Bailona is back

603 15 6
                                    

*YLONA*

Nakatayo na kami ngayon. dito, sa harap ng ilang libong tao. sa Araneta kung san kakatapos lang namin i-perform ang kantang "Mama Mia" ng Abba sa Clash of Celebrity. kalaban namin, ang Gimme 5.

And guess what! ng i-announce na ang nagwagi.....

Talo kami! haha but its ok, mahalaga nag enjoy naman kami at isa pa.. ilang sandali lang ay magbibigay na ng hudyat samin para sa pagbabalik namin sa loob ng PBB house.

At maya-maya nga narinig namin ang boses mismo, ni Big brother!

"Housemates, tapos na ang hamon ko sa inyo sa outside world at ngayon ay dumating na ang takdang oras para kayo ay magbalik na sa loob ng aking bahay."

narinig namin ang mga gulat na reaksyon ng mga manonood. at syempre kami ay gulat na gulat din. me, totoo talaga na nagulat ako dahil si Kuya pa talaga mismo ang nagsabi na babalik na kami? kala ko ia-announce lang or something pero si Kuya? guest din pala sa Showtime!

Nagpaalam na nga kami at lumabas na kung saan nag aantay na samin ang service pabalik sa bahay ni Kuya. nakahanda na din ang mga gamit namin.

Oh my god. is this real.. babalik na kami sa loob. na-miss ko naman ang bahay at syempre si Big brother but.. its really different now. regular housemates plus us, the teen housemates. can we get along with each other despite our ages? parang panibagong pakikisama nanaman. panibagong pangangapa at pag adjust sa bawat isa. but i know i can do this. ill just continue being me.

And were here.

"welcome back sa aking bahay Big 4." bati samin ni Kuya ngayong naka-upo na kaming apat sa confession room.

Gosh the confession room didnt look the same as before. or i guess the whole house is totally in new theme now.

Saglit pang kinausap kami ni Kuya at maya maya ay oras na para pumasok kami sa loob at makilala ang mga housemates. muka naman silang friendly lahat sa mga ilang episodes na napanood ko.

Huminga ako ng malalim at tuluyan na kaming lumabas ng confession room at nagtuloy sa loob ng bahay.

Pagka-kita samin ng ilang housemates ay nagulat sila. tinuro kami sa iba at..

Sign language? as in walang nagsalita or kahit 'Hi" man lang?

"Hmm. Hi po! Im Ylona." pakikipag kamay ko pa din sa pinakamalapit na housemates samin kahit ba nakangiti at nakatingin lang sila samin at wala man lang talagang bumati.

Nakipag-kamay naman din sakin ang unang kinamayan ko. si Kuya Tommy. kasunod din sila Bailey. sumunod ay si Ate Miho na katabi nya.

Ay eto madaldal to napanood ko to e.

"Hi! Im Ylona."

pakikipagkilala ko pero ngumiti lang din sya at tumango tango habang inabot naman ang kamay ko. Strange?

Maya-Maya ay nakita namin na papunta na ang iba pang mga housemates samin.

"Hi!!"

bati ko sa kanilang lahat ganun din sila Bailey. wala talagang nagsasalita.

Ng i-sign language si Ate Dawn. na bawal nga silang magsalita. ohh.. ok. Kuya talaga. tss tss.

Ng biglang.

"Ay Bailey!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. miski din ang mga housemates.

Si Ate Mikee na nakatakip na ngayon sa bibig nya na halatang nagulat din sa nangyari. magka-kilala kasi sila ni Bailey, because of her boyfriend na si Kuya Yexel. yun ang na-kwento sakin ni Bailey non.

BAILONA - HAPPY CRUSH (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon