GGMY 11

17 2 3
                                    

Alex's POV
Nandito kami ngayon sa mall. Nagyaya sya eh. Naglalakad lakad lang kami. Kanina pa nga kami paikot ikot dito eh -___-

"San ba tayo pupunta babe?" tanong ko dito. Maga nga mata nyan kakaiyak eh.

"Ewan." may naisip ako. Hinila ko sya.

"HOY! Kaya ko naman maglakad noh!" sigaw nya.

Hindi ko sya pinansin at hinila ko sya sa Dairy Queen.

"Sa Dairy Queen?" sinimangutan ko sya.

"Hindi hindi, sa Dairy King -___-" nabatukan tuloy ako. Ansakit ah!

"Aray ha!"

"Cookies and cream overload." nakangiti nyang sabi. Naks! Parehas kami ng favorite.

Umupo na sya dun sa dulo at ako umorder na.

"Miss, dalawa ngang cookies and cream overload." sabi ko. Nagpapacute pa ata to eh.

"Okay sir." nakangiti nyang sabi. Lalabas na naman ata ang pagkaplayboy ko.

Binasa ko ung pangalan dun sa uniform nya. Ung name plate.

Jenny

Ow okay. Tinignan ko sya. She tucked her hair behind her ear.

"Jenny. Nice name." sabi ko sabay kindat. Naglip bite naman sya. Hahaha!

Dumating na order ko.

"Here sir." sinadya nyang hawakan kamay ko.

Naramdaman ko nalang na may yumakap sa braso ko.

Napatingin ako. Si Die pala.

"Babe, what's taking you so long?" malambing nyang sabi. I smirked. Jellyfish ata.

Tinignan nya si Jenny. Pinagtaasan nya ng kilay ito. Ganun din si Jenny. Psh! Gulo na naman.

"Babe, its nothing." sabi ko nalang at hinila na sya.

Nung makarating kami sa table, inirapan nya ko.

"Bakit ang tagal mo? Alam mo bang nagugutom ako? Nakipaglandian ka pa! Landi talaga ng babaeng yun." naiinis na sabi nya. Ngumisi ako.

"Nagseselos ka ba?" natigilan sya sa pagsubo. Biglang namula sya ng husto.

"A-ako? Nagseselos? Oh c'mon! Hindi ah! Asa ka pa noh!" nagiwas sya ng tingin. Napataas ako ng kilay.

"Weh? Defensive. Dami mong sinabi." I grinned. Mas lalo syang namula. Kamatis na ata sya eh

"H-hindi nga!" tawa lang ako ng tawa.

"Ba't ka nauutal?" sinamaan nya ko ng tingin.

"Bahala ka na nga!" nagwalk out po ang lola nyo. Kaya naman hinabol ko.
Nung maabutan ko sya, inakbayan ko sya.

"I'm just kidding babe." inirapan nya ko at tumuloy lang sa pagkain.

"Babe your face!" bulong nya po. BULONG -______-

"Kung bubulong ka siguraduhin mong hindi maririnig ha? Bulong nga eh." sabi ko.

"Tse! Ewan ko sayo!" irap nya ulit.

Napatingin ako sa harap. Nanlaki mata ko ng makita ko si Top may kahalikang ibang babae. Pero familiar sya.

Hinila ko kagad si Die nag malakas kaya nasubsob sya sa dibdib ko.

"ARAY HA! BAKIT KA BA NANGHIHILA?! ANG TIGAS TALAGA NG DIBDIB MO!" napangiti ako.

"Atleast alam mong matigas yan." nanlaki mata nya. Hinampas nya ko.

GOD GAVE ME YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon