalanan ko.
Napansin ko si mommy na ngingiti ngiti sa amin ni daddy,
“mommy, what’s wrong with dad?” tanong ko kay mommy, feeling ko kasi may alam siya eh.
“don’t mind your daddy, nagseselos lang yan” nakangiting sagot naman ni mommy
Lalo akong naguluhan sa sagot ni mommy. Napatingin naman agad kay dad, at nakita ko syangnamumula… Kung hindi lang seryoso ang mukha ni daddy, kanina pa ako humahagalpak ng tawa…
“Saan naman nagseselos si dad, mom?” nagtataka na talaga ako sa kinikilos ni daddy ah…
“sino pa ba, edi kay Mr. Nicholas Andre’ Gonzales, your one and only, Amelia” nakangiting sagot ni mommy na parang kinikilig
“Huh? Paano naman napasok si Nicholas dito?” takang-taka na talaga ako, ang gulo nila…
“Paano naman ako hindi magseselos, eh di ba ako lang ang lalaki sa buhay mo baby?” hindi na mapigilan ni dad na sumagot. Lalong namula si daddy sa sinabi niya.
“ahahahaha, si daddy talaga. How did you know na may gusto ako kay Nicholas?” tawa ako ng tawa habang tinatanong ko si dad
“I heard you and your mom talking about him last night. And I assume na may gusto ka na kay Nicholas.” Sabi ni daddy. Hindi mapigilan ni mommy na ngumiti ng malaki. Pati tuloy ako napapangiti sa takbo ng usapan namin. Ang aga-aga love life ko agad ang napaguusapan.
BINABASA MO ANG
Hindi Na Magbabago
Ficțiune adolescențikakayanin ko pa bang maghintay para sayo... na walang kasiguruhang mapapasaya mo rin ako... sa loob ng maraming taon, hindi ko pa rin nakakamit ang mataggal ko ng minimithi.... nang makuha ko ang iyong walang hanggang pag-ibig -amelia antoinette