Lianne's POV
Nandito ako ngayon sa rooftop.
Magpapahangin lang.
Iniisip ko pa rin kung sino yung misteryosong lalaki na yun.
"hi. Mukang lalim ng iniisip natin ahh?"
Tinignan ko sya??
Wait. Parang natatandaan ko sya. Sya ata yung classmate ko nung 2nd year ako.
"uhmm? Di naman. Ikaw diba si Kieth?"
"neyy nakalimutan mo na ako agad?" sabay kamot sa ulo nya.
"sorry naman" nag eyesmile ako.
Si Andrei Kieth Andres. Sya ang nerd classmate ko nung 2nd year ako.
Di sya masyadong napapansin. Tahimik kasi.
Patuloy ang pag uusap namin.
Ngayon ko lang napansin na ang haba na pala ng usapan namin.
Okay lang yan. Wala naman kaming teacher ehh. Hahaha.
Sa pag uusap namin.
Biglang
*boogshhh*
May tao ba?
Nabigla kaming dalawa ni Kieth dahil sa pagsara ng pinto.
Sino yun??
--
Kieth's POVHello po! Ako si Andrei Kieth Andres. Yes i'm a nerd. May salamin sa mata. May bao na buhok. May mga pimples. Naka close neck pa ang polo ko. Hindi rin ako ganun kayaman. In fact scholar lang ako ng school na to.
Kung ikukumpara nyo ako kay Gabriel talong talo na ako.
Ayoko naman na pagdating pa rin kay Lianne talo rin ako.
Simula 1st year nagpapapansin na ako sa kanya.
Yes. Nalove at first sight ako sa kanya.
Ang ganda nya kasi. Simple lang din. Parang walang arte sa katawan.
Naaalala nyo ba yung nakabangga noon ni Lianne? Nung paakyat sya.
Ako yun.Gusto ko sya sundan kasi mukhang badtrip sya.
Pero nagdadalawang isip ako kaya't hanggang tanaw lang ako.
Narinig kong isinigaw nya yung pangalan ni Gabriel.
Ang sakit.
Alam nyo ba yung parang nawawalan ka na ng oxygen?
Hayys. Di ko akalain na makakausap ko sya ng ganito.
Nandito kami sa rooftop.
Ang sarap nya titigan.
Ang sarap nya kausapin.
Ang tagal rin namin naguusap.
Biglang kumalabog yung pinto.
Sabi na ehh.
Nakikinig sya.
--
Dominic's POV
Nagtataka ako bakit hanggang ngayon wala pa si Yexa.
2nd subject na namin. Pero wala namang teacher.
Hinanap ko sya.
Nagpunta ako sa garden. Wala.
Sa likod ng building wala rin. Sa canteen. Wala rin. Pati sa field! Uhh! Asan ba yun??Naisipan ko na pumunta sa rooftop. Yun na lang di ko pa napupuntahan ehh.
Malapit na ako sa pinto ng rooftop. May narinig akong nag uusap.
Si Yexa ba to? Sino kaya yung kausap nya?
Sumilip ako sa pinto.
Nakita kong may kausap syang lalaki.
Puta. Bakit di ako makahinga.
Naiirita ako!
Ganyan ba sya kasaya pag wala ako??!
Tangina naman!
Isinara ko yung pinto.
Medyo napalakas nga lang.
Ano ba tong nararamdaman ko??! Shetness naman ehh!
Pumasok na ako sa room.
Umupo ako sa upuan ko.
"oh pare bakit ganyan mukha mo? Hahahaha!" pagtatawa sakin ni Terrence.
"Ulol!" badtrip naman.
"wooahh! Dude ano ba nangyayari sayo?" pagtatanong ni Nathan.
"babae ba yan? Hahahaha!" pagsali naman ni Luke.
Aiish! Ang kukulit naman nito! >_<
"wala wala! Alis na kayo dito. Shooopi!" pagtataboy ko sa kanila
"oo na. Hahahaha! Oy basta mamaya pare ahh. Try out sa basketball. Wag mo kakalimutan!" pagpapaalala naman ni Terrence.
Ayy oo nga! May try out pa mamaya. Paano ako makakapag focus nito?!
Paksyet naman kasi!
Nagseselos ba ako sa nerd na yun?!
BINABASA MO ANG
When A Gangster Fall Inlove
Novela JuvenilMarami na siguro kayong nababasa about sa Gangster na nainlove at nagbago. Pero posible bang bumalik ang dati nyang pagkatao sa isang iglap lang?