Arrange Marriage ♥ - Chapter 11 part 3 (the last part)

849 29 5
                                    

Rose POV

“Subukan mo lang… hahalikan kita pag ginawa mo yun ulit PANGIT” at talagang inimphasize niya pa yung salitang pangit. Akmang aapakan ko na siya ng napatigil ako panu ba naman kasi naalala ko yung sinabi niyang ‘hahalikan kita’ Kung anong pinagsasabi ng ulupong na ‘to >____________________<

When the song comes to end bumitaw na kami parehas sa mga pagkakahawak namin. Nagsimula na akong patungo sa hagdan. Bakit kasi ako pa yung napili eh kaasar.

“Problema mo pangit?” nagtatakang tanong niya

Naku naman kung bakit ba kasi hindi ako sanay sa mga sandals na may mataas na takong eh kaasar.

“Ano kasi… natatakot akong bumaba… hindi ako sanay sa ganitong sandals” nag aalinlangan kong sagot

Tinitigan niya yung sandals ko. Ano ba mataas nga yan. Nang matapos niyang titigan ang sandals ko nilahad niya ang palad niya.

“Ano yan?”pagtatanong ko

“Kamay tanga”

Tinitigan ko ang palad niya. Napatigil ako ng magsalita siya.

“Ano? Tutunganga ka nalang dyan?”

Mabilis kong kinuha ang kamay niya. *dub dub dub dub dub* Ano yun? Bakit ganun ang nararamdaman ko? Ang weird. Nakababa naman ako ng watiwasay. Ang sakit ng paa ko T__________________T

“Salamat” matapos kong bitawan ang kamay niya

“Tss. Parang labas pa sa ilong ah”

“Nagta-thank you na nga ayaw pang tanggapin, edi wag” kaasar na ulupong na ‘to nagta-thank you na nga yung tao eh bwisit >_______________________<

After naming mag asaran ng ulupong na yun dumating naman si Grace. Dapat kasi ito nalang ang napili eh

“Grabe ka teh ikaw na talaga” sabay kapit sa braso ko

“Kakahiya kaya yung ginawa ko tapos yung ulupong na yun”

“Sinong ulupong?”

“Ayan o— asan na yun?” paglingon kasi biglang nawala. Ayun pala siya naglalakad patungo sa isang babae *dub dub dub dub dub* bakit baa yaw umalis ng tunog na ‘to? Bwisit

“Hay naku girl baka gutom na yan tara na nga”

Patungo na sa kami sa table ni Grace kung san ako kumuha ng pagkain kanina ng biglang may humarang samin na tatlong babae

“Hoy ikaw!” sabi nung babae na wagas kung magmake-up, muka siyang clown pramis! Tinuro ko yung sarili ko kung ako ba yun. Tumango siya edi ako nga

“Problema niyo?” maangas na tanong ni Grace

“Problema namin ay siya” sabay turo sakin nung  babaeng grabe magsuot ng maikli na damit ang taba naman ng hita

“Oo nga” pagsang-ayon naman nung huling babae na mukhang palaka. Bwahahahahaha

“Bakit ako?” patuturo ko sa sarili ko

“Inaagaw mo lang naman samin ang Prince Clark namin” girl 1

“Oo nga” girl 3

“Ako? Inaagaw ko siya sa inyo? Oh c’mon, kelan pa siya naging sakin at lalong-lalo naman sa inyo?”

Medyo nag-aasim na yung mukha nilang tatlo hahahahahaha! Sarap picture-an nilang tatlo

“Teka nga, sino ba kayo?”

Bigla nalang kasing susulpot akala mo kabute hindi man lang nagpapakilala akala mo kung sinong mayaman. Tss

“Kami ang The Angels, ang fanclub ng aming Prince Clark” sabay-sabay nilang bigkas

Arrange Marriage ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon