Chapter 8: Mystery Girl

296 7 5
                                    

Hindi pa rin mawala sa isipan ni SEB ang mga naganap kahapon sa pagitan nila ni Atasha. Akala ni SEB ay hindi niya magagawang magpropose sa ibang babae maliban kay ASH. Ang mas pinakanakakagulat sa lahat ay ng halikan siya ni Atasha matapos tanggapin ang kanyang wedding proposal. Hindi makakaila ni SEB na kahit papaano ay may kaunti na siyang pagtingin kay Atasha dahil sa pagtugon nito sa paghalik ng dalaga. Akala ni SEB ay bato na ang kanyang puso at hindi na muling kakayanin pang magmahal. Siguro nga ito ang tanging paraan para lubusan na siyang makapagmove on at mapalaya ng tuluyan ang alaala ni ASH. Muling naalala ni SEB ang mga sinabi ni Atasha at ni Ethan na tumatak sa isipan niya at tuluyang nagpabago ng kanyang isipan para ituloy ang naudlot na buhay pag-ibig.

"All I'm asking is for you to start to living again. Because when ASH died, you died with her."

"Mommy!!! Mommy don't leave me."

"Mommy!!! You promised to stay with me..."

Napagtanto ni SEB na si Atasha lang ang makakatulong sa kanilang mag-ama para tuluyang maghilom ang mga sugat dahil sa pagkawala ni ASH. Hindi alam ni SEB kung gaano katagal ang proseso pero ang mahalaga ay naglakas loob siyang sumugal muli. Habang busy si SEB na nakatanaw sa labas ng bintana ng kanyang opisina ay hindi nito namalayan na nakapasok na ang kanyang kanang kamay na si Kevin. Nakilala ni SEB si Kevin noong nag-aral siya sa America. Matagal rin ang kanilang pinagsamahan sa abroad at dahil dito ay naging malapit sila sa isat-isa. Alam ni Kevin ang lahat sa buhay ni SEB maging ang tungkol sa yumaong asawa nito. Ang pinagtataka ni Kevin ay kailanman ay hindi lumabas sa media na asawa ni SEB si ASH na heiress ng HIGC. Pinaliwanag ni SEB na hanggang sa huli ay tutol ang ama ni ASH sa relasyon nila kaya hindi ito kinilala bilang asawa ng dalaga. Minsan na ring kinumbinse ni Kevin na kuning investor ang HIGC sa BGC ngunit hindi pumayag si SEB. Ayaw nitong magkaroon ng kahit anong utang na loob sa pamilya ni ASH. Natatakot rin si SEB na baka bawiin ng pamilya ni ASH si Ethan sa kanya.

"Dude, are you okay? Parang ang layo-layo ng iniisip mo at di mo napansin na nakapasok na ako sa opisina mo." worried na tanong ni Kevin sa kaibigan habang nakatayo sa likuran nito.

"I'm okay Pare. Why wouldn't I be." ani ni SEB sabay lingon kay Kevin.

"Kaya nga dude sundin mo na ang payo ko sayo get a wife to take care of you and Ethan. You badly need someone right now." pagpapaalala ni Kevin kay SEB.

"Ganoon ba kamiserable ang hitsura ko para sabihin mo iyon. As if ikaw may girlfriend na?" bwelta ni SEB kay Kevin sabay tulak ng mahina sa balikat ng binata.

"At talagang nakuha mo pang ibalik sa akin ha... Magugulat ka na lang. Soon pare! Soon..." pagbibiro ni Kevin kay SEB na ikinagulat ng binata. 

"At may prospect ka na rin sa wakas. Pare alam mo bang minsan iniisip ko bakla ka kaya di ka nag-gigirlfriend. Hahaha..." pagaalaska ni SEB kay Kevin na umani ng mahihinang hampas mula sa binata.

"Nagsalita ang maraming karanasan sa babae. If I know first and last girlfriend mo kaya si ASH." pambubuska ni Kevin kay SEB.

"Tama ka Pare siya ang first and one true love ko kaya mahirap siyang kalimutan." seryosong tugon ni SEB sabay haplos ng kanyang buhok.

"But she's already dead pare. It's time for you to start anew. For sure iyon din ang gustong mangyari ni ASH dahil gusto ka niyang maging masaya kahit wala na siya." pagpapaalala ni Kevin kay SEB habang nakatingin ito ng masinsinan sa kaibigan.

"Iyon nga pare ang mahirap eh. Until now I am not fully convinced na wala na ang asawa ko. Sa maniwala kat hindi minsan nakikita ko siya iyon nga lang di ko maconfirm ng malapitan dahil nawawala rin siya kaagad. Tapos si Ethan may nakita siyang babae na kamukha ni ASH." pagpapaliwanag ni SEB kay Kevin na halatang naguguluhan sa mga pangyayari.

The ONE THAT GOT AWAY - BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon