Prologue

535 11 0
                                    

Who would ever thought na ang dating sikat na bokalista ng 'Four Musketeers Band' ay magiging cover ng TIME MAGAZINE bilang "The Most Eligible Bachelor" ng ating bansa. Kinuha siya ng nasabing magazine sapagkat siya ngayon ang tinaguriang 'Man of the Hour' dahil sa mga natamong tagumpay sa larangan ng negosyo. Isa si Sebastian Elliot Barrameda sa mga young CEO ng ating bansa. Siya lang naman ang nagmamay-ari ng BGC or mas kilala bilang Barrameda Group of Companies. Kilala ang BGC dahil nangunguna ito sa larangan ng IT. Marami silang nilaunch na mobile applications na tinangkilik ng maraming tao. Naging mabilis ang pag-unlad ni SEB pagkatapos ng malagim na trahedya sa kanyang buhay limang taon na ang nakakalipas. Ito ay ang pagkawala ng pinakamamahal niyang babae sa mundo, si ASH. Pagkamatay ng kanyang asawa ay nagkaroon ng pagkakataong makausap muli ni SEB ang kanyang ama na umuwi mula America para damayan ang nangungulila niyang anak. Ito yata ang maituturing na isa sa magandang nangyari sa buhay ni SEB ng mga panahon na iyon dahil sa wakas ay nagkaayos na silang mag-ama. Nakatulong marahil ang pagiging ama na rin ni SEB para tuluyang mapatawad at matanggap muli ang kanyang ama. Pagkatapos masaksihan ni Mr. Barrameda ang kalugmok-lugmok na sitwasyon ng kanyang anak ay hindi na ito nagdalawang-isip na tulungan ito. Noong una ay hindi pumayag si SEB sa imungkahi ng kanyang ama ngunit hindi naglaon ay napapayag din siya dahil na rin sa kanyang anak na si Ethan Clark. Kailangan niyang magsumikap para sa kaniyang anak, sa huling regalo na inihandog ni ASH sa kanya. Nagsimula si SEB bilang isang Junior Executive sa BGC para mapag-aralan ang kalakaran dito. Sa simula ay hindi maunawaan ng kanyang ama ang nais ni SEB ngunit ng makalipas ang ilang buwan ay naintindihan niya na rin ito. Gustong mapatunayan ni SEB sa kanyang ama at maging sa mga board of directors na karapat-dapat siyang maging future CEO ng kumpanya. Dahil dito ay mas lalong hinangaan si SEB ng kanyang ama at maging ng ibang tao sa kanyang paligid. Marami ng nagbago sa buhay ni SEB at maging sa sarili niya mismo. Ngunit ang hindi alam ng marami ay mayroong isang bagay na hindi magbabago sa kanya kahit lumipas pa ang mahabang panahon... Ito ay ang walang humpay niyang pagmamahal kay ASH. Ilang taon na rin ang lumipas pero si ASH pa rin ang nilalaman ng kanyang puso at isipan. Ngunit habang lumalaki si Ethan ay batid ni SEB na kailangan na nito ang pagmamahal ng isang ina. Malaking pasasasalamat ni SEB kay Atasha dahil ito ang tumayo bilang ina sa kanyang anak. Malaki ang utang na loob niya sa kanyang matalik na kaibigan dahil sa mga oras na nagluluksa siya kay ASH ay nariyan ito para damayan siya. Si Atasha na ang kinalakihang ina ni Ethan at tinatawag din niya itong Mommy. Madalas pa ring dalawin ni SEB ang lugar kung saan binawian ng buhay ang kanyang pinakamamahal. Ngunit mas espesyal ngayon ang kanyang pagdalaw dahil mayroon siyang ipagpaalam kay ASH.

"Hi YAM. How are you? I hope masaya ka diyan sa langit. I'm sorry if ngayon na lang ulit ako nakabisita sa iyo. Masyado lang akong naging busy sa company and maging sa ating anak na si Ethan. You know he really looks like you especially when he smiles. He has your eyes and your lips. The more I see him the more I miss you YAM. By the way, did you know I am in a cover of a magazine. Isn't it amazing? Who would ever imagine an Average Joe like me would end up posing for the TIME MAGAZINE. How I wish you were here to see all that's happening to me. I am slowly fulfilling all of our dreams but it would have been better if you're here beside me. Always remember that I dedicate all my achievements to you, so you can be proud of me. YAM, it seems it was just yesterday when we finally admitted our feelings for each other. How I wish I can go back through time and undo all the things that I've done." madamdaming sambit ni SEB habang nakatanaw sa dagat.

"It's all my fault. If I didn't leave you alone then probably you're still alive. I could have protected you and avoided the accident. I am so stupid. I was blinded by my ambitions. I just wanted to prove to you and your family that I am worth fighting for. I love you so much YAM!!!" malakas na sigaw ni SEB sabay pahid sa mga luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata.

May ilang sandali ring humagulgol si SEB hanggang sa inaayos niya ang kanyang sarili at muling tumingin sa malayo.

"YAM, I have something to tell you. Ethan is starting to look for a mother figure. You know how much I love you and how much I love our son. I am going to do this for our son and not for myself. ASH, I hope that you will understand that Ethan and I must move on with our lives even without you. Please remember that you will always be a part of us no matter what. YAM, I am planning to marry Atasha. I know you have issues with her before but she was there when you left us. She helped us cope up with the pain in losing you. I hope that you can be happy for us. I love you so much." huling salita ni SEB habang hinahagis ang dalang bulaklak sa dagat.

Inihagis ni SEB ang dala niyang bouquet of roses sa dagat bilang alay niya sa kanyang pinakamamahal na si ASH. Paalis na sana si SEB ng may mamataan siyang isang babae na nakatayo sa may pampang ng dagat. Nakasuot siya ng scarf, shades at sumbrero kaya hindi niya ito mamukhaan. Noong una ay hindi niya ito pinansin ngunit ng akmang pabalik na si SEB sa kanyang sasakyan ay may kakaibang naramdaman si SEB para sa babae kaya muli niya itong nilingon.

"It can't be? ASH is that you?" bulong ni SEB sa sarili.

Muling ipinihit ni SEB ang kanyang ulo para masilayan ang dalaga na malapit sa pampang. Ngunit laking gulat ni SEB na wala na ang babae sa kanyang kinatatayuan.

















The ONE THAT GOT AWAY - BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon