Chapter 18: I'm not Jealous!

21.4K 735 27
                                    

Chapter 18

Tumigil kaming lahat sa paglalaro nung biglang pumasok si sir Cruz sa room, but as usual, hindi namin inayos ang mga chairs namin--what? Ikaw kaya ang makisama sa mga lalaking ito ng matagal, tignan natin kung di ka mahahawa sa mga gawain nila. haha

"Good morning sir!" bati ko and naggrunt lang yung mga boys.

"good morning everyone" sabi niya at pumunta sa harap namin, "congratulations for passing the exams" sabi niya with a huge smile.

"uhm, thank you sir, pero that was last year pa po ah" sabi ko.

"yes, yes, but--"

"sabihin niyo na po kung ano ang kailangan niyo" sabi ni James na nasa tabi ko (we were playing Snake and Ladder kasi nung pumasok si sir).

Nagsmile si sir Cruz bago nagsalita, "very well, Andito ako para sabihing malapit na ang Annual High School Tournament, and thank you miss Louie for joining the Tennis Club."

"you're welcome po sir" sabi ko habang nagtitinginan kami ng mga classmates ko, ang odd kasi na kinailangan pa niyang pumunta sa room para lang mag announce at magthank you??

"mm, and I would also like to ask Bryce and companies to join the basketball team again" sabi niya sabay tingin kay Bryce na nakaupo sa railing ng window and we all looked at him.

"no" sagot ni Bryce.

"wait wait!" sabi ko sabay tayo and I looked at Bryce with a huge grin, "you play basketball??" I asked at umiwas siya ng tingin saka he cleared his throat.

"Bryce is the basketball team captain last year miss Louie" sabi ni sir Cruz and my jaw fell on the floor.

"no way" I whispered at tumingin uli ako kay Bryce na umiiwas pa din ng tingin, na parang nahihiya siya.

"and also Nathaniel, and Jason, James, Alfred (Kalbo) and who else? ah, Tony (Pekto) were part of the team" sabi ni sir Cruz, "sana makabalik kayo sa team this year since gumaganda naman ang mga grades niyo"

"OMG! Yes sir! They will join the team!!" sigaw ko while jumping up and down, ang galing! Wow!

"hoy Lexa, sinabi ba naming papayag kami?" sabi ni Kalbo (or Alfred if you prefer).

"ano ba kayo! Ang cool cool kaya ng mga guys na naglalaro ng basketball! Pretty please guys! Gusto ko kayong mapanood na maglaro, pleeeesh!!" sabi ko with my palms together and they all sighed, haha defeated!!

"bahala na nga" sabi ni James.

"yey! sasali kayo, right?" tanong ko kina Nathaniel at Jason na kanina pa busying nagchichismisan.

"ah? saan?" tanong ni Nathaniel, "ahh, sa basketball team? Do you want us to join?"

"yes!" I said happily.

"then we shall join" sabi ni Jason.

"yeah!" sigaw ko, "OMG! ang cool niyo talaga!"

"and Mr. Cooper?" tanong ni sir Cruz and we all looked at Bryce na kanina pa tahimik at parang anlalim na naman ng iniisip.

Tumingin muna siya sa akin saka tumingin kay sir Cruz, "sure" sabi niya at nagsmile si sir Cruz.

"good, good. Thank you miss Louie" sabi niya and I smiled back at him. You see, sir Cruz is not that bad, I think kaedad niya lang si lolo. He is strict pero every principals should be strict right?

"Please look for Mr. Lee after your class, have a good day" then lumabas na siya.

Mr. Lee? That's Arko Lee, right?

Me and My Boys VOLUME 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon