and SHE KILLS...

72 3 2
                                    

PROLOGUE:

[Yuzuki's POV]

Eto ako ngayon, paakyat na sa rooftop na tinitirhan ko. Syet! Laking pagod ko ngayon. Anim na CHENES ba naman paslangin mo eh hindi ka mapagod? Tas ang malala, madilim na nga sa street na yun tas umuulan pa. Eto basa na ko kahit naka-kapote ako, kailangang suotin din to para di makita ng iba yung dugong nagtalsikan sa uniform ko. Tsk ang lilikot naman kasi ng mga Chenes na nakalaban ko ngayon -_______-

Pagbukas ko ng pinto ay may nalaglag na sobre na nakaipit pala  sa pinto. Aking pinulot yun at nakita ang seal ng SHIRUGAUAs'. Hinubad ko na yung kapote at isinabit sa gilid ng pinto at umupo na sa sofa ko sa bahay. Pagkaupong-pagkaupo ko ay binuklat ko na yung sobre para malaman kung anong meron don. Tss baka ipapapatay din nila ako? Hahaha! Imposible.

----------------------------------------------

WHAT: Shirugaua's Ansatsusha Competition

WHEN: Oct.29,2014

WHERE: @Shirugaua's Island

PRIZE: A contract to work at SHIRUGAUA GROUP and you will have a chance to name your prize and they will give it to you after you win the game.

REQUIREMENT: You must know how to kill Chenes and to fight until you die. You also be needing one assistant in this game that will help you when you will be needing a nurse that will cure your wounds.

Don't you worry because, everything that they will see will be deleted after the game.

SAYONARA and GANDATTENE,

SHIRUGAUA GROUP

--------------------------------------------

Tss, kailangan pa talaga ng kasama? Eh kaya ko naman dun kahit wala akong kasama. Lumaki na kong ulila dahil sa kanila tapos ngayon magpapalaro sila ng may kasama ang mga players? Ano 'to lokohan? Panibhasa nung pinabagsak nila ang kopanya at eskwelahan ng pamilya ko para sa mga iba pang assassins eh nangailangan pa sila ng tulong sa iba. Mga SHIRUGAUA? Tss isang angkan na nagpapanggap pero mga DUWAG naman! Pakiramdam lang nila na malakas sila pero hindi. Sadyang dinadaan lang nila lahat sa pera. Kaya nga pinabagsak nila ng pilit ang pamilya ko dahil hindi pumayag si Papa sa gusto nila na gawing mga Chenes ang mga estudyante sa aming university para mapalawak ang lahi ng mga Chenes at mapamunuan lalo ng mga Shirugaua ang buong Japan. Okay na sana na angkinin nila ang university pero yung gagawing Chenes ang mga estudyanteng mapayapa at masayang nag-aaral dun? At ipapapatay nila ang pamilya ko? HINDI TAMA YON! Di porke mga HALIMAW sila ay gaganun na nila ang lahat ng bumabangga sa kanila? Tss! Nagawa nila yon? BABAWIAN ko sila! Makakahanap sila ng katapat nila at sisiguraduhin kong ako ang tatapos ng kalokohan nila! Kung alam ko lang kung para saan ang game na 'to? Tss! Kaya para sa mga Ansatsusha? May Prize? Tss isa din yun sa mga kasinungalingan nila! Pero kailangan kong sumali dito! Kailangan ko munang makapasok sa SHIRUGAUA GROUP atsaka ko sila pababagsakin. Hindi nila dapat malaman na ako si YUZUKI KANA, na ako ang bunsong anak ni TSUKI KANA, na ako ang natitira sa KANA FAMILY na pinaslang nila!

Di ko napansin na nalukot ko na pala yung papel na hawak ko dahil sa galit na nararamdaman ko! Pero agad ko rin namang iniayos yun kahit lukot-lukot na dahil kakailanganin ko yun para makapasok sa game na yun. Ipapanalo ko tong laro na to. Ipapanalo ko. Tandaan niyo yan "SHIRUGAUA!" At di ko na naman napansin na may tumulong luha na sa mata ko at nasabi ko ng tuluyan ang apelyido nila. Agad ko namang pinunasang ang luhang pumatak sa pisngi ko at inilagay sa school bag ko ang sulat na hawak ko at saka nagpalit ng pambahay at inalis ang dugo sa kamay at damit ko.

Ako nga pala ang dating si Yuzuki Kana na nagtatago na ngayon sa katauhan ni Rena Kosoku. Nabubuhay ako sa pagpatay ng mga Chenes at paghihiganti sa mga SHIRIGAUA.

Tonde kisu,

Yuzuki Kana/Rena Kosoku

and SHE KILLS...[ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon