GGMY 4

28 3 0
                                    

AN: Scene to nilang magbestfriend. Eto ang sweet moment nila. Dont worry, marami pang dadating na aweet moments nila :)

------------------

Die's POV
Ang sakit sa feeling na sinisigawan ka ng bestfriend mo lalo na gusto mo sya. Ung feeling na pinagtatabuyan ka din nya sa di mo malamang dahilan.

"Bakit ba?! Bakit mo ko sinisigawan?! Ano bang problema mo?! Hindi ka naman ganyan kanina sa bahay ah!" natigilan sya. Naiiyak na ko. First time nya kong sigawan. As in first time. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

"D-die, s-sorry." tinary nya kong hawakan pero tinampal ko ung kamay nya.

"Anong magagawa ng sorry mo kung nasaktan mo na ko?" umiyak na nga ako. Tumakbo ako papalabas ng bahay nila pero dumaan ako dun sa pinto sa kusina papuntang likod nila at para di nila ako makita.

Ang sakit! Ano ba kasing ginawa ko? Bakit kailangan maging ganto? Ano bang problema nya?

Umiyak lang ako ng umiyak ng makarinig ako ng pagbukas ng pinto. Pero hindi ko ito pinansin hanggang sa may nagabot sakin ng panyo, kaya napatingin ako sa taas. Si Top..

Umupo sya sa tabi ko at niyakap ako. Dun na ko naiyak lalo.

"Im sorry bez." kinokomfort nya lang ako.

"B-b-bakit k-ka ba kasi n-nagalit?" I sobbed.

"Uhm.. k-kasi ahhh.. ano uhm.. h-hindi mo.. hindi mo sinasagot ung mga text ko kanina. Yun! Yun yon." mukhang kinakabahan sya. "Eh dahil sa sanay akong sinasagot mo kagad ang text ko o kaya nagaalala ako sayo, kaya di ko naiwasang hindi magalit. Sorry talaga bez." pinupunasan nya ung mga luhang pumapatak galing sa mga mata ko.

"O-okay, wag mo na ulit ako sisigawan ah?" tumango sya at ngumiti kaya napangiti na rin ako.

"Hindi na. I promise." nakangiti nyang sabi.

"Wag kang magpromise ng hindi pa tapos, promises are meant to be broken." malungkot kong sabi. Hinawakan nya ung kamay ko kaya napatingin ako sakanya.

"Eh bakit pa nagkaroon ng promise kung promises are meant to be broken naman pala?"

"Dahil siguro trip lang? Ewan. Kasi ung ibang tao naman, promise ng promise, di naman tinutupad. Kaya hindi promise ang tawag dun." totoo naman diba? Minsan nga naiisip ko, ginagamit lang ng isang tao ang promise para sabihin o masunod ang gusto nya eh. Gets nyo?

Humiga sa damuhan si bez, kaya humiga na din ako sa tabi nya. Nakatingala lang kami sa langit. Ang daming bituin. Magandang pagmasdan.

"Eh anong tawag dun?" nagkibit balikat ako.

"Ewan ko. Baka promise-breaker. Hahaha!" natawa ako kaya natawa na din sya. Ang corny ko.

"Ikaw talaga!" kinurot nya ung pisngi ko ng malakas kaya napahiyaw ako sa sakit. Grabe, ang sakit!

"Waaaahhh! Beeessshhhh! Massshhhaaakkkeeettt!!!" naiiyak ako sa sobrang sakit ng kurot nya. Tumawa lang ang loko.

"Masakit ba? Haha! Ang cute mo kasi eh! Yan tuloy, napaginitan ko ung pisngi mo." hindi ko na pinansin ung iba nyang sinabi. Ang nakafocus lang ako na sina bi nya ung "Ang cute mo kasi eh!" ay sus! Kinikilig ako! Haha.

"Ay hindi bez! Hindi sobra! Hindi masakit, actually gusto ko pa nga eh. Duh! Malamang naman nuh! Masakit! Tss." inirapan ko sya habang hinihimas ung magkabilang pisngi ko. Peste ang sakit!

"Sorry naman. Taba kasi ng pisngi mo eh. Atsaka, ang cute mo pa." nagblush ako. Buti nalang di nya nahalata kasi ang akala nya namumula pisngi ko sa kurot nya.

GOD GAVE ME YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon