Lianne's POV
Gooodmorrrrrrrrrrniiiiiiiiiing! HAHAHA. Ang hyper kotalaga.
Bumangon na ako at ginawa ang daily routine ko.
Matapos ko mag ayos, bumaba na ako para mag breakfast.
As usual ako na naman mag isa.Wala sila mommy at daddy. Si kuya JK naman maagang pumasok yun.
Uhmm. Hindi ko pa pala na papakilala sainyo yung family ko no?
HAHAHAHA. Sorry naman.
Anak ako nina Krystal Jane at Henry Villanueva
May kuya ako, si Kuya Jerome Kent Villanueva
Nasa Seoul sila mommy dahil may inaayos silang branch namin doon. Nagkaproblema daw kasi.
And oo, anak ako ng isang mayaman na pamilya, pero hindi ko yun pinagmamalaki.
Well, gusto ko kasi itrato nila ako bilang ako.
So ayan, natapos na ako sa breakfast ko.
It's time to go to school.
Yehey! Alam nyo kung baki tako masaya ngayon?
Malamang hindi pa kasi hindi ko pa sinasabi.
Eh kasi Science Month na ngayon at syempre maraming activities so walang gaanong klase! HAHAHAHA.
Nakarating na ako sa school. At kitang kita ko naman ang paghahanda nila para sa Science Month.
Pumasok agad ako sa room at umupo sa upuan ko. Eh saan ba kasi ako uupo, malamang sa upuan ko. Aiishh. Nababaliw na namanako. Sorna. Happy lang :D
Naglagay ako ng earphone sa magkabilang tenga ko, syempre aalis muna ako sa Earth. Joke lang! Gusto ko lang magrelax.
Pumikit ako kasi dinadama ko yung music.
If I got locked away
And we lost it all today
Tell me honestly would you still love me the same?
If I showed you my flaws
If I couldn't be strong
Tell me honestly would you still love me the same? ~ ~ ~
--
Ang ganda talaga ng kantang to. Hihihi. Favorite ko po sya.
Naramdaman kong biglang may umupo sa tabi ko.
Eh sino pa ba yung nasa tabi ko? Edi yung pesteng Dominic na yan. Tss. Mag iinom kasi di naman pala kaya -_-
Aww. Mean ba? Sorry. *peace sign*
Kinuha nya yung isa kong earphone tapos dumukdok sa arm chair ko.
"Aba naman mister! Close tayo? Close tayo? Feeling mo naman!" sabay irap sakanya
Malamang di nya nakita yung pagirap ko. Nakadukdok nga diba? Psshh. Pero siguro naman narinig nya at di naman sya bingi.
Di sya gumagalaw. Aba! Nakatulog na ata? Hmm.
Pinagmamasdan ko yung buhok nya.
Tapos bigla syang gumalaw. Biglang sumide yung mukha nya.
Tinitigan ko lang yun.
May kapogian pa lang tinatago tong mokong nato.
Ayy! May sinabi ba ako? Uhh! Nevermind.
First and second subject namin walang dumating na teacher etong katabi ko naman masyadong mahimbing ang tulog. Di ko nga maiwasang ngumiti pag tumitingin ako sa kanya ehh.
Para kasing ang bait nya pag natutulog.
HAHAHA. Pag TULOG lang talaga!
Ooooops! Bigla syang nagising. Ako naman iwa tingin. Patay!
"Uhmmm. Sorry Yexa nakatulog pala ako."
O? himala.
"Ahh. Wala yun. Yung earphone ko pala?" sabay nguso ko sa earphone ko na nakakabit pa rin sa tenga nya.
Inalis naman nya yon tapos binalik sakin.
Recess time na.
Lumabas na sya kasama ng barkada nya.
Ako naman pinuntahan ako nila bes.
Juskoooo. Alam ko na ito.
"Ahem. May kailangan ka atang sabihin sakin?"
Sinasabi ko na ehh. Uwaaaaaa!
"Ano naman yun? Wala naman akong natatandaan na sasabihin ko ahh?" pagiiwas ko
"Eh ano yung eksena nyo kanina? Okay na kayo?" referring samin ni Nick.
"Ah yun. Nagfeeling close lang sya. Kinuha yung isang earphone ko tapos natulog sa desk ko" bigla naman akong napagiti.
Oooooooopsss!
"Oh? Eh bakit napangiti ka? Aminin mo nga sakinLianne Alexa Villanueva may gusto ka na ba sakanya?" meron nga ba?
"Wala ah!! Eto naman!! Napangiti lang!! Iba iniisip ko no???!!" orayt! Defensive ang ateng nyo. Hahaha.
"Sus. Defensive much? Sabi ko nga. Tara recess tayo?"
Di na ako nagsalita at tumayo na. Pumunta na kami sa canteen.
BINABASA MO ANG
When A Gangster Fall Inlove
Teen FictionMarami na siguro kayong nababasa about sa Gangster na nainlove at nagbago. Pero posible bang bumalik ang dati nyang pagkatao sa isang iglap lang?