GGMY 3

33 4 1
                                    

Die's POV
Anong nangyayari? Bakit ang sama ng tingin sakin nung dalawa?

"Sino sya Daniella?" aish! Daniella na naman! Ice pwede pa eh!

"Ah kuya, mama.. si Jake po partner ko po sa Science project." nakahinga naman ako ng maluwag ng nawala ung sama ng tingin sakin ni kuya. Pero si bez, bakit kaya?

"Ay sige, gagawan ko lang kayo ng cupcakes." nagexit na si mama ng nakangiti at yaya Lolita. Alam ko yang ngiti ni mama eh -_-

"Ah ganun ba? San kayo gagawa?" tanong ni kuya.

"Sa sala nalang po. Bez, gusto mo bang sumama?" tumango lang sya pero ang sama parin ng tingin nya kay crush. Ano bang meron?

"Ah Jake dun ka muna sa sala. Kunin ko lang ung mga gamit." umakyat na ko, nakasunod pala si bez.

"Hoy bez, bakit ang sama ng tingin mo kay crush?" inaayos ko ung mga gamit na kakailanganin.
"Wala akong tiwala dun." naiinis na sabi nya. Psh! Yan na naman po sya.

"Hay nako. Tara na nga." bumaba na kami at pumuntang sala. Nakita ko si Jake kausap si kuya.

"Daniella, maguusap tayo mamaya." sabi ni kuya with serious face. Hala! Anong pinagusapan nila ni Jake?

Napatingin ako kay Jake ngumiti sya kaya napangiti na rin ako. Umupo na kami si bez nanonood lang samin. Nagsimula na kami gumawa ng project. Dinala nya pala loptop nya para magsearch. Ako sulat lang ng sulat habang sya nagsesearch. Pag nagkakatinginan kami, nginingitian nya ko. Kaya napapangiti rin ako.

Napatingin ako kay bez, ang sama ng tingin nya kay Jake. Di kaya.. nagseselos sya? Ay! Imposible yun! Wala nga syang gusto sakin eh! Feelingera mo nuh?

"Break muna kayo. Eto cupcakes, tig iisa kayo." biglang sulpot ni mama. Nilapag nya ung tray sa table na may kasamang orange juice.

"Salamat po tita/ Thanks ma." syempre ung 'salamat po tita' ung dalawang yun. Ako naman ung 'thanks ma'. Ngumiti naman si mama at umalis.

Kumain kami ng cupcake pagkatapos, gumawa na ulit kami.

Maya-maya, natapos na din ung project.

"Salamat Jake." ngumiti sya.

"Salamat din. Una na ko ah, may pupuntahan pa kasi ako." awww! Sayang.

"Sige, ingat ka." hinatid ko sya palabas ng gate. Bago sya umalis humarap muna sya sakin at hinalikan ako sa pisngi.

HINALIKAN AKO SA PISNGI?!

Waaaaaahhhhhh!!! Kilig much!! Kyaaaaaahh! Dreams do come true!

"Daniella! Pasok!" narinig kong sigaw ni kuya sa loob. Lah! Nakita nya kaya yun? Huhuhu. Lagot ako neto. Sinara ko na ung gate at pumasok.

"Pumasok ka sa kwarto ko at maguusap tayo!" tumakbo kagad ako sa kwarto nya, sumunod naman sya. Sinara nya ung pinto.

"Daniella, alam mo ba kung ano ang pinagusapan namin ni Jake?" napalunok ako. Umiling lang ako. Umupo sya sa tabi ko.

"Gusto ka nyang ligawan." natulala ako. Anong sabi ni kuya? Ligawan? Ako? Si Jake liligawan ako?

"Weh kuya? Di nga? Baka nagbibiro ka?" hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Imposible naman!

"Im serious here Daniella." seryoso nga?!? Nananaginip ba ko? Totoo ba tong naririnig ko?!

"Hey!" sninap nya ung finger nya sa mukha ko kaya natauhan ako.

"K-k-kuya, p-pumayag ka?" shet, ba't ako nauutal?

"Crush mo palang naman sya diba? Hindi pa mahal? Magkaiba ang crush sa MAHAL." seryoso ngayon si kuya. Nakakatakot. Pero tama sya, crush ko palang naman sya. Kaso crush? Meron bang nagtatagal ng dalawang taon?

GOD GAVE ME YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon