Panda's Note: ^__________^
Dahil kahit papano eh may reads naman ako (puro silent readers) at merong 2 votes, at wala akong magawa, magUD. :) Tumal naman. Sana sa susunod 5votes na tas may mga comments na din. :] Huhuhuhbels! TwT sige po enjoyin muna naten 'to habang very-very light pa ang mga mangyayare =)))
>> Rena Kosoku/Yuzuki Kana po yang nasa photo. :)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[RENA'S POV]
*kriiiiiiiiiiiiiiing* (sound ng alarm, cheap si Panda XD)
*Yaaaawn* Tsk! Grabe, 5hrs na tulog lang tas pagod pa katawan? Takte kung sa normal na tao to? Malamang nagsisipagreklamuhan na sila. Pero ibahin niyo ko sa kanila. Ngayong 5am, magsta-start na ulit ako sa normal na buhay. Kailangan ko ng gumayak ng pangpasok ko sa school tutal pagkagaling ko naman kina sir Yori ay derecho na ko sa HCU. Kaya kailangan ko naman gawin ang mga daily routines ko.
*After 30 minutes* Ready to go na 'ko! At syempre warm up muna bago ko magtatatakbo papunta kina sir Yori.
Ngayon habang tumatakbo ako nasisilayan ko yung pagsikat ng araw. Grabe ang ganda ng langit. Habang nakatingin ako dito ang daming sumasagi sa isip ko.
"Magiging katulad kaya ko ng langit sa oras na sisikat ang araw? Yung tipong sa madilim at magulo kong buhay, darating kaya yung araw na maliliwanagan na ko sa lahat. Yung wala ng problema. Wala na kong iisipin pa na kailangan ko makipagpatayan gabi-gabi? Matatapos pa kaya 'to?"
Ang weird ng buhay ko right? Parang nasa isang teleserye na puno ng aksyon. Duh? Ang baduy!
Pero ngayon andito na ko sa tapat ng bahay ni Sir Yori, mga 3 streets lang naman kasi yung pagitan sa bahay ko, kaya saglitan lang at dahil may susi naman ako sa bahay na 'to di ko na kailangan pang bulabugin ang amo ko dahil lang papasok ako. Actually kaya ko ngang talunin ang bakod ng bahay niya at pasukin yun kaya lang di pwede lalo na at normal na tao si Sir baka mabisto pa niya ko sa mundong ginagalawan ko madamay pa siya. Wala kasi dapat makaaalam bukod sa mga katulad ko na isa akong Ansatsusha. Oo tama kayo, may mga katulad pa din naman ako dito pero pakalat-kalat lang sila at di ko rin sila kilala. May mga nakasama lang ako makipaglaban pero di kame nagkukuhaan ng mga impormasyon tungkol sa isa't-isa dahil bawal kameng ma-attach sa mga katulad namen. Ewan ko ba ung bakit pero yun yung nakasulat sa huling bilin ni Papa na naiutos niya sa pinagkakatiwalaan niyang assistant na ipakalat ang utos na yun sa mga magulang ng mga kaedaran kong Ansatsusha ngayon, bago pa siya mamatay.
*ARF!* *ARF!* Kahol ng aso ni Sir. Tss. ang ingay neto, kung pwede lang tong gilitan ginawa ko na. Pasaway! Agad naman na din akong pumasok sa loob ng bahay para di pa magtagal yung ingay na ginawa nung aso na yun. -_____-
Paghubad ko pa lang ng sapatos ko ay dumirecho na ko sa kusina para makapagluto ng almusal ni Sir Yori. Habang nakasalang yung agahan ni Sir eh nag-linis na din ako dito sa kusina, tas mamaya pagkaluto nung pagkain, ihahain ko na tapos sa sala naman ako maglilinis.
Kung tatanungin niyo ako kung close ako kay Sir Yori? Isang HINDI ang sagot ko. Kahit nagtatrabaho ako dito ng week-ends ng buong maghapon at almost 2years na akong nagtatrabaho sa kanya? Di kame nakakapagkwentuhan ni sir ng matagal. Lagi siyang wala dito, bukod sa school siya nagtatrabaho at school councilor ang sabe niya minsan nung nandito ako ng week-ends eh may trabaho siyang pinupuntahan tuwing ganung araw kadalasan pa daw ay out of town. Syempre wala naman akong karapatan at wala akong balak tanungin kung saan siya pumupunta. Basta nagtatrabaho lang ako dito para makaraos sa mga sarili kong gastusin at pinag-aaral niya ako sa Hoshida Constellae University. Di siya nanghihinayang na gastusan ako sa pag-aaral ko ng libre kasi wala naman siyang sariling pamilya na binubuhay kahit ang mga magulang niya ay wala na daw. Yun lang naikwento niya saken tungkol sa buhay niya bukod sa trabaho niya. Yung magulang niya ay namatay daw sa isang car accident nung pagkatapos niyang grumaduate sa college. Oo parehas kameng nawalan na ng magulang, kaya medyo magaan naman yung loob ko sa kanya at nakakaramdam naman ako ng siguridad sa kanya. Hello di naman ako nyan gagahasain -____- Busy sa trabaho tas gagahasain ako? Magnanasa saken? HAHAHA IMPOSIBLE yan!!!! Pero minsan nagtataka ako dito kay Sir kung bakla ba siya? Kasi naman wala pa ata tong girlfriend. Pero isang secret mga pre, crush siya ng bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
and SHE KILLS...[ON-HOLD]
ActionIsang dalagang nabubuhay na puno ng paghihiganti. Ang babaeng di marunong ngumiti at tanging pag-iyak ang ginagawa sa gabi. Paano kaya maaayos ang buhay niya? Paano na ngayon iikot ang mundo niya sa pagpasok sa buhay ng mga SHIRIGAUA? At paano nga...