Chapter 11: Time to Change

37 1 0
                                    

Keith's POV

After how many years na pagpapansin ko sa kanya sa wakas at napansin rin nya ako.

Nandito ako sa bahay namin ngayon.

Wala kasi si kuya kaya kami lang ni bunso yung nandito.

Si mama baka nasa trabaho pa.

Ang tatay ko ay isang welder sa ibang bansa.
Kahit papaano naman ay maayos sya doon.

Ang nanay ko naman ay isang bank teller.

Di ko din masabi na mayaman kami dahil sa dami ng gastusin sa bahay.

Magha-high school na rin si bunso.

Si kuya naman malapit na makatapos sa college.

Kumukuha sya ng Civil Engineering.

Nandito ako sa kwarto ko. Nakahiga. Nag iisip.

Paano pa kaya ako mapapansin ni Lianne??

Bigla akong napaupo.

Aha! I have an idea!

Kailangan ko baguhin ang sarili ko. Kung hindi ako magiging nerd baka sakaling magustuhan nya ako ^____^

Kumuha ako ng pera sa ipon ko. Siguro may 2k na yung ipon ko. Kumuha ako ng 1k.

Agad akong pumara ng tricycle at pumunta sa palengke.

Pumasok ako sa barber shop na pinagpapagupitan ko.

Umupo na ako.

"Kuya pa bago po ng style ng buhok ko. Uhmm gusto ko rin po na lagyan nyo ng konting highlights."

Agad naman nyang sinunod yung sinabi ko. Ginupitan nya ako at nilagyan ng konting highlight.

Pagkatapos ko magpagupit nagbayad na ako agad.

Pumunta naman ako sa tindahan ng mga damit. Mura lang naman to. Pero magaganda naman yung mga style.

Pumili ako ng limang polo shirt. At binayaran na.

Pagkatapos ay umuwi na ako sa bahay.

"OMO! Oppayah~ is that you??"

Hayy kapatid ko talaga. Kpop kpop kasi ehh.

"yes bunso. Ako to. Hahaha! Sige maliligo muna si kuya ha"

"ne. I like your hair oppa. Kyeopta^____^"

"talking alien bunso. Sige na"

Nilagay ko muna yung mga binili ko sa kama at naligo na.

Pagkatapos ko maligo ay inayos ko na yung isusuot ko bukas at inayos na rin yung kama.

Kinabukasan..

Naggayak na ako.

After that sinuot ko na yung polo shirt ko at jeans.

Nilagyan ko din ng wax yung buhok ko. And di ko makakalimutan yung glass ko.

Hindi naman sya yung makapal na glass.

Ordinary nerd glass sya na may tamang grado para sakin.

And ayan! Done.

Kinuha ko na backpack ko.

Nagtricycle na ako papunta sa school.

Maraming timitingin pero inisnob ko sila.

Isa lang gusto kong makapansin sakin. Aaaattt...

"Hey Drei ikaw ba yan??"

"Hala Lianne nagpagupit lang nakalimutan mo na ako."

Oo. Pinansin nya ako. Shitt. Di sayang 1k na nagastos ko. Hahahaha!

"You look great. Ano naman dahilan at nagpagupit ka? Pati yang damit mo iba na. May pinopormahan ka na siguro no?"

"Oo. Kaso di ko alam kung magugustuhan nya ako"

"Nako. I'm sure magugustuhan ka nun. Gwapo na matalino pa. Complete package."

Nahiya naman ako sa sinabi nya.

"You think?"

"Yes" and she smile towards me.

I blushed. Pero di ko pinakita.

Sabay kami naglakad.

Lianne's POV

Nakita kong naglalakad si Andrei.

May highlights yung buhok nya. Nakapolo shirt na rin.

Woah! He changed a lot.

Mas gumwapo sya.

Ngayon ko lang napansin na may tinatago pala to.

Sinabayan ko sya sa paglaladkad.
Dumating na kami sa classroom pero di pa rin sya humihiwalay.

Wait? Wag mo sabihin na kaklase ko sya?

Bakit di ko sya napapansin??!

"Drei classmate tayo?"

"You don't know?" parang disappointed sya.

"Obviously" maikli kong sabi at yumuko.

"Lika na sa loob."

Pumasok na kami.

Mga kaklase naman namin nakatingin samin. Or should I say "kay Andrei"

Naman kase. Nag transform ng over tong si Drei. Ayan tuloy naging hearthrob na. Hahahaha.

(a/n: sorry sa maikling update. Hahaha. Busy po kasi. Babawi ako. Thankyou po sa lahat ng nagbabasa nito.)

When A Gangster Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon